Sinimulan na niyang kainin ang soup nang makitang nakapaglagay na rin sa bown si gab.
"Kanina pa tayo magkasama e ni hindi ko pa nga pala alam ang pangalan mo," sabi ni gab habang sinisimulan na rin ang soup nito
"Juliet" sabi nyang bigla naisip ang pangalang iyon dahil sa isinulat na pangalan ni gab kanina sa logbook.
"Wow, ha?" Natawang sabi ni gab. "Tamang tama. Ako si romeo at ikaw si juliet. Parang plinano ang pagkakaugma,. a. Kumbaga sa isang show e scripted."
"Hindi rin naman ang tunay na pangalan ang ibinigay mo sa boy kanina ah."
"Pangalan iyon ng isang tiyuhin ko. 'Yon ang bigla ko naisip e."
"Dahil ayaw mong malaman ng press na nag check in ka rito nang may kasamang babae?"
"Kung kasing ganda mo naman, bakit ko itatago? Anyway, what's in a name nga ba? Kung ayaw mo sabihin ang tunay mong pangalan mo, ok lang, I'll just call you juliet."
Tinapos na nila ang pagkain at tinawagan uli ni gab ang kitchen para ipakuha ang mga pinagkainan nila.
Ang pinaiwan nalang nito ay bote ng beer at dalawang baso na may yelo at ang boteng may label na bartles and raymes.
Parang softdrink iyon sa tingin nya pero ang takip naman ay parang alak.
"Sa iyo to"iniabot ni gab ang baso at nilagyan ng wine ang baso nya.
"Ano yan?" Tanong niya
"Konting pampainit lang. Malamig kasi'ng panahon, e."
"Hindi ako umiinom kung hindi rin lamang may sosyalan"
"Hindi naman talaga alak ito e. Tikman mo parang softdrink lang. Para mamatay ang lamig sa katawan mo."
Tinanggap nya iyon. Kaunti lang ang ginawa nyang pagtikim sa alak. Matamis nga gaya ng sabi ni gab. Pero may pakla rin na gaya ng mga alak na pambabae.
Nagsalin naman si gab ng beer sa baso nito at nagsimula na ring uminom.
"Umagahin kaya ang ulang ito?" Sabi nito ng makadako ang tingin sa pinto.
Walang bintana ang silid pero dinig nila sa bubong ang pagbagsak ng ulan.
"Sabagay ay mas masarap matulog kapag ganito panahon," sabi uli ni gab
Binilisan nyang ubusin ang laman ng baso at tumayo na sya
"Hey, may laman pa itong bote," sabi ni gab
"Ayoko na," tanggi nya
Noon lamang nya natikman ang alak nayon. Hindi sya nakatitiyak na hindi iyon aakyat sa ulo nya kahit na nga matamis lamang ang pakilasa nya roon sa una. Tinungo nya ang kama at kinuha ang isang kumot, inilatag nya iyon sa sahig na malayo sa kama at malapit sa dingding.
"What are you doing?" Maang na tanong ni gab na napatayo.
"Naglalatag ng higaan ko"
"Diyan ka matutulog?"
"Nakakahiya naman kung ikaw pa rito"
"Maluwag naman ang kama"
Tiningnan nya ng matalim si gab na para bang sinasabi nyang "forget it"
Sumama ang mukha ni gab pagkuway lumapit at pabiglang hinila sa kanya ang kumot.
"I got it" parang inis na sabi nito. "Alam ko na ang naiisip mo. At alangan namang patulugin kita dyan, ako na riyan."
Hindi nya inaasahang gagawin yon ni gab para lamang sa isang karaniwang babae na kagaya nya. Ang alam nya sa isang celebrity na gaya nito, puro pansariling kapakanan na ang inuuna.
Kinuha nya ang isang unan at iniabot kay gab.
"Didn't it ever occur to you na kahit hindi tayo magkatabi sa kama at gusto kong gumawa ng kalokohan ay maaari?"
"Pwede pero sinisiguro kong pahihirapan kita. Hindi birong eskandalo ang mangyayare."
Hindi nagbabanta ang tono nya. Ang anyo nya ang nagbabanta
Nakipagtitigan ng pagalit si gab pero una rin namang nagbaba ng tingin at parang inis na ibinagsak ang sarili sa ginawang higaan sa lapag.
"Goodnight," sabi nya nang patalikod na.
Wala syang narinig na sagot buhat kay gab.
Hindi nya balak matulog pero hindi nya namalayang inaantok sya.Palagay niya ay maghahating gabi nang maramdaman nya ang paghalik-halik ng kung sino sa kanyang leeg.
To be continued....
BINABASA MO ANG
Twisted Fate
RomanceAlyza Garcia is a strong independent woman na nagwowork bilang make up artist sa kilalang artista na si anastacia doren. Tahimik ang kanyang buhay ng bigla nya makilala ang isang lalaking na magpapabago sa buhay nya. Abangan...