KABANATA 8

0 0 0
                                    

Past.

"Ate, kain na raw." Tawag sa akin ni Toniesse.

Tahimik akong tumango at sinuot ang aking tsinelas. Nang makababa ay nakita ko na silang nakaupo sa kani-kanilang upuan. Kinukusot-kusot ko pa ang aking mata ng makaupo. Damn. Nakakapagod ang nangyari kahapon!

"Kumusta gala?" Tanong sa akin ni Noah.

Masaya na nakakapagod ang nangyari kahapon. Pagkatapos naming masundo si Monica ay agad kaming dumiretso sa restaurant ng hotel, doon namin nadatnan ang fiancee ni Agatha na si Zayn. Noong una ay nahihiya pa akong asar-asarin si Agatha, baka magalit pero nang inasar ni Monica si Agatha, ginatungan pa ni Zayn! Kaya ayon, napikon sa amin. Kaya ang mga natitirang oras na kasama ko sila ay puro paglalambing kay Agatha.

"Masaya. Nakakapagod pero worth it naman," sagot ko sabay tusok ng karne.

Tumango-tango si Noah. Akala ko ay magtatanong pa siya ngunit nagkamali ako. Mukhang gusto niya lang malaman kung naging masaya ba ako kahapon.

Napaisip ako, siguro sobrang protective sa akin ni Noah kasi nakikita niya ako bilang si Nicole? Sa lahat ng De Guzman, ako lang ang may pinakamalapit na edad sa kaniyang kapatid. Mukhang... sa akin niya ibinubuhos ang pagmamahal at pag-aalagang hindi niya maparamdam kay Nicole dahil wala ito sa aming tabi.

Nang matapos sa pagkain ay agad na tumayo si Noah. Mukhang may pupuntahan. Agad ko naman siyang sinundan at nang makita ko siyang papalabas na ng gate ay tinawag ko siya.

"Bakit?" Tanong niya nang lingunin niya ako.

Patakbo akong lumapit sa kaniya at agad siyang niyakap. He stiffened. Maya-maya ay niyakap niya rin ako.

"I love you, Nuwang. Always." I whispered.

"You are always loved by your Nuwang. Remember that," he whispered while caressing my hair.

Bumitaw na ako sa pagkakayakap. Nginitian niya ako at tinalikuran. I sigh. Nang makapasok siya sa kaniyang kotse ay iwinagayway niya ang kaniyang kamay, nagpapaalam. I waved back at bumalik na sa loob ng bahay.

Nang makapasok sa kwarto ay agad bumungad sa akin ang telepono kong tunog nang tunog. Kinuha ko ito at tinignan. Mukhang kanina pa ako tinatawagan ng tukmol. Sinagot ko ito, magsasalita na sana ako nang maunahan niya ako.

"Kanina pa ako tawag nang tawag. Saan ka galing?" Masungit niyang tanong. Mukhang nainis dahil matagal kong nasagot ang kaniyang tawag.

Napag-usapan kasi namin na every alas-nuebe ng umaga ay tatawag siya sa akin. Hindi ko napansin ang oras kaya't napatagal ako sa baba.

"Hindi ko napansin ang oras, sorry. Hinatid ko si Noah sa gate, hindi ko na dinala ang phone ko since hindi naman ako lumabas." Sagot ko sa kaniya, nakakaramdam ng guiltiness dahil sa hindi ko kaagad pagsagot ng tawag.

I heard him sigh. I pursed my lips.

"Kumain ka na, huwag kang magpapagutom. Alagaan mo sarili mo r'yan."

"Tapos na po, ikaw ba? Kumain ka na rin. Huwag kang magpapagutom, payat-payat mo na magd-diet ka pa." Asar ko sa kaniya.

Kahit nililigawan na ako nitong ni Vanvan. Talagang hindi mawawala ang pang-aasar namin sa isa't-isa. Ayon kasi talaga ang dahilan kung bakit komportable kami sa isa't-isa. Rinig ko ang kaniyang singhal para mapahalakhak ako.

"Hiyang-hiya ako sa pagiging buto-buto mo, Talisea." Balik niyang pang-aasar sa akin.

Asaran lang ang ginawa namin buong magdamag. Natigil lang ang tawag nang ma-lowbatt na ang kaniyang telepono.

Happiness (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon