Chapter Two

22 2 0
                                    

Memories from the Philippines

Habang nakupo na sila sa magkabilang bahagi ng lamesa ay nagkatitigan sila. Matagal. Nag-uusap ang mga mata nila. Nagsusukatan sila ng tingin.

Pero siya ang hindi nakatagal. Hindi niya matagalan na parang natutunaw siya sa mga titig nito kahit pa nakainom na siya ng isang baso ng brandy.

Kung ito nga ang lalaking nakasama niya sa bar na iyon. Ano kaya ang mga pinaggagagawa niya na nakita nito?

Bakit pa ba sila nagkita ulit? Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo ay ito pa ang nagkataong nandoon ng time na nagpapabaliw siya sa sakit na dulot ng break up na iyon.

Binuksan ulit niya ang bote ng brandy at nagsimulang uminom ulit. Isa. Dalawa. Tatlo. Magkasunod para tumalab agad.

Gusto niyang mamanhid ang katawan niya para maibsan ang kahihiyang nararamdaman niya.

He is just staring at her. Wala itong sinasabi pero mas nakakatense ang mga titig nito sa kanya. His expressive eyes is toying at her. Wala itong ibang ginagawa kundi titigan siya pero ang epekto nito sa kanya ay iba. She felt so exposed.

Over thinking about what happened 5 years ago while he is staring at her is a torture. Double kill! No triple kill!

Nakakaapat na shot na siya. Nagtititigan ulit sila ni Mr. Kim. Pilit niyang inaalala ang mukha nito noong gabing iyon. Pero blangko talaga. Gaano ba kasi kadami rin iyong nainom niya dati?

"Shall I start before you faint from over-drinking, again?" Walang kurap na sabi nito. Bakit ba parang lalo itong gumwapo habang dumarami ang naiinom niya?

"No."Protesta niya rito. Medyo tumalab nq yata ang brandy sa katawan niya kasi medyo tumapang na siya.

"I have to narrate everything that I remember and you need to provide those that I can't." Medyo tumapang na rin naman siya dahil sa tama ng brandy sa katawan niya. Pero ang nakakatakot ay parang lalo namang lumakas ang atraksyong nararamdaman niya rito.

Para itong magnet. At siya naman ay metal. Habang malapit ito sa kanya ay hindi niya magawang kumilos ng maayos. Napapadikit siya. Na-aattract siya.

Ito na ba ang sisira sa pader na kay tagal niyang binuo para protektahan siya sa mga lalaki? Ito na ba ang rebound niya after 5 years?

Bakit pa niya ito nakita ulit? Anong ipinahihiwatig sa kanya ng tadhana? After five years of dormancy ay tila may kung anong mahika na bumubuhay sa natutulog niyang puso.

Kaya na ba? Pwede na bang magmahal ulit? Kaya na bang magtiwala ulit? Kaya na bang sumugal ulit?

Seeing this person across her. She is guarded. Ayaw niyang magkamali ulit. Ayaw niyang balikan ang dati niyang pinagdaanan.

Nakakatakot magmahal ng labis tapos masasaktan ka lang. This guy is not even a Pinoy. Hindi niya kalahi at hindi niya kilala. He is from different culture.

"Sure, go ahead" Parang nanunudyong sabi nito.

"Let me do it for you." Kinuha nito sa kanya ang baso at bote ng brandy tsaka nagtagay.

Nagsimula siyang alalahanin ang nangyari.

"I was so devastated after the controversial break up." She drinks  the brandy before she continued.

"I went to that bar because the co-owner is a friend of mine." Natigilan siya ng maalala ang convo nila ni Aira.

Sabi pa nito tatawagan nito ang mga kaibigan nila para may kasama siyang uminom pero nagpilit siya na magsosolo siya.

Oppa and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon