Hindi akalain ni alyza na abutin sya ng malakas na ulan.
Kanina lamang mag-aalas-6 na umalis siya sa kanila ay kay aliwalas ng panahon. At kahit nag-aagaw na ang liwanag at dilim, sigurado siyang masasakay siya agad ng bus pa-maynila.
Pero ngayong mag-aalas 7 na ng gabi at naroon pa rin sya sa dating kinakatatayuan kanina, gusto na niyang mawalan ng pag asa na may darating pang bus na biyaheng maynila.
Ang alam nya ay alas-7 ang last trip ng pambusco, ang tanging bus na nagbibiyaheng pa Maynila mula sa kanilang lugar.
Kulang kulang isang taon lamang syang hindi nakauwi sa kanila sa cinco-cinco. Nagbago na ba ang schedule ng pambusco? Mas inagahan na ba kesa sa dati na last trip at naiwan sya?
Pero binanggit na sana iyon kanina ng kanyang ina nang pinipigil sya nitong lumuwas. Magpabukas na raw sya. Nagpilit lamang siyang makaalis dahil may taping sila bukas nang maagang-maaga sa Anastacia Doren Drama Studio.
Isa iyong programa sa tv na ang producer at pangunahing gumaganap sa bawat episode ay ang sikat na sikat ding si Anastacia Doren na host din sa isang noontime variety show sa tv.
Magdadalawang taon na siyang permanenteng make up artist ng ADDS. Dati ay namamasukan lamang syang sa isang malaking beauty parlor na pinagaayusan ni Anastacia. Nakasundo niya ang dalawampu't tatlo na taong artista nang magustuhan nito ang pag mi-make-up nya rito.
Nang manganak ang make up artist ng programa nito, masasabing pinirata siya ni Anastacia dahil sa kanyang pinagtatrabahuhan.
Sabagay at talaga namang hindi nagtatagal ang mga pares nila ang official sa isang beauty parlor. Lagi na ay naghahanap sila ng wika nga ay greener pasture o mas malaking mapagkakakitaan. At talaga namang lumaki ang kita nya ng mapunta kay anastacia. Per episode ang bayaran nila at apat na beses silang mag-taping sa isang buwan.
Noong kinakailangang pumunta si anastacia sa ibang bansa, nag-aadvance taping sila ng ilang episode. Kaya nakabili siya ng ilang gamit para sa inuupahang kwarto. Nabili nya ang pangarap na betamax machine at isang 4 cubic feet refrigerator na bagay na bagay lamang sa nagsosolong kagaya nya. Nakapagpadala pa sya ng malaking pera sa kanyang ina.
Napasiksik siyang lalo sa pinagkakanlungang maliit na saradong tindahan sa gilid ng daan ng haplitin siya ng hangin na may kasamang ulan. Hindi naman sya makaurong ng todo dahil mayroong malaking mesang kahoy na hula niya ay nakapako sa gilid ng tindahan kaya hindi nya maitulak. Nababakbak na ang plywood sa ibabaw niyon at ngayon ay hinahaplit din ng hangin.
Basa na ang ibaba ng palda niya at giniginaw na sya. Nilingon niya ang pinanggalingang landas na wari'y nais na niya iyong balikan.
Pero may kalayuan ding lakarin yon.
Tiyak na basang basa na sya bago makarating sa kanila. At kung hindi nya huhubarin ang high heeled shoes na suot, tiyak na magkakagewang gewang sya sa putikan at baku-bakong daan. Ayaw naman nyang maghubad ng sapatos at maglakad sa putikan. Masisira pa ang stockings na suot nya. Pantyhose style kasi kaya hindi basta basta mahuhubad. Kakailanganin pang itaas niya ang laylayan ng may higpitan din namang suot nyang maong skirt. At hindi sya siguradong walang nakatanaw sa kanya ngayon kahit sarado ang mga pinto at bintana ng mga bahayang nasa gilid ng daan.Sana ay maisipan ng kanyang ina na padalhan sya ng payong sa kapatid niyang si shaina, naisip nya.
Pero duda syang mangyare yun dahil halos isang oras na siyang nakaalis sa kanila. Ang akala siguro ng nanay nya ay nakasakay na sya.Ang pag asa na lamang nya talaga para hindi bumalik sa kanila at sagasain ang lakas ng ulan, ang makasakay patungo manila.
Dumating ka naman, lihim nyang pananalangin na ang nasa isip ay ang pambusco.
Para namang tugon ang dasal nya, buhat sa malayo ay nakita nya ang maliwanag na headlights ng isang padating na sasakyan. Dahil madilim ang palagid - every other day lang nagkakaroon ng power sa kanilang lugar dahil hind makayang mag supply ng samahang cooperatives ng kuryente sa kanilang lugar ang mula sa samon hanggang cinco cinco - hindi nya maaninaw kung anong klaseng sasakyan ang dumarating.
Pero sure nyang hindi pambusco.
Dahil mababa ang ilaw. Parang isa lamang maliit na sasakyan.Jeep or kotse, naisip nya
Gayunman at sinunod nya ang dalang maleta at gumilid sa daan, pandalas ng kaway sa palapit na sasakyan.Kung iaangkas sya ng may sasakyan hanggang bayan, doon na sya isasakay ng bus na pamaynila. Hanggang alas 8 ang last trip ng pamaynila sa bayan.
Naramdaman niya ang lamig ng tubig-ulan sa kanyang likod pero hindi na nya iyon pinansin. Kung hindi sya iaangkas ng may ari ng pinapara niyang sasakyan, babalik na sya talaga sa kanila. Tutal ay basa narin lamang sya.
Ngunit huminto sa tabi niya ang sasakyan na kotse pala. Bagong modelo at kulay asul. Bumukas agad ang pinto sa passenger's seat at narinig nyang sabi ng lalaking nagmamaneho.
"Dali miss, at pumapasok ang ulan!"
Inuna niyang isinunod ang maleta. At kinandong nya iyon."Salamat, Mr. At --- " natigilan sya ng pagharap ay makilala nya ang lalaking nagmamaneho.
Hindi, sabi ng isip nya. Hindi ito totoo.
Sa pangarap lamang nangyayare ang ganitong fantacy.
BINABASA MO ANG
Twisted Fate
RomanceAlyza Garcia is a strong independent woman na nagwowork bilang make up artist sa kilalang artista na si anastacia doren. Tahimik ang kanyang buhay ng bigla nya makilala ang isang lalaking na magpapabago sa buhay nya. Abangan...