Vianey and Siyan.
Months has passed at naging close ako kay siyan. Even though I really don't know him and I find it hard to trust anyone, yet, I trusted him.
"Ang unfair ano? Iyong mali mo, paulit-ulit na isusumbat sa 'yo pero 'yong mga sacrifice mo, hindi man nila kayang i-appreciate. Damn. God knows how I tried to be enough."
Nasa kwarto ako ngayon. Katawagan si Siyan. Talagang siya na ang naging human diary ko. Hindi ko pinagsisihang pinagkatiwalaan ko siya.
Sinasabi ko sa kaniya ngayon 'yong rants ko about sa professor namin sa Science. I really tried my best para matapos 'yong project na pinapagawa niya sa akin pero hindi ko talaga nakayanan, sobrang hirap tsaka, ang ikli lang ng oras na binigay niya sa akin. Tapos ayon, pinagalitan niya ako sa harap ng mga kaklase ko. Sobrang irresponsible ko raw para hindi magawa iyong simpleng inuutos niya. Damn.
Hindi siya sumagot. Alam niyang may gusto pa akong sabihin.
"Tell me, Siyan. Hindi ba enough 'yong mga nagawa ko noon? Am I not enough?"
I heard him sigh.
"It is not your responsibility to prove that you are enough. Being yourself is already enough, Talisea," aniya. "Let them judge you and show them what you've got."
Napangiti ako sa narinig.
Ito. Ito ang pinakagusto ko pagdating sa kaniya. Hindi ko alam kung ang pagch-cheer up niya ba ang nakakagaan sa loob ko o siya mismo? Sa ilang buwan naming pagtatawagan ay hindi ko alam kung sino talaga siya. Ang alam ko lang, lalaki siya. Halatang gumagamit siya ng voice changer pero inamin niya sa aking lalaki siya. Bakit niya kaya ako tinatawagan? May kailangan ba siya sa akin? Who the heck is he?
Dinig ko ang pagkatok ng kung sino sa pinto kaya nagpaalam na ako kay Siyan. Nang buksan ko ang pinto ay agad bumungad sa akin si Toniesse, halatang kagigising pa lamang.
"Ginagawa mo rito?" Tanong ko at lumabas.
Kinusot niya ang kaniyang mata at humikab bago sumagot. Tinignan niya ako sa namumungay na mga mata.
Okay, I admit it. Ang cute niya talaga kapag inaantok siya. Mas lumiliit ang mala-pusang mata niya. Pumupula rin ang ilong niya. Halatang humatsing kanina.
"Andiyan na sina kuya Vianey." Aniya at bumalik na sa kaniyang kwarto.
Nangingiti akong umiling at bumaba na. Agad bumungad sa akin ang isang gwapong Vianey Xian Stanley. Nalaman kong naging kaklase namin siya noong elementary. Grade three to five? After that, umalis siya dahil sa Amerika na siya nag-aaral. Hindi lamang iyon, he's my boy best friend back then. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang may isa pa akong lalakeng kaibigang mas makapal pa ang mukha kaysa kay Primo Nathaniel Grey.
"Nagpaganda ka talaga para sa akin ano? Hay nako, Roxanne. Hindi kita magugustuhan." Nakangisi niyang sambit.
Inirapan ko siya at agad binatukan. Sinamaan niya ako ng tingin, ako naman ngayon ang ngumisi.
"Kapal ng mukha mo. Pilingero ka. For your information, Vianey, matagal na akong maganda."
Umakma siyang nasusuka. Sinipa ko naman siya. Bwisit talaga 'to, e. Ang ganda ng araw ko tapos sisirain lang ng tukmol na 'to.
"Bakit ikaw ang sumundo sa 'kin? Nasaan sina Primo?" Tanong ko sa kaniya nang makapasok kami sa kanilang kotse.
Sa likod ako umupo. Malas at tumabi rin siya sa akin.
"Alam kasi nilang crush na crush mo ako kaya ako ang sumundo sa 'yo." Nakangisi niyang sagot.
Seryoso ko siyang tinignan. Inalis ang pagiging maloko sa aking mukha. Napatingin siya sa akin at napalunok.
BINABASA MO ANG
Happiness (ON-GOING)
DiversosTalisea was a cheerful, kind and softhearted person. Iniisip niya ang iba bago ang sarili niya. She is also an achiever. She is good at everything except for cooking. Even though she experienced of being left and forgotten, it wasn't a hindrance for...