KABANATA 6

1 0 0
                                        

Love.

Enero na at kababalik lang namin sa eskuwelahan. Talagang hindi kami pinagbigyan ng mga professors na magpahinga kahit isang araw dahil pagbalik na pagbalik namin ay tambak na projects at iba pang gawain ang kailangan naming gawin bago matapos ang school year.

Napasapo ako sa aking noo dahil sa pagod. Ilang oras ko nang nililibot ang University ngunit ni isang guro ay wala akong makita. Ngayon na rin ang simula ng laro naming mga guro at estudyante. Hide and seek. Kailangan naming mahanap ang mga guro upang pirmahan nila ang lecheng clearance na ito.

Napatingin ako sa lalaking nagbigay ng tubig sa akin. Nginitian naman niya ako at inilapit ang tubig. Hindi na ako nagdalawang isip pang kunin at inumin ito. Napangiwi ako nang mapagtantong naubos ko ito. Hinarap ko ang lalaki at humingi ng paumanhin.

"Ayos lang, marami pa naman akong tubig dito. Sa susunod, magdala ka rin ng tubig para hindi ka ma-dehydrate, okay? Ingat ka." Aniya at umalis na.

Tinignan ko ang bote ng mineral water at sinundan ng tingin ang lalaking nagbigay nito. Natampal ko ang aking noo dahil hindi ko naman siya napasalamatan! How rude of you, Talisea Roxanne?!

Naiiling akong pumunta sa cafeteria upang bumili ng pagkain. Wala namang sinabing bawal kumain habang naghahanap sa mga teachers, diba? Kumakalam na ang sikmura ko. Babayaran ko na sana ang binili ko ngunit may nakaunang magbigay ng pera sa tindera. Kumunot ang aking noo at tinignan kung sino ang nagbayad nito. He smiled at me, aangal na sana ako ngunit hinila niya ako papunta sa isa sa mga table rito.

"Bakit ikaw ang nagbayad ng binili ko?" Marahan kong tanong sakaniya.

Umiling-iling lamang siya at kumuha ng fries sa plato. Hinayaan ko na lamang siya tutal siya naman ang nagbayad. Tch.

"Ilan na lang ang kulang mo?" Tanong niya sa akin habang sinusubo ang fries na hawak niya.

Kinuha ko ang clearance at ibinigay sa kaniya. Tinanggap niya naman ito at sinimulang bilangin ang mga pangalang walang pirma. Tinitignan ko lamang siyang nagbibilang. Talagang pogi 'tong lalakeng nasa harapan ko. Ideal man ko talaga ang dating niya, kaya siguro nagustuhan ko siya.

"Dalawa na lang naman pala, nakita ko si Ms. Atanoso ro'n sa library. Samahan na kita tutal tapos ko naman lahat sa 'kin." Nakangiting aniya.

Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. Mas maayos na rin kung may kasama ako sa paglilibot, hindi agad ako mabuburyo. Tsaka, mas madali na rin ang paghahanap dahil sigurado akong may alam siya kung saan tumatambay ang mga teachers.

"I really wonder kung anong magiging mukha mo pagtanda natin." He whispered ngunit dinig ko naman.

Napaisip naman ako. Hmm.. ano nga kaya ang mukha ko kapag eighteen na 'ko? Gaganda kaya ako? Honor pa kaya ako sa mga panahong iyan? Sila pa rin ba ang magiging kaibigan ko pagtungtong namin ng kolehiyo? O pagkatapos ng highschool life namin ay ayon na rin ang katapusan ng aming pagkakaibigan?

"Asahan mo nalang na asul na ang buhok ko." Sagot ko naman.

Noon pa man ay gustong-gusto ko na ang asul na kulay. Kapag nakakakita ako ng mga asul na bagay ay kumakalma ako. Sinisigurado ko na kapag naka-graduate na ako ng highschool ay magpapakulay ako ng buhok! At asul ito!

Blue represents meanings of depth, trust, loyalty, sincerity, wisdom, confidence, stability, faith, heaven, and intelligence.

"Halata naman sa iyong gustong-gusto mo ang asul na kulay." Natatawang aniya sabay tingin sa aking phone.

Napangiti ako. Asul din ang kulay ng case ng telepono ko, maging ang lock screen at home wallpaper ay asul din. Ang kwarto ko rin ay puno ng iba't-ibang shade ng color blue. Habang naglalakad at hinahanap ang mga gurong magpipirma sa aking clearance ay puro asaran ang kwentuhan lamang kami. Talagang masarap siya kausap. Hindi nakakasawa dahil palabiro siya at masayahing tao—malayo sa asul na ugali ko.

Happiness (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon