Chapter III

2.5K 77 2
                                    

Isang buwan na ang nakakaraan ng dumating ang mga magulang ni Josh. Isang buwan na rin kaming nagpapanggap sa harap nila na kami ay masayang mag-asawa at higit sa lahat ay inlove kami sa isa't isa.

Ang linggong ito ang huling linggo nila dito sa Pilipinas bago bumalik sa America laya napagdesisyunan ni Josh na magleave sa trabaho.

"Mom, Dad nagleave ako sa office this week para makapag-bakasyon tayo bago kayo bumalik sa Us. G ba kayo?" Mababakas ang kasiyahan sa kanyang mga tinuran.

"Yes. Sweetheart. Napag-usapan na namin ng daddy mo yan. Hinihintay ka lang namin kung sasama kayong mag-asawa" ani ng kanyang ina.

"Yehey! Saan tayo magbabakasyon dad?" baling na tanong nya sa kanyang ama. Natatawa na lang kami ng kanyang ina dahil mukha syang batang excited makaalis ng bahay.

"What about Island Paradise Resort?" Sagot ng kanyang ama.

"Island Paradise Resort? Sounds familiar dad" curiosity is written on his face.

"Silly boy. Didn't you remember it's your uncle Ben resort" ang ina nya na ang sumagot sa kanya imbes na ang ama.

"Don't call me boy mommy. I am a man now. Di ba Baby" parang batang paglalambing nito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Napatalon pa ko ng yakapin nya ko. My god I feel his warm body and it gives me chill.

"Oo nga mommy di na bata tong asawa ko ang laki-laki na nga neto oh" pagbibiro ko at hinalikan sya sa pisngi.

Nakita ko ang gulat nya sa paghalik ko sa kanyang pisngi, hindi nya pinahalata sa kanyang magulang. Kukunin ko na ang isang linggong ito na pagkakataon para maramdamang mahal nya ko kahit alam ko naman na ito ay isa lang pagpapanggap.

Maaga pa naman kaya napagpasyahan ng kanyang ina na mag girls bonding kaming dalawa at ang mag-ama naman ay napagkasunduang mag billiards. Una naming pinuntahan ng mommy ay mall para bumili ng mga damit na gagamitin namin sa resort, bukas agad ng umaga kami aalis.

"Hija kain muna tayo bago mag-liwalil" turan ng ginang

"Yes mommy. Gusto ko sa McDo mommy" tumatalon pa ko sa sobrang excitement. Ang tagal ko na rin kasing di nakakapag-McDo I miss their fries and sundae.

"Alright sweetheart let's go" masayang tugon ng ginang habang nakahawak sya sa kamay ko.

After eating dumeretso agad kami sa botique or what so called Clothing Shop.

" Sweety this looks good on you" pagpapakita nya sa akin ng isang pair ng one piece, that looks good and I like the color.

"Shall we buy it Mom? Magswiswimming naman po tayo di ba?" Anang tugon at tanong ko sa ginang habang naghahanap pa ng ibang bikini.

"Yes sweety. I bet laglag panga ng anak ko pag nakita nyang suot mo to" pagbibiro nito na nagpapula sa mga pisngi ko.

"M-mom naman" suway ko dito dahil hindi lang naman kami ang tao sa botique.

"Ayiee nahihiya ang anak ko"

Di na namin napansin ang oras kaya ginabi kami ng uwi. Imbis na magluto kami ng hapunan ay nagpa-deliver na lang kami dahil di na namin kakayanin mag-luto pagkat na pagod kami sa pamimili ng mga gagamitin namin sa one week vacation.

Pagkatapos maghapunan ay dumiretso na kami sa kanya-kanyang silid para maiayos na ang mga gamit na dadalin namin sa resort. Inayos ko na rin yung mga gamit ni Josh dahil alam ko naman na ayaw na ayaw non nag-aayos ng mga gamit nya.

"Josh may dadalhin ka pa ba bukod sa mga damit mo?" Sigaw ko para marinig nya ko. Mukhang naliligo sya dahil naririnig ko ang lagaslas ng tubig.

"Ahmm. Don't forget my shower gel and my aviator yun lang" sagot na sigaw naman nya.

My UnLucky WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon