July nang isinilang niya ang bata.
July 17, ilang sandali bago mag alas dose ng gabi. Si aling nena at ang mag asawang si alex at cyrah ang nagdala sa kanya sa hospital. Isinama na rin nila si karel para may mag bantay sa kanya.
Halos sampung oras siyang nag labor. Pero sulit ang lahat ng hirap at pagod nya nang makita ang isinilang.
Tumulo ang luha nya nang makita ang anak na pandalas ang iyak habang tinitimbang ng attending physician.
"It's a girl, misis" nakangiting sabi sa kanya ng isang nurse.
"Babae at napaka ganda," sabad ng doctorang nagpaanak sa kanya
Gusto nyang isigaw na natural na maging maganda ang anak nya dahil anak iyon ni Gab Diaz pero alam niyang mananatili na lamang yung sa isipan nya. Ang karangalang iyon.
Hiniling niyang mahalikan ang kanyang anak bago tuluyang dalhin sa nursery room.
Kahit baby pa ito, nakita agad nya ang pagkakakuha nito sa ibang features ng ama.
"I'm so right in keeping you, anak so perfectly right." Sabi ng isip nya
Hindi nya alam bakit Gaberelle ang ipinangalan niya sa anak. Pinapalayawan niya itong Gabbie.
Saka lamang nya narealized na kahiy paano, gusto nyang palitawin ang connection ng bata sa ama nito.
Malapit ang Gaberelle sa Gab. Hindi nga lang nya maisusunod ang anak sa last name ng ama nya.
Dalawang buwan na si gabbie ng pabinyagan nya. Ang mga kinuha nyang ninong at ninang ay ang natitiyak nyang nagmamalasakit dito kung sakali.
Si aling nena. Si alex at cyrah. Si anastacia. Si karylle at joy na malalapit niyang kaibigan.
Simple lamang ang okasyon. Naging pansinin lamang iyon dahil sa presence ni anastacia.
Sa boarding house ang naging reception. Ang handa ay pinagtulungang iluto ni aling nena at ng kanyang ina na dalawang araw bago dumating ang binyagan ay lumuwas siya.
Lahat ay tuwang tuwa sa anak niya. Lahat ay gustong makahawak.
"Pagbigyan nyo naman ako," nakaira ngunit nakangiting sabi ni aling lucy nang minsan may magtangkang kumuha rito sa baby. "Uuwi na ako sa probinsya samantalang kayo ay puwedeng laging makita tong apo ko."
Nagkatawanan sila at binayaan nang mag asawa ang matanda sa pagkarga ng baby.
Hapon na ng magsi alisan ang mga kasamahan niya maliban kay anastacia. Nagkaroon pa kasi sila ng kaunting inuman pagkakain ng tanghalian.
"O, pa'no," tanong ni anastacia, " kelan ka babalik sa trabaho"
"Next week na"
"Kaya mo na?"
"Oo"
Tumango si anastacia, may kinuhang sobra sa bag nito at iniabot sa kanya.
"Ano to?" Maang na tanong nya
"Para sa inaanak ko"
Tinangka nyang ibalik ang pera. "May regalo ka na ngang maganda crib. Saka ang laki na ng naitulong mo."
"Wala iyon," sabi ni anastacia na hinarang ang kamay niya.
"Para lang kasing naaalala ko ang sarili ko noong kagaya mong nasa crisis. How I wish na sana, me umalalay sakin. Na may dumamay sakin. Meron naman kaya ibinabalik ko ngayon yung pabor. Kung di man sa kanila ay sa kagaya mo nang nangangailangan."
Hindi na nya napigilan ang sarili nya, napayakap sya sa babae. "S-salamat . . . Mare."
Nagparinig ng maikling tawa si anastacia.. "ako ang may drama studio, ha?" Biro nito. "Huwag ikaw nag magdrama dyan."
Natatawang pinahid niya ang luha.
"Aalis na ko. Pasilip naman sa inaanak ko"
"Nasa kwarto ko. Nabugbog yata sa kakahawak ng kung sino sino."
Sinamahan niya si anastacia sa kwarto na inuupahan niya. Tulog na tulog si gabbie sa mamahaling crib nato.
Parang sa anghel ang mukha ng anak nya, naisip nya habang pinagmamasdan ang natutulog na sanggol.
Iba pala ang pagmamahal sa opposite sex at iba rin ang pag ibig para sa anak.
Ang sa huli'y may purong purong quality. Hindi na kailangan i-demand kundi kusang bumubukal sa puso.
Napansin niyang titig na titig si anastacia sa mukha ng bata, parang may pinagiisipan.
"Ang cute niya, diba? Tanong niya kay anastacia.
Tumango lamang si anastacia pero hindi tumitingin sa kanya. Parang wala sa loob ang pagkakatango.
"She reminds me of someone," parang nagsasalita sa sariling sabi nito. "Her nose, her eyes, her lips . . ."
Kinabahan siyang bigla.
Naalala niyang matalino at matunog nga pala si anastacia.
"Hindi ko lang matiyak kung sino pero sigurado akong may kakilala akong nakakamukha ng anak mo," baling sa kanya ni anastacia.
Lihim na lihim, naidasal niyang huwag sana mahulaan ni anastacia ang tinutukoy.
"A, hindi bale na nga," piksi ni anastacia. "Some other time siguro ay maaalala ko. I must be going."
Nagmamadaling hinawakan nya sa braso si anastacia para maihatid sa hagdan.
O para mailayo sa pagmamasid sa anak?
BINABASA MO ANG
Twisted Fate
RomanceAlyza Garcia is a strong independent woman na nagwowork bilang make up artist sa kilalang artista na si anastacia doren. Tahimik ang kanyang buhay ng bigla nya makilala ang isang lalaking na magpapabago sa buhay nya. Abangan...