Chapter Fifteen

7 1 0
                                    

Don't Give Up On Us

Nagulat siya ng sa pag-upo niya sa kanyang assigned seat sa eroplano ay maya-maya pa ay sumulpot si Adam sa kinaroroonan niya.

Pinakiusapan nito ang lalaking katabi niya na kung pwede ba itong makipagpalit ng upuan rito total ay nasa business class ito samantalang sila ay sa economy.

Agad namang tumalima ang katabi niya dahil namukhaan yata nito ang batang politico o dahil gusto lang nitong makatikim ng business class.

Tumabi ito sa kanya. Nakangiti ito. Pinakalma niya ang nagpupuyos na damdamin.

Bakit ba nandito pa sa flight na ito ang binata? Hindi ba pwedeng mabigyan naman siya kahit ng ilang oras lamang ng katahimikan?

Masakit pa ang dibdib niya sa naganap na komprontasyon sa pagitan nila ni Tae-Min kanina. Ayaw niya munang may sinuman na gambalain siya dahil mainit ang ulo niya. Gulong-gulo ang isip at damdamin niya sa ngayon.

"So, you are lying all along." Bungad nito sa kanya.

"Pauwi ka rin ng Cebu." Konklusyon nito.

Out of respect ay hinarap pa rin niya ito at maayos na pinakiusapan.

"Please Adam, I am not in the mood to chat. Bumalik ka nalang sa original na upuan mo at huwag mo na akong guguluhin." Pilit na nagpapakahinahon na sabi niya rito.

"This is my seat now. The man agreed for the swap." Matigas ang ulong sabi nito.

Hindi pa rin nito alam ang salitang common sense hanggang ngayon.Hindi pa rin ito marunong gumalang sa privacy ng iba.

The man never grow up. Ganito pa rin ito. Walang nabago rito. It is a good thing na hindi ito ang nakatuluyan niya.

Hindi na siya kumibo. Kumuha siya ng magazine at nagbasa.

Binalewala niya ito. Ayaw niya itong maka-usap at wala siyang planong pansinin pa ulit ito.

Maninigas ito sa loob ng ilang oras nilang flight dahil hindi niya ito kakausapin

Maya maya ay nagsalita ito ulit.

"You never change a bit. You are still the stubborn Monica that I know. The beautiful, stiff and principled Cebuana that I dumped five years ago." May halong pang-iinis na sinabi nito.

Nakangisi pa ito sa kanya na talagang sinusukat ang magiging reaksyon niya.

Demonyo na ang naging tingin niya rito ngayon. Kung dati galit lang siya rito, ngayon ay naririmarim sa siya sa pagmumukha nito.

Nagpanting ang taenga niya sa sinabi nito.

The Nerve! Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Ayaw niya itong patulan dahil gusto niya ng katahimikan ngayon.

Nakita niyang lumabas na ang taong gumamit ng comfort room kaya tinanggal niya ang seatbelt niya para siya naman ang makagamit ng comfort room.

Nang makapasok sa comfort room ay napahawak lamang siya sa sink bago pinakawalan ang luha sa kanyang mga mata.

Tahimik siyang umiyak. Naroon ang katawan niya sa eroplano pero ang puso niya ay naiwanan niya yata sa Korea.

Matagal siyang nagkulong sa comfort room.

Nagrewind sa kanya ang mga sinabi ni Tae-Min sa airport. Malapit na siyang maniwala rito.

Baka nga at kinancel na niya ang flight kung hindi lang niya narealize na kahit anong gawin niya ay laging siya ang kawawa at mag-aadjust rito.

Oppa and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon