Chapter XI

3 0 0
                                    

"S-sigurado kayo?" Tanong niya nang makabawi sa kabiglaan.

"One hundred percent" nakangiting tugon ng doctora. "First baby nyo?"

Alanganing tumango siya

"Sure na matutuwa si mister"

"M-matutuwa nga," sabi nya nang may pait sa dibdib.

Binayaran niya ang test na isinagawa sa kanya at umalis na siya ng clinic.

Para syang lutang habang naglalakad patungo sa sakayan.

Buntis sya?

Dinadala nya ang bunga ng namagitan sa kanila ni gab?

Siyempre si gab ang ama

Wala ng iba

Paano nya ngayon haharapin ang problemang ito?

Sinigurado nyang, hindi nya makakaya ang abortion. Hindi kaya ng konsensya nya. Saka hindi naman niya maramdamang gusto niyang ipalaglag ang bata.

Hinaplos niya ang parang dati paring porma ng tiyan nya.

"Gusto ko ito, naisip nya gusto kong anak ko. Gusto ko itong anak namin ni gab.

Pero sigurado siyang hindi niya iyon ipapaalam kay gab. Sira na lamang siya kapag ginawa nya iyon. Mabuti kung aminin ni gab na kanya ang bata. Baka makaladkad lamang ang pangalan nya sa mga publisidad nito.. 

Babaing nagki-claim na naanakan ni Gab Diaz, naghahabol ng suporta.

Baka magkaroon lamang sya ng mga kagalit na press people. Alam naman niyang kung paano mag sensationalize ang mga iyon ng kahit maliit na bagay. Sa totoo lang madalas na nagagalit si anastacia sa ganito o ganoong reporter.  Pero sa harap lamang nila ipinapakita ang galit. Minsan lamang nangyaring kumompronta ito ng movie reporter. Dahil naman talagang below the belt na ang tira niyon.

Balik ang isip sa dinadala.

Problema, naisip nya

Huwag ng sabihing magiging single parent lamang syang magpapalaki sa bata. Masyadong malayo pa iyon. Ang immediate ay ang kahihiyan nya.

Paano sya magtatapat sa kanyang ina at mga kapatid? Sa mga kakilala? At paano ang trabaho niya kapag nanganak sya? Saan niya ititira ang baby? Tatanggapin pa kaya sya ni aling nena sa boarding house nito ang isang dalagang-inang kagaya nya?

Gusto nyang mailing.

Kay bigat naman ng kabayaran sa isang gabing katiparan ng kanyang pantasya. Kailanman hindi sumagi sa kanya noong pinapantasya pa nya si gab.

Walang hassle

Walang problema

Puro maliligayang sandali

Iba pala sa tunay na buhay, naisip niya.






-------

Una niya hinarap ang problema sa ina.

Bago tuluyang lumaki ang tiyan nya, umawi siya sa kanila at kinausap nang masinsinan si aling lucy.

Baka matagalan akong hindi makauwi dito sa atin inay," sabi nya sa mababang tinig.

"Sanay naman kaming hindi ka lagi umuuwi at nagpapadala lang ng panggastos, a." Nakangiting sabi ni aling lucy.

"Hindi na ho trabaho ang dahilan kung bakit hindi ako makauuwi dito ng matagal nay."

Maang na napatitig sa kanya ang kausap. Nawala ang pagkakangiti nito.

"Ayoko hong mapahiya kayo sa mga taga rito"

Tinitigan nya nang parang nagmamakaawa ang ina. Nagmakaawang unawain sya sa kanyang ipagtatapat.

"Linawin mo ang sinasabi mo, alyza."

"N-nadisgrasya ho ako."

"Nadisgrasya paano?" Nababahalang tanong ng matanda.

"N-ng lalaki. Buntis ho ako ngayon."

Napaawang ang labi ni aling lucy sa pagkabigla.

"Patawarin ho ninyo ako" napayuko sya dahil nag iinit na ang sulok ng mata nya.

"S-sinong nakadisgrasya saiyo? Diyos ko, sinasabi ko na nga bat hindi ako kumporme sa pagma-maynila mo, e. Hindi bale na sanang lagi tayong walang pera rito pero wala tayong problema."

Lalo siya yumuko. Inihanda na nya ang sarili na huwag sumagot sa ano mang magiging galit ng ina.

"Sinong naka disgrasya sayo? Wala naman akong alam na boyfriend mo."

Tiningnan nya ang ina. "Patawarin nyo rin ako kung hindi ko sabihin kung sino. Masyadong personal at akin na lamang iyon."

"May asawa ba sya?" Parang galit na tanong ni aling lucy.

Umiling siya.

"Kung ganoon e bakit hindi ka maghabol"

Umiling siya.

"Ina mo ako, alyza. Kung ano man ang problema, sabihin mo saakin. Pagtulungan natin."

Lalo siyang napailing.

Hindi sya pinilit ng ina na magtapat.
Sa huli, parang sumuko na din ito.

"Anong balak mo?" Matigas na tonong tanong nito.

"Isisilang ko ho ang bata. Palalakihin. Itatago ko sa mga kapitbahay natin".

"Mababalita rin dito ang nangyare saiyo."

Alam nya iyon. Pero pinapahaba lamang nya ang panahong malilihim ang sekreto nya. Kung maaari namang bukas sya mapahiya ay bakit gagawin pa nya ngayon...

"Kayo na hong bahalang magsabi sa mga kapatid ko," siya ang panganay sa limang magkakapatid. Ang bunso nila ay magsasampung taon pa lamang. Pitong taon iyon ng namatay sa road mishap ang kanilang ama.

Wala pa syang halos bente non.

Mag aapat na taon na sya ang tumatayong padre de pamilya sa kanilà. Tinutulungan nya ang kanyang ina sa pagbebenta ng mga kakanin sa kanilang lugar.

"Paano'ng trabaho mo?" Tanong muli ni aling lucy.

"Palagay ko'y maiintindihan ako ni Anastacia, nay. Baka i retain pa rin nya ako sa show pagka . . . Panganak ko."

Maging sa kanyang pandinig ay asiwa ang dating ng salitang iyon kaya hindi sya tumingin sa ina para makita ang epekto niyon sa anyo nito.

"Sa ngayon ho, mag iipon ako ng todo para kahit nakapahinga ako ay may magastos ako."

" sa dati ka parin titira?"

"Kung papayag ho si aling nena. Kakausapin ko rin sya  palagay ko, papayag yon."

"Sino mag aalaga sa . . . Magiging baby mo?"

"Baka ho kumuha ako ng maid. Bahala na. Tutal ay mas madalas naman ako sa bahay kaysa sa trabaho."

"Mahirap yong ibang tao ang titingin sa . . . Apo ko. Ang mabuti pa, sa susunod na pasukan ay papaluwasin ko na si karel. Don nalang sya magpapatuloy ng highschool. Mahirap yung iba ang mag aalaga sa pamangkin nya."

Para naring sinabi ng ina na ibinibigay na nito sa kanya ang blessing sa sitwasyon nya.

Kay dali talagang mapatawad ng isang ina., naisip nya.

Hindi nya napigil ang sarili, napayakap sya kay aling lucy.

"S-sorry ho," umiiyak na sabi nya.




Twisted Fate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon