Biglang naiba ang buhay niya mula nang magka anak sya.
Kung wala rin lamang trabaho ay mas gusto pa niyang namamalagi sa bahay at inaalagaan si gabbie.
Habang lumalaki ito ay lalo siyang naloloko dito. Minsan nga ay nagtatampo na ang mga kasamahan kung hindi sya sumasama sa mga ito sa lakaran. Mas gusto pa nyang manahimik sa bahay at kahit maghapon niyang ipaghele ang kanyang anak ay hindi sya nababagot.
Natatawa nga ang mga kasamahan niya sa bahay nang minsang mahuling tinuturuan niya ang bata na bigkasin ang "mommy".
"Hindi pa pwedeng magsalita yan," natatawang sabi ni cyrah.
Buhat ng ipinanganak niya si gabbie ay naging mas malapit sila sa isa't isa ni cyrah. Dahil na din siguro magkumare sila at madalas ito ang nag aalaga kay gabbie tuwing nasa school si karel at nasa trabaho sya.
Madalas din nyang naiisip si gab pero pag ala-ala na hindi sya bitter. Lihim pa nga sya nagpapasalamat sa lalaki. Kung hindi dahil sa nangyare sa kanila, wala sana syang anghel ngayon sa buhay niya.
Isang gabi ipinaghehele nya si gabbie ay napanood nyang guest sa isang tv program si gab.
Natigilan siya at saglit na natutok ang tingin sa tv screen. May pangungulilang pumuno sa puso niya sa pagkakatingin sa kabuuan ni Gab.
Parang nanariwa sa isip niya yung gabi magsawa sya sa pagyakap ng matitipunong bisig na iyon, nang gabing magkatotoo ang kanyang pantasya at mabuo si gabbie.
"Siya ang daddy mo, anak, sabi niya sa isip nang malungkot na halikan sa pisngi ang kargang sanggol.
Siya ang daddy mo pero hindi na siguro kayo magkakakilala
"Alam na sa atin na may anak ka na," pagbabalita ng inay niya ng huling lumuwas ito sa Maynila.
"Paano mo nalaman?" Tanong niya
"Ewan ko. Parang may nakakita ata sayo na kasama mo si gabbie, galing daw kayo sa pagpapadoktor. Siyempre naisip agad na anak mo ang bata. Kaya pala nitong mga huling araw e may nagtatanungan sa akin kung nag asawa ka na. Hindi ko naman alam na may nabisto na sila kaya sinabi kong wala. Namalayan ko na lang na balita sa atin ang pagkakaron mo ng anak sa pagkadalaga."
"Pasensya na ho kayo, Nay. Pati kayo nadadamay ngayon sa eskandalo"
"Hindi ko naman pinagpapansin ang mga tsismosa sa atin. Karaniwan pa nga sa kanila ay may mas mabaho pang lihim na itinatago kaya naghahanap ng sama sa kapwa. Lalo na iyong si aling toyang na ang anak e nag prostitute yata sa Japan.
Napangiti siya ng makitang parang galit ang ina. Hindi totoong hindi to apektado sa nangyari. Itinatago lamang sa kanya ang damdamin para hindi sya maguilty.
"Asana na ba ang apo ko, ha?" Tanong ni aling lucy na iginala ang tingin sa kabahayan. "Sabik na sabik na ako mahalikan ang apo ko."
Alam niya, napapadalas ang luwas ng ina dahil kay gabbie. "Pinapainitan ho yata ni karel sa labas," sabi niya.
"Aba'y tama na kamo at baka naman makasama sa bata pasado alas otso na."
Hindi na lamang niya sinasabing hanggang 9 ng umaga ang safe na pagpapaarae. Nagpaalam siya sa ina na tatawagin si karel.
"Dumating na ang big break mo, alyza," masayang pagkukwento sa kanya ni anastacia minsang minemake up-an niya ito sa set.
"Anong big break?" Takang tanong niya
"May isang bagong producer na nagcontact sa akin. Gagawin akong leading lady sa ipoproduce niyang movie. Bale dalawa kaming leading ladies, mamamatay lang yung una. Dinig ko ay si Vivianne Contis ang tumanggap ng role na iyon."
Bahagya siyang napasimangot nang marinig ang pangalan ng nasabing artista. Hindi pa niya ito nakakatagpo ngunit bali-balita na suplada iyon at mataray. Kahit naman sa mga pelikula o programa sa tv ay parang ganoon ang assessment niya kay Vivianne kahit magpakita ito ng sweetness.
"Anong connection ko roon?" Tanong niya
"Malaki. Dahil ikaw ang hiniling ko na maging official make-up artist sa nasabing production."
Natigilan siya sa aktong paglalagay ng rouge sa pisngi ni anastacia.
"T-totoo?
"Oo."
"At . . . P-pumayag 'yong producer?
"Hindi pa final pero okay na. Ang sabi'y may option daw siyang alisin ka at palitan kapag hindi nya nagustuhan ang service mo. Sabi ko oo. Pero alam ko naman ang kakayahan mo kaya alam ko rin na hindi mo ako ipapahiya."
Hindi nya malaman kung paano pasasalamatan si anastacia. Ngayon lang siya magkakaroon ng break sa pelikula.
Matagal na niyang hinihintay ang ganitong pagkakataon sa pag asang kapag nasimulan niya ang pagseserbisyo sa mga artista ng pelikula ay maging word of mouth siya at marami ng kumuha sa kanya. Mangangahulugan iyon ng mas malaking income na kailangang kailangan nya.
Hindi pa man ay nagsi-save na siya para sa pag aaral ni gabbie. Bilang single parent ay takot siyang hindi ito mabigyan ng mabuting kinabukasan kaya ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na niya iyon.
"Thanks, anastacia," simpleng sabi na lamang nya
"Okay lang what are kumares for?"
Hindi naman sila nagtatawagang kumare ni anastacia kahit na magkumare na sila. Parang mas nakasanayan na nila ang dating tawagan.
"Ano nga pala ang pangalan ng bagong producer na sinasabi mo?" Tanong nya
"Hindi ko pwedeng sabihin sa ngayon. Confidential pa dahil ayaw niyang i out agad. Baka raw mabulilyaso pa. Nasa point pa lang sila ng bilihan nong librong isasapelikula niya."
"Galing sa libro ang story?"
"Oo. "Benedict" ang pamagat. Romance novel yata iyong na may matinding social message.
Hindi na lamang siya nagpilit alamin kung sino ang tinutukoy na producer ni anastacia. Sapat na sa kanya na maging bahagi siya ng diumano'y malaking produksyon niyon.
"Tutulong din siyang mag direct ng nasabing pelikula," sabi ni anastacia
"Marunong siya?"
"Iyon ang gusto niyang patunayan. Basta, kapag na-finalize na ang bilihan nila n'ong Benedict e isasama kita kapag nag story conference kami."
"Sige," sabi niya. "Tawagan mo lang ako."
BINABASA MO ANG
Twisted Fate
RomanceAlyza Garcia is a strong independent woman na nagwowork bilang make up artist sa kilalang artista na si anastacia doren. Tahimik ang kanyang buhay ng bigla nya makilala ang isang lalaking na magpapabago sa buhay nya. Abangan...