KABANATA 3

2 0 0
                                    

Stranger.

This month went smoothly. Wala masyadong pinagawa sa amin dahil isasama kami sa Adamson para magkaroon ng experience at tumulong sa nasalanta ng lindol. Naapektuhan din naman kami ngunit hindi ito kalala tulad sa Adamson. I sigh. Iniisip ko palang na makikita ko siya, talagang kinakabahan na ako. Damn!

"You ready?" Cyfer asked me.

Pinapasok niya na ang mga gamit namin sa kotse. Sasabay sa amin si Dianne. Tinignan ko siya at tinanguan. Sinabi niya ring pumasok kami kaya't sinunod na rin namin ito.

Sa front seat ako umupo habang mag-isa lamang sa likod si Dianne. Kailangan kasing mawili ni Cyfer, mahirap na kapag nakatulog siya. Antukin pa naman 'to.

"Nalagay mo na ba lahat ng gamit?" Tanong ko habang sinusuot ang seatbelt.

Cyfer nodded. "Chill, Tali. Huwag mong ipahalatang kinakabahan ka dahil may posibilidad na magkikita kayo?" Nakangisi niyang tanong.

Humalakhak si Dianne dahilan para irapan ko sila. Mga bwisit. Kapag sila na-inlove talaga tapos nasaktan, tatawanan ko talaga sila ng grabe. Akala nila ha.

"Shut up," I hissed.

Natatawang pinaandar ni Cyfer ang sasakyan. Inutusan naman ako ni Dianne na buksan ang radyo, sinunod ko na agad ito. Wala akong ganang makipagbangayan sa kaniya.

It's been seven years. Pitong taon na ang nakararaan mula nang makita kita. Tumangkad na kaya siya? O mas matangkad pa rin ako sakan'ya? Totoo bang fiancee niya na si Khristelle? Sana all.

Nang tumingin ako sa bintana ay saktong on bended knees ang tumugtog. Wow ha, perfect na perfect sa iniisip ko, dagdag mo pang umuulan.

"Tal."

Kumusta na kaya siya? Ano kaya 'yong rason kung bakit niya ako... iniwan? Mag-explain lang siya sa akin, ayos na ako, e. Tatanggapin ko na siya ulit-ay, kahit naman hindi pa siya mag-explain, talagang tatanggapin ko siya.

Si Khristelle.. mahal niya kaya talaga si Vianey o magpapakasal sila dahil sa business? Napailing na lamang ako sa naisip. Of course, magpapakasal sila dahil mahal nila ang isa't-isa! Isa ang pagpapakasal sa pinakaimportante at banal na bagay para kay Vianey, hindi niya hahayaang masira ito dahil lang sa negosyo.

"Tali!" Tawag sa akin ni Dianne.

Napatingin ako sakan'ya. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay.

"H-ha? Bakit?"

She rolled her eyes. "Kanina pa kita tinatawag."

"S-sorry, bakit ba?"

Umiling siya. "Nothing. By the way, naging kayo ba ni Vanvan?" She suddenly asked.

Hindi ko siya sinagot. Dahil ang totoo, hindi naging kami ni Vanvan. Same feelings pero walang label. Ayaw ko pang makipagrelasyon noong mga panahong iyon.

Lakas kong magdrama at masaktan e hindi naman naging kami. Lol. Nagkibit-balikat lamang ako bilang sagot kay Dianne.

Hindi na siya sumagot pa. Ibinalik ko ang tingin ko sa bintana at hinayaang bumalik sa akin ang mga alaala kung paano kami nagsimula.

***

"Tali!" Tawag sa akin ni Zeus at niyakap ako. I hugged him back.

Niyakap ko rin sina Kate, Primo, Dianne at Leah. Napatingin ako sa lalakeng kasama nila. Nginitian niya ako pero hindi ako ngumiti pabalik.

"Who's he?" I asked them.

Tinignan ko muli ang lalake. Maputi, maraming nunal sa katawan, halata ring athletic siya. May katangkaran ngunit kapag pinagtabi kami ay mas matangkad ako. Maamo ang kaniyang mukha, saan kaya 'to nakilala nina Primo?

Happiness (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon