Secret Garden
Umandar na ulit ang sasakyan. Ginawa niyang busy ang sarili niya sa kakatingin sa paligid. Honestly, his latest confession is still on her mind. Kung gayon ay 5 years na silang engage ng binata na ito lang ang nakakaalam until now.
Ibinaling niya ang atensiyon sa paligid. The place is so beautiful. Iba talaga kapag may 4 seasons ang isang lugar. Makikita mo ang transition ng pag-iiba ng bawat season. It is breathtaking.
Mahal niya ang Pilipinas dahil ito ang bayang sinilangan niya. Napakarami nitong yamang kalikasan na nakakapamangha rin sa kanya. Ang problema nga lang ay hindi ito naprepreserve ng mga tao. South Korea is equally beautiful at nalaanan ng tamang budget ang mga yamang kalikasan nito kaya hindi iyon nasira. Napreserve iyon at naging natural tourist attraction.
Naglakbay pa sila ng ilang kilometro bago sila huminto sa harap ng isang matayog na gate na puro bakal. Bumusina ito. May nagsalita mula sa intercom na nasa labas ng gate. Korean ito kaya di niya maintindihan. Binuksan ni Tae-Min ang bintana ng kotse. Nagsalita rin ito ng Korean. Maya maya pa ay bumukas ang gate na bakal at pumasok ang kotse nila sa loob.
Nang maiparada ng maayos ang sasakyan ay binuksan agad ng nag-aabang na katulong ang pintuan ng driver's seat. Yumuko ito sa harap ni Tae-Min at nagtama ang mga mata nila. Napangiti siya rito. Nagbaba ito ng tingin. "We can manage. Please return to your post." Sabi ng binata rito. Tumalima naman kaagad ang babae.
Tinatanggal na niya ang seatbelt para bumaba sa kotse ng hindi na siya nito pinagbubuksan ng pinto pero nakababa na ang binata sa kotse at lumingid sa side niya. Ito na ang nagbukas ng pinto para sa kanya.
"Thank you." Sabi niya rito.
"Where are we?" Inilibot niya sa paligid ang paningin niya. Napapaligiran iyon ng mga orchids, bonsai at ibat-iba pang uri ng halaman. Napakaganda nitong tingnan. It looks like a paradise.
"This is my parents house." Bakas ang pagmamalaking sabi nito. "Unfortunately, they are not around because of a family affair. Here, come with me." Nauna ito sa kanya sa paglalakad. Binaybay nila ang isang pathway na gawa sa mga bricks na kulay lumot. Sa dulo nito ay isang gazebo.
Lalo siyang namangha sa lugar dahil puro mga mamahaling orchids na namumulaklak ang nakasabit sa bawat gilid ng gazebo. Namiss niya tuloy ang garden ng Mama niya sa Cebu.
"This is an amazing place. Your Mother maintain this?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"This is her hobby. She hired a horticulturist to help her for this." Pinaupo siya nito sa bench na naroon. "Do you like it?" tanong nito habang inililibot rin ang paningin.
"Are you kidding me? I love it!" Tuwang tuwa na sabi niya habang inililibot ulit ang mga mata.
"I'm glad you are. Mama will be happy to hear that." Bakas sa mukha nito ang katuwaan.
"Can I take a picture of the plants? My mom would love this!" Excited na sabi niya.
"Sure. Go on." Encourage nito sa kanya. "Please take a look and feel free to take pictures. I will just be going inside to talk to the one in-charge here now."
Tumango siya. "Thank you." Pinagmasdan niya ito habang papalayo sa kanya. His mom has good taste when it comes to plants. At well maintained talaga ang mga ito. She wondered how much she spend for the maintenance of the place. Dati kasi ay naririnig niya ang usapan ng mga magulang nila on how expensive it is to maintain a garden.
Lumabas siya sa gazebo matapos makakuha ng pictures sa mga orchids na nakasabit doon. Tiyak siyang matutuwa ang Mama niya pagnakita nito ang mga pictures niya. Binaybay niya ang isang linya ng mga naggagandahang bonsai na maayos na naka-arrange from the smallest to the largest. Kumuha siya uli ng picture. Ang sarap yatang tumira sa lugar na iyon. She is so grateful na dinala siya sa binata sa bahay ng mga magulang nito.
BINABASA MO ANG
Oppa and Me
RomansaMonica, still traumatized from a previous break up, grabbed her chance of becoming a farm veterinarian for a six month contract. Her intention of going to the beautiful country of South Korea is purely business.Yet, when she met her boss, her life t...