Issue.
Pasado alas diez na ako nakauwi dahil nagkatuwaan kami kina Primo, bukod doon ay ayoko pa talagang umuwi dahil may kaunting tampo pa rin ako sa kanila. Hindi naman talaga ako naiinis, e. Gusto ko lang ng lambing. Aba, kapag may kasalanan sila dapat matuto silang humingi ng tawad, 'no!
Nasa likuran ako ngayon ng bahay. Nagbabasa ng libro. Project Loki. Trip ko kasi talaga mysteries, e. Kapag tumanda na rin ako, magpapaka-misteryoso ako! Siguro sa college ako magsisimula? Ang cool kaya kapag ganoon!
Nang mapagod sa kababasa ay pumasok na rin ako ng bahay. Ang init kaya dumiretso ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Nang buksan ko ang refrigerator ay may nakita akong lalagyan ng ice cream kaya't kinuha ko ito at tinignan ang papel na nakadikit dito.
Sorry na, Talisea : (
-Toni, Trev, Tati
Napangiti ako at kinuha ito. Hmm.. cookies and cream. Kumuha ako ng kutsara at dumiretso na lamang sa sala.
Kita ko ang pagtitig sa akin ng tatlo. Naglalaway ba sila o ano? Umupo ako sa tabi ni kuya, hindi nagsasalita. Ang buong sala ay natahimik. Habang kumakain ay nakatitig lamang ako sa television kahit hindi ko naman gets kung anong pinanonood namin.
"Sorry na, Talisea", mahinang sabi ni kuya.
Hindi ko siya pinansin. Magpapabebe muna ako.
"Atee, sorry na po."
"Hoy, sorry na. Hindi na mauulit. Promise!" Itinaas pa ni ate Tatiana ang kanang kamay niya.
Natawa ako. Hindi ko talaga sila kayang tiisin. Kahit noong nasa rest house kami nina Primo, sila iniisip ko, e. Napabusangot sina ate Tatiana at Toniesse habang si kuya Trev ay natawa nalang din.
"Hindi ka pala nagtatampo, nag-effort pa kaming bumili ng ice cream," nakabusangot na sabi ni Toniesse at umirap.
"Tanga, nagtatampo talaga ako sa inyo. Hindi ko lang kayo matiis." Tumayo na ako at dumiretso sa kwarto upang doon kainin ang ice cream. Mas safe. Baka manghingi pa sila, e.
Kinuwento ko naman sa mga kaibigan ko ang nangyari. Tinawanan pa ako ni Primo dahil napakamarupok ko raw. Wow, hiyang-hiya ako.
"At least sa pamilya lang. E, ikaw?" Pang-aasar ko sa kaniya.
Pinagtanggol naman ako ni Zeus. Ang sabi niya ay talagang mahal na mahal ko lang ang pamilya ko kaya't napatawad ko na agad sila. Sinang-ayunan ko naman siya.
"Iniisip ko kung magiging marupok ba si Tali kay Vanvan?" natatawang bulong ni Kate ngunit dinig naman naming lahat.
Agad ko siyang minura dahilan para mapahagalpak siya ng tawa. Demonyo.
Napaisip naman ako sa kaniyang sinabi. Oo nga, 'no? Magiging marupok kaya ako kay Vanvan o mataas ang pride ko sa kaniya? Lagi kaya kaming mag-aaway? Ano naman ang pag-aawayan namin?
Natigil ang pag-iisip ko nang marinig ko ang tawa ng isa pang demonyo.
"Hala, o? Iniisip ni Tali, yieee! May pag-asa ka pala talaga, pre!" Itinaas pa ni Dianne ang kamay niya at inilapit sa screen na para bang nakikipag-high five.
"Ulol, manahimik ka. Hindi 'yan totoo." Pagpapalusot ko.
Pinaningkitan naman nila ako ng mata. Sabay-sabay pa!
"Ano namang iniisip mo, ha?"
"Kung mahirap ba ang grade 12. Kung mas marami ba tayong gagawin o ano. Dapat maging ready na tayo sa mga ganoon."
BINABASA MO ANG
Happiness (ON-GOING)
De TodoTalisea was a cheerful, kind and softhearted person. Iniisip niya ang iba bago ang sarili niya. She is also an achiever. She is good at everything except for cooking. Even though she experienced of being left and forgotten, it wasn't a hindrance for...