Chapter IV

2.4K 73 4
                                    

Ang bilis talaga ng araw parang kailan lang dumating sila Mommy ngayon nandito kami sa NAIA para ihatid sila pabalik ng America. Sana dito na lang sila nakatira o kahit doon na lang sa amin.

Di ko mapigilang malungkot dahil sa pag-alis nila it means tapos na ang pag-papanggap balik na naman sa realidad kung saan wala na namang pake alam si Josh sa akin.

"Ba-bye Mommy, Daddy ingat po sa byahe" ani ko habangbpinipigilan ang pag-iyak.

Niyakap ako ng mag-asawa bago nag-salita.

"Sure sweety. I will miss you" yakap-yakap parin ako ng ginang.

"I will miss you too Mommy. Can't you stay a little longer?" Tanong ko habang hindi pa nito binibitawan ang pagkaka-yakap sa akin.

"Wifey. They will comeback for sure. Right Mom Dad?" Tinatap niya ang balikat ko para patigilin sa pag-hikbi.

"Yes Honey. May trabaho pa kasi ang Daddy nyo" paniniguro nito sa akin.

Nginitian ko na lamang ang ginang ng kumalas ito sa mahigpit na pagkakayap ko.

Calling the attention of all the passengers going to America in five minutes will going to fly.

Habang nahlalakad pa layo sa amin ang mag-asawa ay humarap sila at nag wave ng kamay wala kaming nagawa kundi mag-wave din senyales ng kanilang pag-alis.

Patungo kami ng parking lot ng magsalita si Josh.

"Mauna ka ng umuwi mag-taxi ka na lang. Eto pamasahe" ani nya

"Bakit? San ka pupunta?" Baling na tanong ko.

"Pupuntahan ko si Erica" bored na sagot nya.

"Ah Okay sige" umalis na ko ng di sya nililingon kahit tinatawag pa nya ko ay di ko na pinansin, marahil ang pag tawag nito sa akin ay dahil di ko kinuha ang pamasahe na ina-abot nya sa akin.

Nakasakay na ko sa taxi na inarkila ko. Di ko mapigilan ang pag-iyak. Tama nga ako wala lang talaga sa kanya yung pagiging sweet nya sa akin nitong nakaraang buwan. Puro kasinungalingan. Umasa ako na baka meron akong puwang sa puso nya.

"Manong sa may block 32 Tondo po tayo" sabi ko kay manong bago pa ito mag tanong.

"Ok po Maam" yun lang ang sinabi ni manong na ngayon ay busy na sa pagmamaneho.

Eto ako kahit anong pilit kong hindi umiyak ay hindi ko mapigilan. Sana may gamot para matigil ako sa pag-iyak. Nakatingin lang ako sa bintana tulala at ina-alala lahat ng magagandang nangyari sa loob ng isang buwan kasama ang magulang ni Josh lalo lamang tumulo ang luha ako ng ma-alala ang mga sweet gestures ni Josh sa akin kahit alam kong pag-papanggap lang yun umasa ko na baka sakaling iwan nya na si Erica pero hindi pa rin pala si Erica pa rin pala.

Inabot ako ng dalawang oras sa byahe dahil traffic sa EDSA. Pagdating ko ng bahay dumeretso ako sa mini bar ng bahay at kumaha ng tatlong Jack Daniel na alak. Dumeretso agad ako sa may sala dala ang alak at nagtungo naman sa kusina para makakuha ng pulutan.

Nakabukas ang T.V habang umiinom ako. Alas tres na ng hapon ngunit patuloy pa rin ako sa pag-inom na sa pangatlong bote na ko pero parang wala pa ring tama ng alak sa akin. Pumunta ako ng mini bar habang dala dala ko sa kanang kamay ang bote ng Jack Daniels. Kumuha muli ako ng alak ngunit sa pagkakataong ito beer naman ang kinuha ko.

Tuloy ako sa pag-inom ng alak ng bumukas ang pinto nang mga oras na yon may tama na ako sa alak na iniinom ko. Nakatapat na sya sa akin ng magsalita sya.

"Bakit ka umiinom?" Tanong ng asawa ko.

"Anong pake alam mo? Dun ka puntahan mo yung kabit mo" pagtataboy ko rito.

My UnLucky WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon