"You'd rather stay here?" Kunot-noong tanong ni Gab pagkaraan ng ilang sandaling hindi siya sumasagot
Sasabihin sana niyang magpatuloy na lamang sila ng pagbabyahe at baka sa susunod na bayan ay hindi na baha pero nagulat sila pareho nang marinig ang pagpugak-pugak ng kotse.
"Damn!" inis na sabi ni gab na nakahula na sa susunod na mangyayari.
Mayamaya nga ay itinirik na sila ng sasakyan. Ano mang pilit ang gawin ni gab ay hindi na iyon napaandar. Natigilan siya ng makitang lalabas ng kotse ang binata.
"Saan ka pupunta?" Ani nya
"I-checheck ko lang yung makina."
Gusto sana niya itong pigilan dahil sa lakas ng buhos ng ulan at tiyak na mababasa ng husto ang binata.
Pero nakalabas na si gab.
Mula sa salamin ng kotse ay nakita niyang binuksan nito ang hood. Ilang saglit lang nitong ininspeksiyon ang harap ng sasakyan at nagbalik na ito sa loob ng kotse.
Kagaya nga ng inaasahan nya, basang basa ito. Bumakat ang matipunong pangangatawan sa dilaw na long-sleeved poloshirt na ang mga dulo ng manggas ay nakalislis hanggang sa ibaba ng siko.
"We're stuck here," madilim na anyong sabi ni gab
"H-hindi na ito aandar?"
"Halos lubog ang mga gulong. Pinasok na ng tubig ang tambutso."
Ilang saglit silang hindi nag-imikan. Parang pinakikiramdaman nila ang isat isa.
Kaya parang ikinagulat pa ni alyza ang pagkakabukas ni gab ng pinto.
"If we're stuck here, I am going to see to it that I'll lay in a warm bed with warm food in my stomach."
Sa pagkakaisip ng pagkain waring nangalam ang kanyang tiyan niya at hindi nya sabay matiyak kung epekto iyon na wari'y sadyang pag aakit ni gab o dahil sa ginaw na nararamdaman niya.
"Sasama ka ba sa lodge nayon o hindi?" May finality na sabi ni gab ng tumayo sa labas ng kotse at silipin siya sa loob.
Hindi padin siya makapag decide.
Tama ba?
Hindi ba masagwa ang ganoon?"Kung nag aalala ka saakin, pwede tayong kumuha ng seperate rooms. Pero I assure you, hindi ko ugaling mamuwersa ng babae"
Napahiya siya ng maisip na nahulaan ni gab ang ipinag aalala nya. Napahiya sya dahil hindi ang tipo nito ang mamumuwersa pa ng babae para lamang makuha roon ang gusto. At sino ba sya para isiping pupuwersahin ng isang gab diaz.
"In that case, ani gab na nagkibit balikat ng hindi parin makarinig ng sagot niya, "iiwan nalang kita dito."
Napapitlag siya sa kinauupuan lalo na't lumakad ng palayo si gab.
"Siya nga pala," sigaw nito ng lumingon sa kanya "sa lugar na ito may hinarang na sasakyan noon !
"Yong sakay na babae, pinagtulungang rape-in nong dalawang nangharang!"
Napabilis ang labas niya ng kotse sunong ang maleta na humabol kay gab. Tumigil sa paglalakad ang lalaki at hinintay siya. Tingin niya ay sinusupil nito ang isang ngiti ng magkaharap sila.
"T-talaga bang may na rape dito?" Sabi nya
"At patay pa kamo iniwan sa gilid ng daan" ani ni gab na inalalayan siya sa siko.
Ang nerbyos na nararamdaman niya ay napalitan ng ibang senyales sa ginawang paghawak ni gab. Nakababad ang paa nila sa baha, basa ang damit niya dapat ay ginawin siya pero hindi at parang sa isang nilalagnat ang nararamdaman niya sa buong katawan.
Nilalagnat na nga ba siya? O epekto ng pagkakadikit ng mga balat ni gab ang pinagkakaganoon niya?
BINABASA MO ANG
Twisted Fate
RomanceAlyza Garcia is a strong independent woman na nagwowork bilang make up artist sa kilalang artista na si anastacia doren. Tahimik ang kanyang buhay ng bigla nya makilala ang isang lalaking na magpapabago sa buhay nya. Abangan...