Lucky.
Bumilis ang takbo ng oras. Ang Setyembre ay naging Disyembre. Kami ang nanalo sa musical. Nang sumapit ang intrams ay isa sa may pinakamaraming sinalihan si Vianey kaya't hindi kami masyadong nagkikita ng mga oras na iyon. Archery at Soccer lamang ang sinalihan ko noon habang sina Dianne ay himig ng Lorenzo. Si Leah naman ang kumalahok bilang Ms. Intrams ng grade nine.
Nang mga oras na iyon ay mas maraming humanga sa pagkakaibigan namin at bilang kami. May nagkakagusto na rin kay Vianey at halatang... hindi niya gusto ang atensyong nakukuha niya. Ako naman ay sanay na ngunit hindi pa rin ako komportable.
Christmas break na ngayon. Magkasama kaming magkakapatid. Sa tatlong buwan na pagmamanman kung iisa nga ba sina Siyan at Vianey? Wala akong nakuhang sagot. Minsan ay nagtatanong tanong ako kay Vianey kung may nalalaman ba siya sa akin. Sinasagot niya naman ako ng totoo, malalaman ko rin kung nagsisinungaling siya dahil tulad ko, hindi siya magaling doon.
Napatayo ako nang marinig ko ang boses ni kuya Trevor—inuutusan akong buksan ang gate at pagsilbihan ang mga bisita. Kumunot ang aking noo dahil andito naman na si Noah? Sino pa ba ang p'wedeng maging bisita bukod sa kaniya?
Nang buksan ko ang gate ay laking gulat ko nang may agad na yumakap sa akin. Napatingin ako sa kaniyang kasamahan. Umirap ako. Akala ko kung sino na, e. Itong mga hudas lang naman pala ang bisita namin. Tss.
Agad akong binitawan ni Kate at binati. Bumati ako pabalik at binati rin ang mga kaibigan namin. Nauna na akong maglakad, sumunod naman sila. Bago makarating sa loob ng bahay ay agad ko silang hinarap at tinaasan ng kilay.
"Bakit kayo nandito? Diba dapat kasama niyo ang pamilya ninyo?" Tanong ko.
Primo smiled. "Pamilya naman tayo, a?"
"Hindi iyan ang tinutukoy ko. What I mean is, pamilya sa dugo. How come na napapayag niyo ang parents ninyong dito magpasko? Maliban nalang kung...", Napahinto ako nang lahat sila ay tumango.
Malungkot ko silang nginitian at iginiya na papasok ng bahay. I sigh. Hindi ako makapaniwalang hanggang sa mga panahong ito ay kompanya pa rin ang na sa utak ng mga magulang nila. Ayos lang namang magtrabaho dahil para rin ito sa future nila pero... iyong grabeng pagtatrabahong kinakalimutan na nila ang kanilang mga anak? Iyong hindi nila pagbibigyany makasama ang kanilang anak sa maikling panahon lalo na kapag epesyal ang okasyon? Hindi 'yon okay.
God knows how much my friends want to be with their parents. Kung gaano sila nangungulila sa mga magulang nila even though magkasama naman sila sa iisang bubong. Si Primo? Naging gago lang naman 'yan para mapansin ng mga magulang niya. Mas nakakasama niya pa nang matagal ang mga katulong nila kaysa sa sarili niyang mga magulang. Si Kate? Maliban kay Vianey ay siya lang ata ang close sa magulang niya. Minsan nga ay naiinggit ang iba dahil close sila sa kanilang mga magulang pero sa huli, nagpapasalamat pa rin silang buhay ang mga taong nagbigay ng buhay sa kanila—hindi tulad namin.
Agad naman silang sinalubong nina ate Shan at Toniesse. Unang niyakap ni Toni si Vianey. Napangiti ako nang makitang nagulat siya. Agad naman siyang inasar nina Zeus nang makita nilang nginitian siya ni Toniesse. Pagkatapos no'n ay niyakap niya ang lahat maliban kay Primo. Natawa ako nang sinamaan niya ito nang tingin bago tumakbo rito. Agad naman siyang kinarga ng tukmol.
"Ikaw ha, hindi na ako ang favorite kuya mo?" Malungkot na tanong nito sa aking kapatid. Napairap na lamang ako.
Umiling si Toni, "You're still my number one kuya."
Napangiti ako sa narinig. Talagang malapit na ang aking kapatid kay Primo. Minsan nga ay hinahanap na ni Toniesse sa akin si Primo, nakakaselos. Agad ko naman silang iginiya papuntang kusina at agad na tumambad sa amin sina ate Shan at kuya Trev.
BINABASA MO ANG
Happiness (ON-GOING)
RastgeleTalisea was a cheerful, kind and softhearted person. Iniisip niya ang iba bago ang sarili niya. She is also an achiever. She is good at everything except for cooking. Even though she experienced of being left and forgotten, it wasn't a hindrance for...