Tired.
"Sana all matapang!" Kantyaw ni Primo kay Vanvan. Pinakyuhan lamang siya ng buang.
Andito kami ngayon sa cafeteria, kumakain. Hindi ako makatingin nang diretso sa kaniya, tuwing tinitignan ko siya, naalala ko ang ginawa niya kanina! Nakakahiya kaya iyon! Damn.
Kung noon ay pinagtitinginan kami dahil sa ingay at kung sino kami, ngayon ay mas lalo kaming tinitignan dahil kay Vanvan. Kung anu-ano naman kasi ang pinaggagagawa, e. Nakatutok lamang ako sa pagkain habang pinapakinggan silang lahat na magchikahan.
Kukunin ko na sana ang huling parte ng cake ngunit inagaw ni Primo ang platong pinaglalagyan nito at isinubo sa kaniyang bunganga ang pagkain. Sinamaan ko naman siya ng tingin at nginisihan niya lamang ako.
"Problema mo, Nathaniel?" inis kong tanong sa kaniya at ininom na lamang ang pineapple juice ko.
"Baka ikaw may problema, Roxanne. Kanina ka pa tahimik, kinikilig ka ba sa ginawa ni Vanvan kanina?" Pang-aasar pa niya sa akin.
Muntik ko nang maibuga ang iniinom sa narinig. Tae ang pangit talaga ng timing nito, e. Hindi ba p'wedeng mang-asar siya kapag wala na akong iniinom o kinakain? Nakakainis din 'to, e. Pasapak ko siya kay Aiko.
"Hindi, gago. May iniisip lang ako." Pinunasan ko ang bunganga ko at tinignan ang text ni kuya Trevor.
Kuya:
Dumiretso ka sa hospital na malapit sa subdivision, sinugod si Toni.Nanatili ang aking tingin sa telepono. Hindi ko napansin na sinilip na pala ito ni Dianne pero bago niya mabasa ang text, tinulak ko na ang mukha niya. Sinimangutan niya naman ako at humarap kay Vanvan.
"May ibang ka-text, p're. Payag ka non?" Dinuro niya pa ako.
Nagkibit-balikat lamang si Vanvan at tinignan ako. Umiling ako, sinasabing hindi totoo ang sinabi ng bruhang Dianne. Tumango lamang siya.
"Half day muna ako ngayon." Tumayo na ako at hindi sila nilingon kahit ilang beses na nila akong tinawag.
Mas importante si Toniesse.
Agad akong pumara ng taxi at sinabing ihatid ako sa hospital.
Sakitin si Toni, madaling ubuhin at sipunin pero minsan lang siya nao-ospital. Pangalawang beses niya palang ito at natatakot akong baka may kasunod pa.
Habang hinihintay na makarating sa paroroonan ko, biglang tumunog ang aking telepono. Hindi ko sana ito papansinin ngunit ilang beses itong tumunog. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Vanvan.
"Oh?"
"Saan ka pupunta? Bakit ka nagmamadali?" I can feel his curiosity. Hindi ako sumagot sa halip ay napabuntong-hininga na lamang at minasahe ang noo ko.
"Somewhere. Tell our professors na may gagawin akong importante, if they want to give me punishment for not having an excuse letter, ibigay nalang kamo nila sa iyo." Binaba ko na ang tawag pagkatapos noon.
Nang makarating na sa ospital ay dali-dali akong bumaba. Muntik ko nang makalimutang magbayad! Buti nga at naalala ko. Ilang beses akong humingi ng tawad sa driver, ayos lang naman daw.
Patakbo akong pumasok sa loob. May nababangga pa ako, kailangan kong puntahan sina Toni.
"Anong room ni De Guzman? Toniesse Rhianne De Guzman,"
Matapos ang ilang segundo ay nasabi niya na ang room number ng kapatid ko kaya't dali-dali akong pumunta ng third floor. Sasara na sana ang pinto ng elevator ngunit bigla akong sumigaw dahilan para buksan ulit ito ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Happiness (ON-GOING)
De TodoTalisea was a cheerful, kind and softhearted person. Iniisip niya ang iba bago ang sarili niya. She is also an achiever. She is good at everything except for cooking. Even though she experienced of being left and forgotten, it wasn't a hindrance for...