KABANATA 10

0 0 0
                                    

Friends.

"Kuya!" Sigaw ko nang bigla niya akong binuhat at dinala sa likod ng bahay.

Agad akong nagpumiglas at sinapak-sapak siya ngunit walang nangyari. Damn it! Alam ko na kung ano ang mangyayari! Yawa! Putangina!

Napatili ako nang bigla niya akong tinapon at naramdaman ko nalang ang aking sarili na lumulubog sa malamig na tubig. Nang umahon ako ay agad kong narinig ang hagalpakan ng mga diablo. Putragis may dala pang camera si Toniesse!

Sa sobrang inis ay sinabuyan ko sila ng tubig dahilan para mabasa silang tatlo. Basang-basa ang shorts ni kuya Trev, mukhang nakaihi siya. Nabasa ang kaka-blower na buhok ni ate Tatiana dahilan para mapasigaw siya sa inis. Habang si Toniesse? Bukod sa basang-basa ang kaniyang katawan, nabasa rin ang camerang hawak-hawak niya. Sayang nga dahil mukhang hindi nasira. Waterproof hayop.

Ako naman ngayon ang napahalakhak. Akala nila hindi ako gaganti, ha. Akala lang nila 'yon. Hayop silang tatlo, mga kampon ni Satanas

Pagkatapos ng ilang minutong pagbabasaan ay umahon na ako at dumiretso sa kwarto upang maligo. Nakakainis 'tong si kuya, kailangan niya ba talaga akong itapon sa pool kung ayaw kong magising at bumangon? Kaloka ha.

I decided to wear a oversized shirt tsaka shorts. Tutal andito lang naman kami, kung aalis kami, edi magbibigis ako. Duh. Bumaba na ako upang kumain. Andoon na ang tatlo, ang bunso naman ay sobrang sama ng tingin sa akin. Aba, siya pa ang may ganang maasar, ha? Sino ba sa aming dalawa 'yong tinapon sa pool at kinuhanan ng video? Siya ba, siya? Tch.

Tahimik akong umupo. Nagdasal naman agad si kuya. Nang matapos ay tahimik kaming kumuha ng makakain. Bahala sila r'yan, hindi ako magsasalita. Hindi ko sila kakausapin. Bwisit sila. Binagalan ko ang pagkain, tutal ako rin naman ang maghuhugas ng plato. Naunang tumayo si Toniesse at umalis nang hindi nagpapaalam. Bastos na bata, sungalngalin ko 'to, e. Chos.

Sumunod naman si Ate Shan. Nagpaalam siyang aalis na ngunit wala sa amin ni kuya ang sumagot. Asa naman siyang kakausapin ko siya. Tangina nila. Kagigol. Ramdam ko ang tingin sa akin ni kuya. Hindi ko siya pinansin at tumayo na lamang. Niligpit ko ang pinagkainan. Kukunin ko na sana ang huling plato nang maunahan niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Akin na 'yan, maghuhugas na ako. Wala ako sa mood makipaggaguhan, kuya. Tigil-tigilan mo ako," banta ko sa kaniya.

Umiling siya dahilan para kumunot ang aking noo. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ako na maghuhugas."

Tumango na ako at ibinigay sa kaniya ang hugasin. Akala niya naman tatanggi ako. Walang sabi-sabi akong umalis at umakyat papuntang kwarto. Nang makahiga na ay hinawakan ko ang aking kaliwang mata.

Ang hapdi. Paano ba naman kasi, may sabon yung pool, mukhang planadong gawin sa akin. Tapos pumasok sa akin 'yong tubig na may sabon. Ayon, sobrang hapdi. Namumula pa. Tinignan ko rin ang braso ko, pulang-pula. Nanakit din ang binti at braso ko. Ikaw ba naman bigla-biglang buhatin tapos itapon nang malakas sa pool.

Kaya siguro guilty si kuya. Madali lang magkasugat at mamula ang katawan ko, e. Napaka-sensitive.

"Oh? Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Dianne nang mag-video call kami.

"Ayos pa ba ako sa mukhang 'to?" Masungit kong tanong sa kaniya habang kinukusot ang aking mata.

Ang gulo ng buhok ko. Hindi ko na sinuklay, magugulo rin naman. Tsaka, nakakatamad.

Buong oras lang akong tumambay sa kwarto. Ayokong lumabas. Naiinis ako. Nagtatampo ako sa kanila.

"Never namang naging maayos ang mukha mo," bara niya sa 'kin at bumelat pa ang gaga.

Happiness (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon