Meet the Parents
Habang papalapit sa bahay ng mga ito ang kanilang sinasakyang kotse ay hindi niya maiwasang lalo namang kabahan. Napapapisil tuloy siya sa kamay ng binata habang iniisip kung paano siya aakto sa harap ng mga magulang nito.
"Just relax, love. Everything will be alright. I am here." Pagpapakalma nito sa kanya.
Napahugot siya ng buntong-hininga ng bumusina ang kotse sa labas ng gate ng bahay ng mga ito.
Ito na talaga iyon. This is her first time na ipakilala sa mga magulang ng boyfriend niya bilang official na girlfriend. Hindi iyon nagawa ni Adam sa kanya sa tatlong taong naging sila.
Napatingin siya sa labas ng bintana ng bumukas ang gate. Alas tres na iyon ng hapon. Malamig naman ang temperature pero tila sinisilihan siya. Ang init ng pakiramdam niya. Tense na tense siya.
"Are you ready?" Tanong nito sa kanya bago lumabas ng kotse. Nang tumango siya ay bumaba na ito sa kotse at pinagbuksan siya ng pinto.
Nakuha niyang bumaba ng maayos kahit nanlalambot ang tuhod niya. Talo pa niya ang sasabak sa interview sa nararamdaman niya.
Hinawakan nito ang kamay niya at sinabayan siyang maglakad papasok ng bahay.
Bitbit nito ang paper bags ng mga pinamili niyang personal stuffs habang papasok sa bahay ng mga ito. Inabot ito ng isa sa mga katulong mula sa binata.
"Put it in Tae-Min's room." Narinig niyang sabi ng isang babae.
The voice is sweet to the ears. Napakislot siya. Alam niyang boses ito ng Mama nito. Napakasweet at mahinhin ng dating ng boses nito.
"Tae-Min!" Lumapit sa kanila ang Mama nito at niyakap ang anak. "I miss you son."
"I miss you too, Ma." Yumakap rin ang binata rito.
Matagal bago ito bumitaw sa anak at ibinaling sa kanya ang tingin. Abut-abot naman ang kaba niya.
"So, this is Monica. Napangiti ito ng makita ang mukha niya. Finally I got to see her in person." Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
Tila nasiyahan naman ito sa nakita dahil napangiti lalo.
"She looked more beautiful than that of the picture I saw in facebook." Humahangang sabi nito habang sinisipat siya.
Nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. Mukhang maganda naman ang bungad nito sa kanya.
Yumuko siya sa harap nito at sinubukang gayahin ang mga napapanood niya sa Kdrama. Ngumiti siya ng tipid rito.
Nagulat ito ng bahagya ng kuhanin niya ang kanang kamay nito at magmano rito. Kailangan niya ring ipakita rito ang culture nila sa Pilipinas.
"I am glad to see you, too, Madam Kim."
Napahawak sa nakaawang na labi ang ginang. Nailing ito.
"No,no, no, no do not call me Madam Kim. Call me Mama.Okay?" Sabi nito sa malambing na boses.
Lihim na nagbunyi ang damdamin niya ng sabihin nito iyon. Lalo na ng hinawakan nito ang braso niya at dinala siya sa sala. Nagpaubaya siya rito.
Naroon naman at nakaupo ang ama ng binata. Yumuko siya ulit sa harap nito at kinuha ang mga kamay nito para magmano.
Ito man ay nagulat sa ginawa niya bago napangiti.
"What a beauty!" Bulalas nito ng mataman siyang napagmasdan.
Alam niyang nagblush siya sa papuri nito.
Nakasunod sa kanila si Tae-Min na nakamasid lamang sa reaksyon ng mga magulang. Nakikita niya sa sulok ng mga mata niya ang pagmamalaki nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Oppa and Me
Любовные романыMonica, still traumatized from a previous break up, grabbed her chance of becoming a farm veterinarian for a six month contract. Her intention of going to the beautiful country of South Korea is purely business.Yet, when she met her boss, her life t...