The Encounter
"Easy, Blaze. Easy," mahinahong sabi niya habang hinihimas ang ulo ng Thoroughbred na kabayo.
Si Blaze ang pinakahuli niyang kukunan ng dugo para sa laboratory testing. Kailangan niyang makita base sa lab test kung bumubuti ba ang lagay nito at tumatalab ang gamot na binigay niya.
She is suspecting a bacterial infection secondary to a viral infection. Kumalma na ang kabayo. Huminahon na ito kaya dahan dahan niyang tinanggal ang takip ng heringilya at in-occlude ang jugular vein nito.She is well trained to do this. Dalawang buwan niyang iginugol ang kanyang internship sa equine practice kaya alam niya ang galawang cowboy.
Kinausap niya ng marahan ang kabayo.
"Hindi ito masakit. Parang kagat lang ito ng langgam" Sabi pa niya bago niya ito kinurot ng kaunti sa bandang tutusukin niya para makakuha ng dugo.
Still lang si Blaze. Hindi ito nagreklamo kaya sinamantala na niya ang pagkakataon na ito ay kuhanan ng dugo. She aimed the needle. Well occluded na ang vein. Bevel up. Itinusok na niya ang needle.
Nagbackflow agad ang dugo ng ma-hit niya ang vein. Hinayaan niyang magbackflow ang dugo sa syringe at tsaka marahang pinupull ang plunger. One ml, 3 ml hanggang maging 5 ml ang laman ng syringe tsaka niya tinanggal ang heringgilya at nilapatan ng bulak na may alcohol ang bahaging dumugo.
She applied pressure to it to stop the bleeding.
She transferred the blood to the heparinized tube. Ingat na ingat siya para hindi iyon matapon. Nang masalin ang dugo ay hinalo niya para mamix ng maayos ang dugo at anti-coagulant. Figure of eight.
Inabot niya ang styrofoam na kinalalagyan ng mga blood samples ng ibang kabayo. Tiningnan niya ang lahat kung may labels na ba. Kinuha niya ang permanent marker at sinulatan ang test tube na kinalalagyan ng dugo ni Blaze.
Patient name: Blaze
Species: Equine
Lab test: CBC and Blood Chemical AnalysisIlalagay na sana niya sa styrofoam ang test tube nang walang anu-ano'y isang baritonong boses ang nagpagulantang sa kanya.
"Sillyehabnida? What are you doing here this late?"
Napapitlag siya. Nabitawan niya ang marker pati ang test tube na hawak. She tried to catch the test tube. Ayaw niyang mabasag ito dahil sayang naman ang effort niya. She spent more than an hour to stabilize Blaze.
Alam niyang mahihirapan na naman siyang kuhanan ito ng dugo kapag nagkataon. Baka hindi nga ito magpakuha ulit ng dugo sa loob ng ilang araw. Sino ba kasi itong lalaking bigla na lamang nanggugulantang? Hindi ba ito nasabihan na bawal siyang istorbohin?
Ilang beses na nagpalipat-lipat sa mga kamay niya ang test tube pero di niya mahawakan ng maayos. Nang maabot niya at ma-grip ito ng maayos ay tsaka naman siya na-out of balance dahil may natapakan siyang nakausling bagay sa sahig.
"Help!" Nausal niya sa desperasyon dahil alam niyang sa sahig ang bagsak niya. Worst comes worst, malalaglag ang kanyang nakolektang dugo. At mababasag!
Napapikit siya. Inihanda niya ang sarili na matumba at masaktan. The area is full of uneaten hay so hindi naman ganoon kasakit ang bagsak niya. Ang kinakatakot niya ay baka magulat ang mga kabayo at magwala.Kapag nagkataon ay magkakastampede at baka ma-injury pa siya.
Napapikit siya sabay usal ng dasal. "Lord, tulong!"
But the fall did not happen. Parang dininig ng Panginoon ang kanyang panalangin. May nakarescue sa kanya. Someone supported her back and managed to stabilize her stance. She can smell the man and his smell made her weak.
BINABASA MO ANG
Oppa and Me
RomanceMonica, still traumatized from a previous break up, grabbed her chance of becoming a farm veterinarian for a six month contract. Her intention of going to the beautiful country of South Korea is purely business.Yet, when she met her boss, her life t...