Chapter Eight

15 1 0
                                    

           Love Peak

Kanina pa sila sa loob ng kotse pero hindi pa nito ito pinapaandar.

Nagpapakiramdaman lang sila. What they shared a while ago is a mind-boggling kiss. Halos nakalimot na nga sila.

Siya ang unang nagsalita.Idinaan niya sa biro ang animosity na namamagitan sa kanila.

"Now, I can say that, at least you had the longest kiss with me and not Ana Mien." Ang tinutukoy niya ay ang kissing scene nito sa palabas na Late Summer. That kiss lasted for about 4 minutes according to what she researched.

Tumingin ito sa kanya. "Is it that long? I think it's too short." Tudyo nito sa kanya. And his natural charm made her smile, too.

Napangiti na rin siya. "Yes. It is longer than that of your kissing scene with Ana Mien. But I don't know if you had another longer kiss with someone else." Nahihimigan ng selos na sabi niya.

Hindi naman talaga imposibleng may nakahalikan pa itong mas matagal pa kesa doon sa naipalabas sa pelikula nito. Hindi sinasadyang makaramdam siya ng kirot sa dibdib. Nagseselos siya sa idea na iyon. Kahit hindi dapat dahil past na ito.

"That might be true," amin nito. Pero bumawi ito. "But ours is more intense and passionate than the rest of my past experiences." Dagdag nito.

Napatango siya. She needs to adapt dahil kailangan. Hindi pwede na lahat na lang ng ginagawa nito bilang aktor ay maging issue sa kanila.

"Whether I like it or not, I have to live to the fact that many else has tasted those lips. That it is not exclusively mine." Idinaan niya sa biro ang selos na nararamdaman.

Napatingin ito sa kanya. Sa mga mata nito ay naroon ang pagpapaunawa.

Kinuha nito ang dalawa niyang mga kamay at dinala sa mga labi nito.

"From now on, I don't want you to think that I will leave you or dump you or hurt you, Monica. Because I will never do that. My work will be our number one enemy but not a third party. Never." Sincere na sabi nito habang hinahalikan ang kamay niya.

"I always see you in my dreams. Wearing that white gown, walking the aisle towards me. I will make you my wife. I will cherish you forever and I will never hurt you." Sincere na pangako nito.

Nasiyahan siya sa tinuran nito. Gumalaw ang mga kamay niya. Hinawakan niya ang mukha nito. Pinakatitigan iyon. All along she's been longing to do this to him.

"Your lips may not be exclusive but-" Inabot ng mga labi niya ang dimples nito sa magkabilang pisngi at hinalikan iyon. Nagtagal ang labi niya roon. Sending him a message. Na dapat siya lang ang humalik roon.

Huli niyang hinalikan ang Adam's apple nito sa leeg. Bumalik siya sa pagkakaupo. Hindi nakahuma agad si Tae-Min sa ginawa niya.

She explained her actions. "I kissed you there, hoping that I will be the last woman to kiss you there. I doesn't matter if various women will kiss your lips but I should be the only one to kiss those parts of you."

Alam niyang nagiging territorial siya but she can't help it. Hindi na nga exclusive sa kanya ang lips nito kahit itong dalawa nalang sana ang maging eksklusibo sa kanya. Iyong sa kanya lang talaga.

Lalong lumabas ang mga dimples nito sa ginawa niya. "Then, I would declare this as a non-kiss zone from now on."

"You better do that in public." Pabirong sabi niya rito.

"Yes, I will, just wait for it." Sakay din nito sa biro niya.

Pagkalipas ng ilang sandali ay muli na silang naglakbay papunta sa pagdadalhan nito sa kanya. Magkahawak ang kamay. Nagtitinginan paminsan minsan tsaka ngumingiti ng madalas.

Oppa and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon