Chapter XV

32 1 0
                                    

KALAGITNAAN ng sumunod na buwan nang ibalita sa kanya ni anastacia na nabili na nga raw ng sinasabi nitong producer ang rights para maisapelikula ang "Benedict".

Mag-i-story conference na nga raw ito at ang iba pang mga kasama sa production.

At isa na siya roon.

Sasama rin ang author ng nasabing libro na masyadong metikuloso. Kung paano isasalin sa pelikula ang akda nito.

Sa Aflredo's sa Tomas Morato sila nagkita kita.

Dinatnan na niyang nasa mahabang mesa si anastacia, may kausap na isang babaeng sa tingin nya ay wala pa sa 40 years old. Dignified looking ang babae at maraming alahas sa katawan.

"Hi," sabi niya kay Liz nang makalapit sa mesa.

"Take a seat," sabi nito na itinuro ang upuang katabi.

Naupo sya sa tabi ni anastacia.

"Meet marilen, Maria Elena Cruz. Siya ang author ng Benedict."

"A . . ." Sabi niyang ngumiti sa kaharap na babae. Inilahad niya ang kanang kamay.

"Inabot iyon ng babae at ngumiti rin sa kanya.

"Siya ang sinasabi kong professional make up artist na makakasama natin," sabi ni anastacia sa babae, "Si alyza."

"Please to meet you alyza."

"Same here" sabi niya

"Pinag-uusapan na nga namin ang outline ng story bago ka dumating. Hindi pa man, parang naiinlove na ako sa story."

Gusto sanang marinig din iyon ni alyza pero napansin niyang titig na titig si marilen sa mukha niya.

"Pasensya ka na," sabi nito ng mapansing naku conscious siya. "Naging habit ko na yata ang ganoon na pag-aralan ang mukha ng isang bagong kakilala para malaman kung makakasundo ko siya o hindi."

"And . . . ?" Kinakabahang tanong niya.

"We'll get along fine," matamis ang ngiting sabi ni marilen. "Okay sa kin ang vibrations mo."

Napanatag ang loob nya.

"About Benedict," sabi ni marilen na bumaling uli kay anastacia. "Ako talaga ang nag recomend kay gab na ikaw ang kuning leading lady.

"G-gab?" Maang na tanong niya

"Ang producer natin, didn't you know?

Unti unting may bumubundol na hinala sa isip niya.

"Oh, I forgot," sabi ni anastacia na bahagya pang natapik ang noo. "Open na nga pala ang tungkol diyan. Pwede na nating ipangalat na si Gab Diaz ang magiging producer natin."

Parang nanlamig ang buong katawan ni Alyza 

"H-hindi ang Gab Diaz na . . . A-artista?"

"Darling," natatawang sabi ni anastacia, " may iba pa bang Gab Diaz kundi artista?"

Parang nakaramdam siya ng nakaliliyong pakiramdam sa narinig.

Magkikita silang muli ni Gab?
At magtatrabaho pa siya sa production nato.

Paano niya magagawa iyon gayong ni hindi nga niya magawang makaharap uli ang binata pagkatapos ng nangyare sa kanila?

"He'll be here any minute. Daraanan pa raw kasi niya si viviane dahil nasira ang kotse niyon."

Sabay natuliro siya nang maisip na anomang oras ay magkakaharap sila ni Gab.

Dinampot niya ang bag sa mesa at nagmamadaling tumayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twisted Fate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon