Tatlong araw na akong nananatili sa bahay ni ate kaya napag-desisyunan kong pumunta sa mall dahil buryong-buryo na ako sa bahay nya. Naligo at nagbihis muna ako bago Dumiretso sa may garahe buti na lang nanduon lahat ng susi ng kotse kaya hindi ko kinakailangan na mag-taxi.
Tumawag muna ako kay ate bago umalis ng bahay nya three rings before my sister pick-up her phone.
"Hello" unang sambit ni ate
"Hi ate" sagot ko.
"Why did you call little sister? What's the matter?" magka-sunod na tanong ni ate sa akin.
"Ate I'm going out, medyo bored na ko dito sa bahay mo tsaka I will use your BMX" paalam ko rito.
"Oh sure is that all?" Muling tanong nya na agad ko namang tinugon.
"Yes ate"
"Do you need money?" Sabat pa nito.
"No need ate. I'll hang-up bye" paalam ko at tuluyan ng pinatay ang tawag
Pagkasakay na pagkasakay ko sa MBX binuksan ko na agad ang makina at nagmaneho papuntang mall. Unang destination na pinuntahan ko ay ang boutique. It's been months na hindi ako nakaka-gala ng ako lang mag-isa. May magandang dulot din pala ang pagtira ko panandalian sa bahay ni ate.
May hawak akong itim na backless shirt at nakatapat sa may salamin tinitignan kung bagay ba ang damit na napili ko, bumagay naman sa akin ang damit dahil maputi ako at lalong lumabas ang kaputian ko at hapit na hapit na nagpapakita ng curves ng katawan ko.
I already bought a 5 upper clothes. Nang mapagod ako sa kakabili at kasusukat ng damit ay naramdaman ko ang pagod at pagka-gutom sa aking katawan kaya napag-pasyahan kong pumunta sa isang korean restaurant.
Naghahanap ako ng mauupuan sa restaurant ng may mahagilap na pamilyar na bulto ang aking mata, isang babaeng hinding-hindi ko makakalimutan ang pagmumukha may kasama syang lalaki at masaya silang dalawa na nagtatawanan dumiretso ako sa malapit sa kanilang dalawa sinadya kong sa naka talikod na babae ang aking lamesa naka tapat.
Ang kaninang masayang nag-uusap na babae at lalaki ay napunta sa seryosong usapan.
"Love kailan mo iiwan si Josh?" Seryosong tanong ng lalaki.
"Ano ka ba naman love hintay lang ng konti" malambing na tugon ng lalaki.
"I'm getting impatient love. I really want to own you. Gusto na kitang makasama at hindi ka tinatago sa lahat" sabat muli ng lalaki.
"I know that love pero tiis muna tayo di ba napag-usapan na natin to noon? na kailangan ko lang makuha ang pera ni Josh" tama nga ang hinala ko kay Erica na pera lang ni Josh ang habol nya.
"Oo nga at napag-usapan na natin to pero love baka naman iwan mo ko dahil mas mayaman sya sa akin" may lungkot na mababakas sa mga salitang binibitawan ng lalaki.
"Wait a little longer malapit na silang mag hiwalay ng asawa nya at pag nangyari yon papakasalan ako ni Josh pero ang attorney ko ang mag-aayos ng fake marriage certificate. Don't woret love I won't leave you as promise okay?" malambing na naman ang tono sa bawat bitaw ng dalaga ng mga salita.
Dumating ang pagkain ko ngunit parang nawala ang gutom na aking nararamdaman kanina dahil sa mga salitang narinig ko sa mahaderang babaeng nasa likod ko.
Nagpatuloy ang usapan ng dalawa sa aking likuran rinig na rinig ko ang mga panlolokong ginagawa nya sa asawa ko.
"Why don't we kill his wife so that was easier to do love?" Nanlamig ako sa mga narinig ko mula sa lalaking kasama ni Erica.
BINABASA MO ANG
My UnLucky Wife
RomanceIsang maling akala ang sisira sa relasyon ng dalawang tao na nangako sa harap ng altar na habang buhay magsasama. Ngunit ang isa ay napipilitang lamang ikasal samantalang ang isa naman ay buong puso tinanggap ang kasal na plano lamang ng kanilang m...