Adamson.
Maaga akong nagising kinabukasan. Marahil ay hindi ko pa ulit nasasanay ang aking sarili na matulog ulit sa kama ng kwarto ko rito sa Adamson. Tinignan ko ang bintana at doon dumako. Binuksan ko ito at nilanghap ang sariwang hangin ng Adamson. Talagang masarap mag-relax dito. Magagandang dagat, palayan, may mga burol. Malamig din kapag gabi, mabuti nga't may rooftop din dito. Hindi ako mahihirapang pagmasdan ang kagandahan ng langit.
Inaantok akong bumaba. Kahit nakaligo na ako ay hindi pa rin mawala-wala itong antok ko. Hay nako. Dahan-dahan akong umupo at sinalubong ang tingin ni Noah sa 'kin. Tinaasan ko siya ng kilay. Wala ako sa mood mang-asar ngayon. Gusto ko pang matulog ulit.
Pagkatapos magdasal ay una kong kinuha ang kanin at naglagay ng apat na kutsara nito sa aking plato, agad ko namang sinunod ang bacon at hotdog. Habang kumakain ay nag-uusap sina kuya tungkol sa nawawalang kapatid ni Noah habang kami naman ni Toniesse ay nanatiling tahimik. Tinatamad akong sumali, wala ako sa wisyo para magpaka-stress sa babaeng matagal na naming hinahanap.
May nawawalang kapatid si Noah. Kasintanda ko lamang daw siya. Nawala si Nicole sa amin noong limang taon pa lamang ako. Ang sabi nila, nasa amusement park sila noon nang biglang nawala si Nicole at hindi na siya muling nahanap pa. Imposible namang kidnapping ito dahil kung pangki-kidnap nga, dapat matagal na namin siyang nahanap, diba?
Sa pagkakaalala ko, magkaibang-magkaiba kami ni Nicole. Matangkad ako habang siya'y hindi ganoon katangkad. Umaalon ang aking mala-gintong buhok habang sa kaniya nama'y kulot. Mas matangos ang kaniyang ilong sa akin. Englishera rin iyon. Hindi halata sa kaniyang may banyaga siyang dugo dahil nga sa kulay ng kaniyang balat.
Naalala ko pa noon, tinapunan niya ako ng bato at tamang-tamang sumalpok iyon sa aking mata. At dahil attitude ako mula pagkabata, tinapunan ko rin siya ng bato, mas malaki at sinigurado kong sa tiyan niya ito tatama. Simula ng pangyayaring iyon ay lagi na kaming magka-away. Kumukulo ang dugo ko kapag bumibisita kami rito dahil ako ang laging kawawa. Mas matanda siya sa akin ng ilang buwan pero mas isip-bata pa.
Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin namin siya. May mga batang nagpunta rito noon, sinasabing sila raw si Nicole pero kapag inaalok na namin silang kumuha ng DNA test, umaatras naman bigla. Sinasabing takot daw sila. Ulol. Iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon ko kapag bumalik na siya. Masaya ba dahil nahanap na rin namin ang kapatid ng mahal kong pinsan o maiinis dahil may mamimikon na naman sa akin bukod sa mga kaibigan at kapatid ko?
Matapos ang ilang minutong pagkain ay agad na akong tumayo at dumiretso sa kwarto upang magbihis. Gusto kong pumunta sa dalampasigan upang tignan kung gaano kaganda ang repleksyon ng araw sa dagat. Napangiti ako. Bukod sa kalangitan ay malapit din ang aking loob sa dagat. Siguro dahil may dagat din sa aking ngalan? Natawa ako sa aking naisip.
Napagpasiyahan kong magsuot na lamang ng plain blue spaghetti strap tsaka shorts. Tsinelas na lang din ang aking sinuot. Alangan namang magsapatos ako, e sa dagat ako pupunta. Pumunta ako sa side table at binunot ang charger mula sa saksakan. Tumaas ang gilid ng aking labi nang makitang fully charged ang aking telepono. Napakagandang bungad sa umaga. Nang makababa ay agad kumunot ang noo ni Noah habang tinignan lamang ako ni kuya.
"At saan ka naman pupunta?" Masungit na tanong sa akin ni Noah habang nakalagay ang dalawang kamay sa kaniyang bewang. Mukha siyang bakla.
"Sea shore," maikling sagot ko, tinignan ko naman si kuya na tinanguan lang ako.
Wala nang magawa si Noah since pumayag na si kuyang umalis ako. Napaka-over protective talaga nitong ni Noah. Talagang mahal na mahal ako. Napagdesisyonan kong maglakad na lamang papuntang dalampasigan. Mas mai-enjoy kong tignan ang aking madadaanan papunta roon.
BINABASA MO ANG
Happiness (ON-GOING)
RandomTalisea was a cheerful, kind and softhearted person. Iniisip niya ang iba bago ang sarili niya. She is also an achiever. She is good at everything except for cooking. Even though she experienced of being left and forgotten, it wasn't a hindrance for...