Mag aalas siyete nang dumating siya sa pinangangaseran sa Sampaloc.
Isang malaking bahay iyon na may apat na kwarto.
Ang isa ay okupado ng biyudang may ari na si Aling Nena, 56. Ang tatlo ay pinapaupahan. Sa isang silid na katabi ng kay aling nena, bagong kasal ang nangungupahan. Ang lalaki, si Alex, ay dating boarder ni aling nena. Clerk ito sa isang banko sa maynila. Nang mag asawa ito ay doon na rin itinira ang mapapangasawa. Kahera dati sa isang department store ang napangasawa nitong si cyrah. Nang nagpakasal ang dalawa, pinatigil na ni alex sa pagtatrabaho ang asawa. Hintayin na lamang daw ang magiging anak nila para maalagaan ng husto.
Ang nangungupahan sa ikalawang silid ay mga estudyanteng magpipinsan na sa UST nag aaral. Tatlong babae sila na magkakaparehas ng edad.
Siya lamang ang nagsosolo ng silid at kasama ang pagkain sa upa ng bahay. Masasabi ring siya ang pinaka well off sa mga nangungupahan sa bahay na iyon na ang ibabang palapag ay paupahan ding komersiyal. Tindahan ng mga bicycle parts at bisekleta mismo.
Mag aapat na taon na siyang boarder ni aling nena.nagkasundo na sila ng loob ng babae. Parang nakatagpo na rin siya ng pangalawang ina sa katauhan ng babae. Palibhasa sabik din sa mga anak si aling nena kaya natuwa ng husto sa kanya. Tatlo ang anak nito ngunit lahat ay nasa abroad ngunit iba iba nga lamang na lugar. Ang dalawa ay may pamilya na at tipong hindi na gusto bumalik sa pilipinas.
Puro babae ang anak ni Aling nena.Ang bunsong si Millie na isang nurse at 22 na gaya nya. Naisip noon ni alyza na kaya malapit sa kanya ang matandang babae ay hindi sa pagiging magkaedad nila ng bunso nito. Saka maramindaw silang magkatulad na ugali.
Inabutan niyang naghahanda ng pagkain sa mesa si aling nena nang dumating siya. Nabigla ito ng makita siya pero kaagad din natuwa.
"Aba'y anong oras ka umalis sa inyo niyan ha?" Tanong nito na natigilan sa paglalagay ng plato sa mesa.
"Mag four-thirty ho," pagsisinungaling niya.
Walang kamalay malay si aling nena na hindi siya sa kanila galing.
"Mabilis din ang biyahe, no?" Nagiisip na sabi ng babae. "O, e, di hindi ka pa nag aalmusal?"
"Nagkape lang po ako, e."
Isa pang kasinungalingan
Tumakas sya sa lodge ng walang laman ang tiyan kaya parang nangangalam ngayon ang tiyan nya.
"Humahabol ka sa taping nyo ngayon, ano?
"Oho. Alas otso ang usapan naming magkikita sa harap ng new frontier, e. 'Yong FX ng ADDS ang sasakyan naming magkakasama dahil hindi namin alam yong bahay sa pagsi shooting sa taytay."
"O, e, kumain ka na muna. Daragdagan ko ng niluto ko. Akala ko kasi'y ako lang ang kakain, e."
"Ano ho bang niluto niyo?"
"Ano ho bang niluto nyo?"
"Nagprito ako ng daing. Dala yon ni baby galing probinsya. Pasalubong daw niya sa akin."
Isa sa mga estudyanteng tenant ni aling nena ang tinutukoy nito.
"Nagmamadali ho ako kaya hindi ko man lang kayo naibili ng pasalubong," parang humihingi ng paumanhing sabi nya.
"Kow, hindi bale," ani aling nena na iwimasiwas pa ng bahagya ang isang kamay. "Gusto mo bang ipagluto kita kahit konting bacon? O hotdog na lang kaya para mabilis?"
"Meron ho ba tayong suka at siling labuyo?"
"Meron"
"O, e tama na ho yong daing. Mas gusto ko yon."
"Talaga?"
"Oho. Para hindi na kayo magluto. Maliligo lang ako at kumain na tayo."
Daig pa nga ang tunay na ina kung alalahanin sya.
"Pahinga ka nang kaunti bago maligo at baka mapasama ng paa mo," pahabol na sabi ng matanda nang makitang papasok na sya sa sariling silid.
"Oho," sabi nya "tutal naman e maaga pa"
"Kow, hindi naman nag uumpisa talaga nang maaga ang taping nyo."
"Hindi nga ho. Pero baka iwan ako ng mga kasamahan ko kapag hindi ako dumating ng on time sa meeting place namin."
"Di wala silang naging make-up artist."
"Madali hong makapag tu-trouble shoot yong si neng. Co-contact agad iyon ng pansamantalang kapalit ko."
"Sabagay. Kaso e ikaw ang paborito ni Anastacia."
Kahit hindi pa nakikita ng personal ni aling nena si anastacia, madalas naman ito ang nakasasagot dito kapag tinatawagan sya.
"Sige na," pagtataboy sa kanya ng matanda sa silid nya.
Napahinga nga lamang siyang saglit bago naligo. Hindi naman maalis sa isip nya ang nangyari sa kanila ni gab kaya tumayo na lamang sya para kumuha ng mga isusuot.
Ipinangako niya sa sarili na walang walang makaka alam sakanila ni gab. That is, kung ipagyayabang sa mga kakilala ang pinagdaanang experience.
Mabuti na lamang at hindi nya sinasabi rito ang tunay nyang pangalan, naisip nya.
Natanaw agad nya ang pulang FX na service talaga ng Anastacia Doren Drama Studio. Para sa kanilang magkakasama sa production at sa mga equipment na inuupahan lamang nila. May malalaking puting letra sa gilid ng Tamaraw. ADDS.
Patawid pa lamanh siya ay nakita na sya ng driver na si ted. Kinalabit nito ang production manager na si karylle at itinuro siya. Kausap ni karylle ang assistant nito na si joy at parehong lumingon sa kanya ang dalawa. Nakangiting kumaway sa kanya ang manager.
"Kanina pa kayo?" Tanong niya nang makalapit sa dalawang babae.
"Hindi masyado. Kadarating ko lang din." Si joy ang nagsalita. Itong si karylle ang kanina pa yata."
"Paano'y ang daming dapat asikasuhin," ani ni karylle. "Pero ok na yun. Si ken na lang ngayon ang hinihintay natin."
Si ken ang kanilang errand boy. Dati rati'y unang una itong dumarating sa meeting place nila kaya nagtaka si alyza kung bakit ito pa raw ang hinihintay ngayon
"Nanganak kasi kahapon ang misis nya" paliwanag ni karylle. "Sa ospital pa ngayon manggagaling ang lokong iyon"
Hindi naman nagtagal at dumating na din ang 34 na taong gulang na lalaki. Hindi ito masyadong gwapo pero maya masayahing mukha.
Maya maya lamang ay masaya na silang nagbiyahe patungong taytay.
BINABASA MO ANG
Twisted Fate
RomanceAlyza Garcia is a strong independent woman na nagwowork bilang make up artist sa kilalang artista na si anastacia doren. Tahimik ang kanyang buhay ng bigla nya makilala ang isang lalaking na magpapabago sa buhay nya. Abangan...