Chapter XII

2 0 0
                                    

Isang malaking hiwaga sa mga kasamahan nya sa trabaho kung sino talaga ang ama ng dinadala nya.

Pero kahit pinakapilit siya ng mga iyon na umamin ay hindi sya nagtapat.

Kahit nga kay anastacia na minsan ay masinsinang kumausap sa kanya.

"Hindi ko sasabihin kahit kanino," pangako nito sa kanya. "Talaga lang hindi ako patulugin ng puzzle mo."

Kung mabubulgar ang tungkol sa kanila ni gab, hahayaan nya na ang panahon na ang magsabi na iyon.

Parang tinigilan na din ni anastacia ang pagtatanong. "Lalo tuloy akong naintriga,e. Naiisip ko tuloy, importanteng tao ang iniingatan mo ang pangalan kaya ayaw mong magsalita."

Muntik na syang mamutla sa narinig. Hindi nya akalaing maging napakatalino ni anastacia para matumbok ang totoo.

"De bale, bahala ka. Basta kapag gusto mo na magsalita e handa akong makinig. Saka, ilabas mo lang iyan at balik ka na agad dito." Tumingin ito sa tiyan nya na magpipitong buwan na. "Hindi ko makakasundo kahit sinong pumalit sayo. Masyado na akong nasanay sa pag me-make up mo para humanap pa ng iba."

"Salamat, anastacia. I mean, salamat sa payag ka paring manilbihan sayo ang isang disgrasyadang katulad ko."

"Sus, hindi na bago yan sa showbiz. E ako . . . Hiwalay naman sa asawa at me isang anak. Basta, balik ka agad. Saka, habang naka leave ka, tatanggapnka parin ng bayad. Idagdag mo sa gastusin para sa baby mo."

Kung hindi lamang sya nahihiya, nayakap na rin nya ang kaharap gaya noong natouched sya sa gesture ng ina na pagpapadala sa kapatid nya sa manila para maalalayan sya ngayong mas kailangan nito sa pagtitinda si karel.

"Lilipat ka ng tirahan?" Gustong malaman ni anastacia.

"Hindi. Kinausap ko na ang kasera ko. Naiintindihan nya ako. Sabi pa nga niya, pamilya raw kami. Hindi niya ako magagawang tiisin sa harap ng problema."

"Okay, a"

"Mabait si aling nena."

"Siguro naging magaling ka rin sa pakikisama. O, e, sino ang titingin sa baby mo kapag nagtatrabaho ka?"

"Ang kapatid kong sumunod sa akin. Sixteen years old yon. Naroon na nga sa boarding house."

"Okay na naman pala e. Basta kung magkaproblema ka, tawagan mo lang ako ok?"

Parang nais mahirinang tumango siya. Hindi nya akalaing magiging ganito ka-concerned sa kanya ang amo.

Sa isip ay sinabi niyang paglilingkuran niya ito talaga hanggang gusto nito ang service niya.












Kabuwanan na nya nang patigilin na siya ni anastacia sa pagpunta-punta ng taping.

Ang suweldo daw nya ay ipadadala na lamang kay ken. Linggo linggo.

Halos inuokupa nang lahat ng kapatid nyang si karel ang mga dating gawain nya sa bahay. Ito na ang naglalaba at namamalantsa ng mga damit nila. Kasabay niyon, nagsimula na itong pumasok sa school para tapusin ang huling taon sa highschool. Noong isang buwan ay tinulungan niya itobg mag ayos bg mga kakailanganin para ma-transfer. Napakiusapan nila ang eskwelahang lilipatan ni karel para tanggapin ang kapatid nya kahit  graduating na ito.

Mula alas syete ng umaga hanggang alas dose ng tanghali ang pasok ni karel. Mabuti na lamang at hindi na nila problema ang pamimili at paghahanda ng pagkain. Dalawa silang naging boarder ni aling nena. Dinagdagan na lamang nya ang dating binabayaran sa kasera.

Wala naman siyang narinig na parungit o masasamang salita buhat sa mga kasamahan sa bahay mula nang malantad ang kalagayan niya. Marahil ay kinausap na ng mga ito ni aling nena. Para pangang sabik ang mga kasamahan niya na mapanganak ang bata at magkaroon ng baby sa bahay na yon.

Pati naman si aling nena ay excited na excited. Magkakaapo na rin ito diumano sa wakas. Apong maaalagaan nito at hindi malayo na gaya ng mga tunay nitong apo.

"Naunahan mo pa kami," minsan na sabi ni alex nang magkatyempuhan sila sa salas. Papasok ito sa opisina at hatid ng asawa na si cyrah .

"Oo nga, e." Sabi nya

Hindi naman tonong nangiinsulto ang lalaki. Nakangiti pa nga parang naiinggit talaga sa kanya.

"Mahina kasi ito, e." Nagbibiro na sabi ni cyrah na tiningala ang asawa at kinurot sa tagiliran.

"Sino'ng mahina, oy? Pinandidilatan ang asawang sabi ni alex.

"Ikaw. Pag hindi pa talaga tayo nagkaanak next year babalik na ako sa trabaho."

"Hindi pwede ba. Kung gusto mo, maki baby ka na lang kay alyza."

Parehong nagtaka ang dalawang babae

"Sa iyo mo paiwan ang baby niya kapag kailangan niyang umalis at wala si karel."

"Oo nga no?, nagliliwanag na mukha sabi ni cyrah na nagustuhan ang ideyang iyon. "Pwede ba alyza?" Baling nito sa kanya.

"Mahihirapan ka non."

"Hindi bale  malilibang naman ako. Gustong gusto ko na talagang magka baby."

"Ikaw . . . " parang nahihiyang sabi niya

"Me isa nalang problema" sabi ni alex.

"Ano?" Tanong ni cyrah sa asawa.

Kung makukuha mo kay aling nena yung baby. Tingin ko'y atat na atat ding mag alaga ng bata iyon e.

Nagkatawanan sila.

Alam ni alyza na totoo ang sinabi ni alex. Hindi naman pala magiging lubusang kawawa ang anak ko- na isip nya hindi pa man napapanganak ay marami nang gustong magmahal dito.

Twisted Fate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon