KABANATA 2

2 0 0
                                    

Our best friend.

Sabado ngayon. Thank God at walang pasok ngayon. Minsan kasi ay kahit weekends ay magkaklase ang mga professors naming walang puso. Wala silang pinapagawa sa amin ngayon ngunit sigurado akong sa lunes ay babawi sila. SLU's professors and their way of teaching really sucks. Pero kung ikukumpara ang mga guro ngayon sa mga guro noon, mas bet ko 'yong ngayon. Kung walang puso ang mga professors ngayon, halimaw ang mga professors namin noon. I really had a traumatic experience because of that monsters.

Nakahilata pa rin ako ngayon sa kwarto ko. Kumunot ang aking noo. How come na nagising ako rito sa kwarto e nakatulog ako sa kwarto ni Toniesse? I don't even remember na ginising nila ako to eat or what. Hmm.. baka kinarga ako ni kuya papunta rito. Matapos ang ilang segundong pagtitig sa kisame ay bumangon na ako. I'm sure na yayayain ako ni Dianne na lumabas ngayon. At hindi nga ako nagkakamali. She texted me.

Dianne:
Hey, blue-haired bitch. Pumunta kang bahay ngayon. Miss na kita.

Ps: huwag kang kiligin, hindi bagay sa'yo.

Napairap ako sa nabasa. As if namang kikiligin ako. Ew. Hindi na ako nag-reply pa. Agad kong kinuha ang aking tuwalya at pumasok na agad ng banyo. Nang matapos ako sa pagligo ay agad akong kumuha ng damit. I decided to wear white oversized shirt, ripped jeans and white rubber shoes. Boyish style, eh?

Agad kong tinuyo ang buhok ko. Hindi na ako nag-abala pang magpulbos o maglagay ng kolorote sa aking mukha. Sa bahay lang naman ako nina Dianne pupunta and I don't do make ups. Kahit sa school, well, hindi naman halata na hindi ako nagm-make up. Thanks for the genes, my precious parents.

Bumaba na ako at agad kong nakita si kuya na nakahilata sa sofa sa sala habang hawak ang remote. Napatingin siya sa'kin at tinaas ang kaniyang kilay.

"Saan ka pupunta?" He gently asked. Hindi inaalis ang paningin sa telibisyon.

"Dianne." Maikli kong sagot.

Tumango siya. Ayos lang kay kuya na gumala ako as long as he knows kung sino any kasama niya at kung saan ako pupunta. Kapag sinabi kong sa bahay ako nina Dianne pupunta, hindi talaga literal na doon lang kami tatambay. Umaalis din kami pero agad ding bumabalik. Sana all bumabalik.

Itatanong ko na sana kung nasaan si ate Shan pero hindi ito tinuloy nang marinig ko ang kaniyang boses sa kusina, tinatawag na kami para mag-agahan. Hindi ko na hinintay si kuya, pumunta na agad ako sa kusina at agad umupo sa aking pwesto.

Habang nilalapag ang ulam ay napatingin sa akin si ate Shan at tumaas ang kaniyang kilay. God, nasa dugo na ba talaga ng mga De Guzman ang pagtataas ng kilay at pag-irap? Kaya kami napagkakamalang masungit, e. I'm not masungit but I'm also not mabait, I cuss (sometimes), I also break some rules lalo na kapag ayaw ko ng rules nila, no one can tame me, kahit pa sina kuya at ate. I speak cruel thoughts from my mind, I don't filter my words, I really don't give a fuck kung anong sasabihin ng mga tao tungkol sa'kin but that doesn't mean na masama rin akong tao. Siguro 50 percent na mabait, at ang kalahati, kasamaan. Or fifty-sixty?

"Saan ka ngayon?" She asked me nang nakaupo na siya sa kaniyang upuan.

Last Saturday, I went to Cyfer's condominium para gumawa ng thesis and some projects. Pasado alas onse na ako nang makauwi. Hindi naman sila nagalit since they personally know Cyfer, alam nila lahat ng pinanggagagawa namin. Kahit 'yong sweetness ni Cyfer sa'kin, alam nila pero wala naman silang sinasabi.

"Dianne. We missed each other, matagal na rin kaming hindi nagkikita."

Medisina rin ang kinuhang kurso ng matalik kong kaibigan. Tatlong taon nalang din ay magtatapos na rin siya. Plano namin na pagkatapos nito ay magkasama naming tutuparin ang aming mga pangarap na magkasama. I met her when we were on our fourth grade, transferee siya noon. Then nakipagkaibigan siya sa'kin, well, hindi pa ako rude that time so I accepted her friendship.

Happiness (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon