Past.
Tatlong taon nalang ang natitira bago ako makapagtapos ng pag-aaral ng medisina. Sa loob ng pitong taon ay maraming nagbago sa'kin. Pananamit, pananalita at iba pa. Sinadya ko talaga ito dahil mas gusto kong kalimutan kung sino ako noon, kung gaano ako kahina noon.
Sa pitong taon na iyon ay nasira ang aming pagkakaibigan dahil sa hindi malamang dahilan. Basta isang araw, hindi na nila ako kilala pa. Maliban nalang kay Dianne, si Vianey? Hindi ko alam kung saan sa impyerno siya nagtungo. Nakakatawa lang dahil sa mahigit na sampung tao na kaibigan ko, dalawa na lamang ang natira ngayon. Talagang totoo nga ang sinasabi nilang malalaman mo kung sino ang totoo sa mga panahong bagsak at walang-wala ka.
"Napanaginipan ko ulit 'yong nangyari noon." Bulong ko habang kumakain ng spaghetti.
Nag-aalalang napatingin sa akin si Cyfer. Cyfer Syriel Buenavista, kilalang estudyante rito sa unibersidad ng Mantapoli dahil sa angking galing sa basketball. Matalino rin at gwapo. Maraming nagkakagusto rito, kung hindi ko lang 'to kilaka ay talagang iisipin kong bakla siya dahil wala siyang kaibigang lalake. Ako lang.
"Iyon ulit?" Tanong niya. Tumango ako.
Inilipat niya ang plato ng fries sa tabi ko at tumabi sa'kin. Isinandal niya ang kaniyang ulo sa'king balikat. Hindi naman ako nagreklamo.
"Kapag may problema ka, sabihin mo sa'kin. Ayokong makita kang umiyak ulit." He told me.
I nodded. "Hindi na ako iiyak."
Pagak siyang natawa at umiling. Tinignan niya ako.
"That's impossible, Talisea." He whispered.
"Then, I'll make it possible." I whispered back at tumayo na. Kinuha niya ang plato ng fries at tumayo na rin.
"Saan tayo pupunta?" Tanong niya at isinubo ang fries.
I rolled my eyes. "Seriously, Cyfer? Sasamahan mo pa rin ako?"
He nodded.
"Ayan ang ginagawa ng best friend." Aniya at shinoot ang kaniyang basura sa trash bin.
"As far as I remember, wala akong best friend. Huwag kang feeling." Pairap kong sabi.
"Believe me, Talisea Roxanne. I am your bestie best friend."
"I'm sorry but due to my personal reasons, I don't believe anybody."
Hindi na siya nagsalita pang muli. I felt bad for him. Gustong-gusto kong bawiin ang sinabi kong hindi ako naniniwala sakaniya pero magsisinungaling ako kapag tinuloy ko 'yon. I sigh. Si Cyfer ang nags-suffer sa resulta ng sakit na nagawa sa'kin ng nakaraan ko, at wala akong magawa dahil kahit sarili ko ay hindi ko mapangiti o mapasaya man lang. Paano pa kaya ang ibang tao?
Kahit na ganoon ay sinamahan niya pa rin akong mag-review. Wala naman kaming gagawin mamayang hapon kundi mag-lesson pero ewan ko ba, siguro ay nasanay na ako. Advantage of being pressured before.
"Hay nako, Tali. Hindi mo na kailangang mag-aral pa. For someone's sake! Sobrang talino mo!" Bulalas niya habang padabog na kinukuha ang mga reviewers na ginawa ko kagabi.
Matalim ko siyang tinignan. Lagot 'to sa akin kapag nasira niya 'yang mga reviewers ko, mukha niya sisirain ko.
"Shut up. Gusto kong magbasa, okay? Kung ayaw mo then puwede ka nang umalis. Hindi naman kita pinipilit na sumama rito."
Tumahimik na siya. Akala ko ay makakapag-aral na ako nang matiwasay ngunit nagkamali ako.
"Tali..." pagtawag niya sa'kin. Tinaasan ko lamang siya ng kilay. "No offense ha. But... why are you so mean?"
BINABASA MO ANG
Happiness (ON-GOING)
RandomTalisea was a cheerful, kind and softhearted person. Iniisip niya ang iba bago ang sarili niya. She is also an achiever. She is good at everything except for cooking. Even though she experienced of being left and forgotten, it wasn't a hindrance for...