Chapter X

3 0 0
                                    

Maayos namang natapos ang taping na inabot ng alos dos ng madaling araw.

"Sino'ng hindi pa pagod?" Tanong ni anastacia nang naka pack up na sila.

"Bakit?" Tanong ng cameraman na si kev

"Parang hindi na rin ako makakatulog, e. Type ko yatang mag bar."

"Sa ganitong oras?" Maang at natatawang tanong ni karylle na tumingin pa sa relong suot.

"Habol pa rin tayo kahit one hour lang," sabi ni anastacia na talagang ganado mag bar.

"Sige, sama ko," sabi ng direktor ng show na si kim.  Kahit 55 years old na to ay mahilig padin sa night life.

"Sama na rin kami," sabi ni Lem

Ang kami ay patungkol nito sa sarili at mga kasamahang in charge sa camera.

"Aba'y sama na rin kami," sabi ni karylle na tumingin kay joy.

"Huwag mong sabihin di ka sasama, alyza? Sabi sa kanya ni anastacia.

"O, sige, sasama rin," natatawang sabi nya.

May susi naman syang sarili sa bahay kaya wala syang iistorbohin dumating man siya ng alanganing oras. Sanay na ang kanyang mga kasamahan sa walang katiyakan nyang oras na uwi kapag galing sa taping.

Napansin nilang nagkakamot sa noo si ken, nakatawa. "Ako, hindi pwedeng --"

"Walang killjoy dito, ken," pagkairap ni anastacia.

"Oo nga naman," sabi ni karylle na nangangantiyaw  "walang kj dito."

Napilitan na ring sumama si ken.

Nagtungo sila sa isang bar sa makati. Nagsipag-inuman sila't nagsiyawan. Star nga ang grupo nila dahil kasama nila si anastacia.

Okay ang buhay ko, naiisip ni alyza habang tuwang pinanood ang pagsasayaw ng mga kasama. Siya ay kauupo lamang at tumanggi munang sumayaw.

Okay kahit na nangyare yun.

Ang iyon ay ang pagkakatiwala ng virginity nya sa kamay ni Gab.

Pero hindi nya mapapayagang maging hindi okay ang buhay dahil sa nangyareng iyon. Magpapatuloy siya sa normal na pamumuhay at hindi niya iyon paaapektuhan sa nangyare.















Hanggang sa dumating ang sandaling sa mismong oras na inaanak nila ni karylle sa binyag ang bunso ni ken ay inatake sya ng di mapigil na pagsusuka.

Nahihilo pa nga sya pagkatapos.

Ang payo ng mga kasamahan, magpatingin sya sa doctor.



Muntik na syang himatayin nang sabihin ang finding ng doctor na nag check up sa kanya: buntis sya!


Twisted Fate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon