Melancholy.
Nakatingin lamang ako sa bintana. Tinitignan ang magagandang tanawin ng Adamson. Natapos na ang isang buwan naming bakasyon ngayon kaya't sa Morgan naman kami pupunta.
Makikita ko kaya sina Primo at Dianne? Balita ko ay may binili silang bahay at lupa na malapit lang sa bahay na tinutuluyan namin dito. Silang dalawa ang pinaka-protective sa akin. Kapag nilalagnat ako, silang dalawa ang unang pupunta ng bahay upang bisitahin at alagaan ako. Walang kinakatakutan si Dianne maliban sa gagamba habang si Primo? Kaibigan. Kami ang kahinaan niya.
Marahil ay ayon din ang aking kahinaan ngunit hindi na ako natatakot na mawalan muli. Ilang beses na akong nawalan, ngayon pa ba ako matatakot?
Natigil ang pagmamasid ko sa paligid nang tumunog ang aking telepono. Tinignan ko ito at napangiti nang makita ang kaniyang pangalan. Araw-araw talaga ay lagi niya akong tinatawagn. Minsan ay napapatanong ako, hindi ba 'to nagsasawa sa boses ko? Si Agatha nga na minsan ko lang makasama pinapatahimik ako. Bilib na ako sa lalaking 'to.
"Morning." Bati ko nang masagot ko na ang tawag.
Dinig ko ang kaniyang paghikab. Halatang kagigising lang. Tch. Ako agad tinawagan, kadiri 'to hindi ba nagsisipilyo. Yak. Ew. Kaderder.
"Good morning, mon amour! How are you? Kumain ka na."
"I'm fine, ikaw ba? Papunta na kaming Aquietus ngayon."
Dinig ko ang lagaslas ng tubig sa kabilang linya. Nagsisipilyo ba 'to habang tinatawagan ako? Ibang klaseng lalaki. Habang hinihintay siyang matapos sa pagsisipilyo ay tinignan kong muli ang tanawin sa labas. Malapit na kaming pumasok sa bayan ng Morgan.
Hindi pa city ang Morgan pero sa tingin ko ay malapit na. May mga hospital, malls, at factories na rin dito. Minsanan lang ako makapunta rito sa Aquietus kaya't tingin ako nang tingin sa labas. Huling punta ko yata rito ay noong twelve years old pa lamang ako. That was.. four years ago. Bawat bayan ay may bahay kami, ewan ko ba. Siguro ay talagang mahilig ang pamilya namin na gumala kaya't bumili sila ng bahay at lupa na p'wede naming tuluyan. I wonder kung saan at anong gagawin namin next summer.
"Masaya ako kasi nakausap na ulit kita. Mag-iingat kayo, okay? Who's driving? Tell your driver na mag-ingat sa pagd-drive. Huwag masyadong mag-phone, just talk to me."
Natawa ako sa huli niyang sinabi. Siya lang ang kausapin? Sounds possessive. Tinignan ko si kuya at tinawag siya, binalingan niya lang ako ng tingin bilang sagot.
"Mag-iingat ka raw sa pagd-drive, sabi ni Vanvan," sambit ko.
"Of course--"he nodded and smiled,"--I will. Huwag na kamo siyang mag-alala."
Buong byahe lang kami nag-usap ni Vanvan. Minsan may kwenta, kadalasan wala talaga. Hindi ako nakatulog dahil bukod sa hindi ako inaantok, talagang ang daldal niya. Hindi ko kayang tulugan. Kung minsan ay tinatamad akong magsalita ay kinakantahan niya ako o hindi kaya'y kinakausap niya si Toniesse.
"Don't hurt ate Tali. Ikaw una kong mumultuhin if I die." Rinig kong banta ng bunso kong kapatid.
Napangiti ako nang mapait sa narinig. Toniesse is sick. Sobrang lala ng sakit niya. Thoracic kyphosis at leukemia. Isa siya sa mga rason kung bakit gustong-gusto kong maging doktor. Gusto kong pagalingin siya. She's too young para makaranas ng ganitong sitwasyon. Dapat ay nasa labas siya, nakikipaglaro sa kapwa ka-edad niya but she can't.
Kung puwede ko lang sanang kunin ang sakit niya ay ginawa ko na. Seeing her in pain makes my heart shatter into pieces. Minsan ay naririnig ko siyang umiiyak dahil sa sakit ng kaniyang likod. Wala kaming magawa, ayaw niyang tulungan namin siya. Ayaw niyang makita namin siyang umiiyak. Minsan, nakikita namin siyang mugto ang mga mata ngunit lagi niyang sinasabing ayos lang siya—kahit hindi naman talaga. She's not okay. Hindi niya kami mauuto. Kilalang-kilala namin siya. Of course, magkapatid kami.
BINABASA MO ANG
Happiness (ON-GOING)
RandomTalisea was a cheerful, kind and softhearted person. Iniisip niya ang iba bago ang sarili niya. She is also an achiever. She is good at everything except for cooking. Even though she experienced of being left and forgotten, it wasn't a hindrance for...