Chapter II

27 1 0
                                    

Ilang beses na ba niyang pinantasya si Gab Diaz?

Hindi lamang siguro sampung beses. Lalo't kapapanood niya na pelikula ng lalaki pinapantasya niyang sana'y magkatagpo sila. at hindi lamang simpleng magkatagpo.

Magkatagpo at mag-ibigan.

Gumagawa pa nga siya ng sitwasyon konektado sa fantasy na iyon. Halimbawa dadalawa silang napadpad sa isang ulilang pulo. Mga ganoong pantasya dahil sa ganoong sitwasyon lamang niya masosolo ang lalaki. Sa ganung sitwasyon lamang siya nito mapag uukulan ng pansin. Oo nga't maganda siya -- lalo pa nga raw syang gumanda mula ng mapasa-manila sabi ng mga kanayon niya -- pero ilang magagandang babae ba ang mahuhumaling kay Gab Diaz? Ilang beauty queens na ang nakatambal at naka-romance nito sa pelikula? Mga babaeng magaganda na ay may mga sinabi pa sa buhay samantalang siya, si Alyza Garcia na mula sa isang liblib na baryo at galing sa isang pamilyang mahirap ay walang puwang sa mundo ng isang Gab Diaz. Sabihin mang ubod siya ng ganda.

Pero heto nga magkaharap sila ngayon.

Sakay siya ng kotse nito at nakangiting nakatingin sa kanya ang lalaki.

Hihimatayin yata ako, naisip nya.

Si Gab Diaz ay hindi nya naging paborito dahil lamang gwapo ito at may nakamamagnetong appeal sa screen.

Ang mas malamang na dahilan ng pag iidolo niya sa binata ay ang pagiging magkababayan nila. Noong bagu-bago pa lamang sa showbiz si gab, nabasa niya sa isang movie report na ang binata at taga cinco-cinco, sa malayong dulo na halos malapit na sa boundary ng samon.

Bilib siya sa mga pares ni gab na kahit nanggaling sa isang maliit na baryo ay nagkaroon ng pangalan sa maynila kung saan kay higpit ng kumpitensya lalo na sa larangang pinili nito.

Mula noon, sinubaybayan na niya ang movie career ng binata. Saksi sya sa pag angat nito bilang isang bit player hanggang maging ganap na bida. Hindi lamang isang producer ang naghangad na mapapirma sa kontrata ang lalaki ngunit nagtataka sya na wala itong tinanggap sa mga iyon. Ang alam nya, mas makakatulong sa career ng isang artista ang magkaroon ng mag-aalagang produksyon.

May apat na taon ding panatiko niyang sinubaybayan ang career ni gab. Ano mang pelikula na kasama ito, hindi man bida, ay pinanonood nya. At maraming siyang nabiling magasin na ang mga cover ay ang binata o kung minsan ay kasama ang ibang artista.

May isang taon na ang nakakaraan, may nakilalang ka love-team ni gab ang publiko. Si coleen orsos na alam niyang noon pa man ay hindi gumaganda ang career dahil mediocre ang acting ability. Pamangkin ito ng producer ng huling pelikulang ginawa ni gab.

Inis na inis siya noon kay coleen. Naisip nyang gagamitin lamang ng babae si gab, makiki ride sa popularidad nito. Nang ganap niyang analisahin ang sarili sa sobrang pagkainis kay coleen, natiyak niyang nagseselos siya.

Dahil mahal niya si Gab.

Hindi isang simpleng pagmamahal ng isang fan sa kanyang hinahayaang artista kundi pagmamahal na talagang iniuukol ng isang babae sa isang napupusuang lalaki. Madalas nyang pinapagalitan ang sarili dahil sa pagkabaliw nya sa isang bagay na imposible mapasakanya. Kaya tuloy hindi sya magkainterest sa sino mang manliligaw o ibang lalaki.

Ilang taon na ba nya sinasabi sa sarili na na infatuation lang ang nararamdaman nya sa binata, dahil sikat si gab. Inaasahan nyang isang araw magigising syang sawa na sa paghanga sa binata. Pero hindi iyon nangyare. Para pa nga lalong lumalim ang feeling nya habang tumatagal.

Sa klase bg kanyang trabaho ay sanay naman na syang makakita ng mga artista. Pero never siya nagkagusto sa mga yon.

Nabalik na lang sya sa realidad ng may magsalita

"Basa ka na," sabi ni gab na nakatingin sa harapan ng kanyang damit.

Nang tingnan nya ang harapan ng blouse niya ay napahiya sya ng makitang nakabakat sa manipis na fabric ang lacy bra na suot niya.

Na-concious sya ng muling mapatingin jay gab at mabasa sa anyo nito ang waring malisya. Gayunpaman parang bumilis ang tibok ng puso nya ng maisip ba physically ay naattract sa kanya ang lalaki.

Imposible, sabi nya sa isip. Ang pares ni gab, sawa sa magaganda at seksing babae. Pero bakit nga parang ayaw alisin ng lalaki ang pagkakatingin sa harapan ng suot nya?
Kunwari giniginaw na inihalukipkip nya nya ang mga kamay para maitago ang pagbakat ng dibdib sa suot nyang damit.

"Salamat," sabi nya nang tumingin kay gab, "iniangkas mo ako."

"To tell you the truth, kung nagkataon na lalaki ka o hindi maganda at sexy, hindi talaga kita hihintuan," parang nagbibirong sabi ni gab.

Kahit giniginaw, may mainit na pakiramdam na idinulot asa mga pisngi nya ang sinabi ng lalaki.

"Kilala mo ba ako?" Tumingin si gab sa dinaraanan nila.

"Wala naman sigurong hindi makakakilala sayo," sabi nya. "Fan mo nga ako."

"Ow?" Amused na baling sa kanya nito.

Iniwas nya ang tingin. Nag alala siyang baka mabasa nito ang tunay niyang nararamdaman para rito. "Pinanood ko lahat ng pelikula mo."

"Yong 'bakit hinati natin ang daigdig?' Parang panenesting ni gab

"Napanood ko. Kasama mo si Zendrix Punzalan. Singer din ang role niya. Nagkaasawa noong hindi pa sikat pero itinago iyon sa public ng sumikat. Ikaw ang may ari ng recording company na nagpapasikat sa kanya. Kayo nong asawa nya ang naging magkatambal sa bandang huli"

"E yung 'kailan lalaya ang puso?'

"Pinanood ko din. Ikaw yung may asawa ron. Lagi kang tinatakot na magpapakamatay siya kapag nagkaron ka ng ibang babae. Nainlove ka nga sa iba at namatay yong asawa mo pero hindi talaga nagpakamatay, naaksidente lang. Pero akala mo totoong nagpakamatay kaya naguilty ka at gustong layuan yong talagang minamahal mo.

Napangiti si gab. "A, itong isang to, tiyak hindi mo pa napapanood. "Apoy sa ubod ng rosas"

Kunot noo syang napatingin kay gab.

"Kapitan ako ron ng barko. Umibig ako sa isang babae na akala ko noong una ay bayaran pero gusto lamang palang magkaanak alang alang sa kanyang pamilya"

Napailing na umiling sya. "Hindi ko pa nga napanood yon.

Nagulat siya ng magtawa si gab.
"Hindi mo pa talaga mapapanood yon dahil gagawin ko pa lang under Revival Films."

Gusto nya magalit sa panloloko ng kausap pero sa halip, fondness ang naramdaman niya sa puso.


Twisted Fate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon