I Love You, Goodbye
Hindi kagaya ng mga naunang buwan ng kanilang pagiging magkasintahan ay natupad ang constant communication na hinihingi niya sa binata.
Tumatawag ito sa kanya sa umaga at sa gabi bago sila matulog. Kung hindi naman siya nito natatawagan ay nagtetext ito sa kanya para sabihin kung anong nangyayari rito.
Sa pamamagitan naman ng facebook at ilan pang social media platform ay nakikita niya ito lagi. Minsan ay napapanood pa niya ito sa mga live streaming videos.
Nakukontento na rin lang naman siya sa ganoon. Busy rin naman siya sa kanyang pagiging vet sa mga animals sa farm.
Masaya siya sa lahat ng ginagawa niya. Halos ayaw na nga sana niyang umalis doon kung hindi lang dahil sa kontrata niya. Kailangan niyang sumunod sa 6 month working contract na ibinigay sa kanya.
After nito ay uuwi na siya sa Pilipinas para magpahinga ng dalawang linggo. Igugol niya ang oras na kasama ang kanyang mga magulang, si Tae-Min at ang mga magulang nito.
She smiled at the thought. His presence in their house would mean a lot to her. It would be a mind changer for her.
Umaga.
Limang araw pa bago matapos ang kontrata niya sa farm.
Kasalukuyang nagcacastrate siya ng mga lalaking kambing. Nasa pangalawa na siya sa apat na ikakapon ng biglang may tumawag sa kanya.
Kinabahan na naman siya. Sino na naman itong nang-iistorbo sa kanya sa oras ng trabaho?
Lihim siyang napadasal na sana ay hindi ito si Vida. Puro kasi bad news ang mga dala nito sa kanya.
Kinabahan siya ng husto ng makita ang pangalan na nakaflash sa screen. Si Vida nga ang tumatawag!
Puno ng kaba na sinagot niya ang vc.
"Hello Vids!" Kinakabahang sabi niya.
"Hi friend!" Sabi nito na tila kinikilig.
"Bakit ka napatawag?" Mukha namang hindi bad news ang dala nito kaya nakahinga siya ng kaunti.
"Ang saya namin sobra! Please pakisabi kay Hyun Sok na salamat!" Mahiwagang sabi nito.
Naguluhan siya. Napakunot ang kanyang noo.
"Anong ibig mong sabihin?" She hates guessing game.
"Hindi mo pa ba alam?" Naguguluhang sabi nito sa kabilang linya.
"Ang alin?" Maang na tanong niya.
She sighed. "May season 2 na ang Love Across Borders. Nag-contract signing na ang mga cast kahapon." May himig kilig pa rin na sabi nito.
"Talaga?" Natuwa naman ang puso niya.
It is a major achievement for Tae-Min. Ibig sabihin ay napakataas talaga ng people's demand para sa season 2 ng series nito na Love Across Borders.
Naalala niyang sinabi ng binata sa kanya na bihira lamang magka-season 2 ang isang series. Liban na lamang kung sobrang taas ng ratings nito at highly requested ng mga tao.
"Oo! Hay, makikita na naman namin ang love story ni Captain Han at Yoon Se-Ji!" Parang nagday-dreaming na sabi nito.
Medyo napakirot naman ang puso niya ng marinig ang sinabi nito. Sa lahat ng naging leading lady ni Tae-Min ay ito ang pinakamalakas ang chemistry sa binata.
Masasabi nga niyang mukhang may atraksyon na sa pagitan ng dalawa. Base sa napanood niya sa LAB ay talagang pati ang mga halikan ng mga ito ay iba. Tsaka they also co-starred in a movie way back 2018. So sa lahat ng mga rumored gf nito, rito siya mas naiilang at nagseselos.
BINABASA MO ANG
Oppa and Me
RomanceMonica, still traumatized from a previous break up, grabbed her chance of becoming a farm veterinarian for a six month contract. Her intention of going to the beautiful country of South Korea is purely business.Yet, when she met her boss, her life t...