Chapter III

13 1 0
                                    

Kahit siguro tumanda sya ng ilang taon ay hindi niya malilimutang minsan sa buhay nya ay nangyare ang ganito na nagkasama sila ng hinahangaan - hindi, minamahal pala - niyang artista

"Taga cinco-cinco ka ba?" Tanong ni ace ng sumeryoso

"Oo"

"Bakit ginabi ka ng luwas?"

"Dumalaw lang kasi ako sa amin at kailangan kong mag-report bukas sa trabaho."

"Ako may shooting bukas nang maaga. Bagtatampo nga ang mother ko dahil ayaw pa akong paalisin. Minsan na nga lang daw ako mapadalaw e nagmamadali pa ako. Taga-Samon ako." Ani ni gab

"Alam ko."

Napatingin sa kanya si gab.

"Binabasa ko mga article na lumalabas tungkol sa yo. "

"Naks, ha? Di bistado mo na pala g buong buhay ko. Pero wag ka masyadong nagpapaniwala sa mga write ups na nababasa mo. Karaniwan e wala pa sa kalahati ang totoo sa mga iyon."

"Ikaw, how come na hindi ka nag-aartista?"

"H-ha?" Ani nya

"Sa ganda mong yan, madaling madali ka maging artista. Tiningnan pa sya ng may paghanga ni gab bago muling ibalik ang tingin sa daan.

"Hindi ko hilig yon," sabi nya

"Sa terminal station nalang ako ng bus," sabi nya nang mapansing nakarating na sila sa bayan 

"Akala ko ba paluwas ka?"

"Oo nga. Pero nakakahiya namang --"

"Doon din naman ang tungo ko. Sumabay ka na sakin para hindi ka na mamasahe. Tsaka nakakainip bumyahe mag-isa. Delikadong antukin ako. Mabuti na ang ganitong may kausap.

Gusto nya rin naman makasama si gab ng matagal kaso nag aalala lang sya na baka inaabuso na nya ang pagmamagandang loob nito, kaya sinabi niyang magbubus nalang sya  pero kung ganitong si gab na mismo ang nag offer ng pagsasabay sa kanya, gustong gusto nya iyon.

Naraanan nila ang bus station at bahagyang nagpabagal ng takbo ni gab. "Tingnan mo, ang daming pasahero at walang bus, puro pa-maynila ng mga taong yan."

Tama si gab, naisip nya. Mabuti na lamang at ito ang nag angkas sa kanya. Kung nagkataon ay sa station pa pala siya ng bus mai-stranded.

Nilampasan nila ang station ng bus at nagpatuloy sa patungong highway. Napaka-lakas ng ulan at hangin na tumatama sa kanilang kotse ng papasok na sila sa Sta. Rosa. Nag aalalang tumingin si gab sa damit nya.

"Magkakasakit ka kapag hindi naalis yan" concerned na sabi nito.

May dala syang ilang damit sa maleta pero hindi nya sinabi. Hindi rin naman sya makakapagbihis sa harap nito.

"Wala ka bang space clothing diyan" tumingin si gab sa maleta. .

"Matutuyo naman na ito," paiwas na sabi nya

Waring may kumislap sa mata ni gab.

Amusement?

Dahil alam nila ang iniisip nya?

Nagconcentrate na lamang ito sa pagmamaneho ng hindi siya makumbinsing palitan ang suot.

Pumapasok sila ng Gapan ay mataas na ang tubig na sinasabana ng kotse. Halos umuusad na lamany ang kanilang sasakyan.

"Terible naman ang lakas ng ulan na ito" naiiling na sabi ni gab

Pinahid nito ang moisture sa harapan ng salamin dahil hindi na halos makaya ng wiper ang malakas na bagsak ng ulan. Nagaalala rin siya ng makitang palapit sa san ildefonso ay lalong lumalaki ang tubig sa daan. May naraanan silang small vehicles na nakatirik sa baha. Para namang hindi titigil ang lakas ng ulan. Nangangalit na ang kalikasan at todong ibinubuhos ang galit.

"We can't stay on the road" sa wakas sabi ni gab "mas mahirap namang narito tayo sa loob kapag tumirik itong kotse."

"A-anong gagawin natin?"

Tiningnan sya ni gab na parang tinatansya kung ok lang ba sya.

Bumilis ang tibok ng puso nya.

"Nakikita mo iyon?" Tanong ni gab na itinuturo ang isang sign sa di kalayuan.

Sinundan niya ng tingin ang tinuturo nito.

"Midnight Lodge", nakalagay sa signage

"I suggest that we stay there for tonight o kung hanggang kailan titigil ang pagsusungit ng panahon. Either that o parehas tayong manigas dito sa ginaw lalo ka na. Kailangan mong makapagpalit ng damit"

Tulalang napatingin sya kay gab.

Twisted Fate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon