Kasama namin ngayon si Cymon sa isang restaurant. Di nga alam ni Josh na umalis kami ng bahay.
Halos isang linggo na din kami ng anak ko sa bahay nito at sa loob ng isang linggong yon ay hindi ito pumapasok ng office at higit sa lahat nakakainis dahil ayaw man lang kaming payagang puntahan o makipagkita man lang kay Cymon.
Mabuti na lang ngayon at may pasok yon kaya finally after waiting for one week nagkita rin kami ni Cymon.
"Di ba kayo sasama sa akin pabalik ng Amerika Yannie?" tanong nito.
"Sorry but we can't, I want to build a complete family for Jay-jay" sagot ko nakita ko kung paano ito nalungkot sa sinabi.
Ayoko naman talagang saktan si Cy sa sobrang dami ng naitulong nito sa akin, sa amin ni Jay-jay.
"I can be his father" sambit nito sa nagmamakaawang boses.
"Kilala na ni Jay-jay ang daddy nya, higit sa lahat ayaw kitang itali sa amin, you will find the woman for you" pagpapaliwanag ko pa dito.
"But ikaw ang gusto ko Yannie" nagmamakaawa na naman ang boses nito "Please bumalik na tayo ng America"
"I love you but as a friend Josh" ani ko dito na lalong nag palungkot sa kanya. "Drop this conversation"
Mabuti na lang hindi na ito nagsalita pang muli at hindi nakikinig sa pinag-uusapan namin ang anak ko.
Maya maya lang nagsalita si Josh "baby do you want to get your toys at my condo?"
"Yes dada" excited na sabi nito at mas lalong ginanahang kumain.
Napapangiti na lang ako sa sobrang cute ni Cymon at Jay-jay kumain, halatang namiss nila ang isa't-isa. Siguro ang mga tao dito sa restaurant ay iniisip na mag-ama silang dalawa.
"Tumigil na kayong dalawa jan at kumain na" pagsaway ko sa kanilang dalawa na walang ginawa kundi mag harutan.
"Yes ma'am" sabay na sambit pa nila.
Sumunod naman sila sa akin at maganang kumain.
Pagkatapos kumain ay inaya kami ni Cymon sa condo nito para makuha namin yung mga pasalubong nito kay Jay-jay.
Hindi rin naman kami nagtagal sa condo ni Cy kasi may pinapatrabaho sa kanya ang parents nya dito sa Pilipinas. Sa America na kasi mananatili ang parents nya kaya lahat ng property nila ay ibebenta na nila except lang sa condo nito.
Imbes na umuwi sa bahay ni Josh ay pumunta na lang kami sa bahay nila daddy. Habang nasa biyahe kami patungo sa bahay nila daddy ay hindi maalis sa isip ko ang mga ipinagtapat ni Cymon sa akin. Bale ala una na ng hapon.
Nakarating na kami sa bahay nila daddy, nauna pang pumasok ang anak ko dala dala pa rin nito ang mga laruang binigay ni Cymon dito. Namiss na kasi nya ang mamala at papalo nya.
"Mom Dad" nginitian ko ang parents ko bago ako bumeso sa kanila. "I miss you"
"Namiss din namin kayo lalo na itong napakaganda kong apo" pambobolang sambit ng ina ko at tumingin sa anak kong nakaupo na sa may sofa sa tabi ni daddy.
"Mamala, Papalo let's play" paanyaya nito sa magulang ko.
"Wow andami mo namang laruan sino nagbigay nyan?" Tanong sa anak ko ni daddy.
"Dada gave me this po" magalang na sagot nito. "Let's play"
Nilabas na nito sa kahon ang isang luto-lutuang laruan nito. Wala ng choice ang parents ko kung hindi ang makipaglaro sa nag-iisa nilang apo, tsaka hindi naman nila matitiis ang batang makulit.
BINABASA MO ANG
My UnLucky Wife
RomanceIsang maling akala ang sisira sa relasyon ng dalawang tao na nangako sa harap ng altar na habang buhay magsasama. Ngunit ang isa ay napipilitang lamang ikasal samantalang ang isa naman ay buong puso tinanggap ang kasal na plano lamang ng kanilang m...