Hindi naman pala kailangan i-on natin ang aircon e," anito
Ang ceiling fan na nalang ang paaandarin nito. May pinindot ito sa ulunan ng kama at gumana ang ceiling fan.
"Huu," sabi ni gab na parang noon lamang napansin ang basang kasuotan
"Mat dala akong pang-itaas dito sa maleta. Maluwag yon. kung gusto mo, ipalit mo muna dyan sa suot mo."
Mahaba ba?
Bakit?
May kislap ng panunudyong naglaro sa mga mata ni gab. "Para matakpan ang pang-ibaba ko. Siyempre'y maghuhubad din ako ng pantalon at iba pa. Tumutulo ang mga suot ko, o." Itinuro nito ang ibaba ng tinatayuan.
Nababasa nga iyon ng tubig
"May dala rin akong pang ibaba na maluwang. Para namang unisex yun. Baka lamang hindi magkasya sa bewang mo yun"
"That's for sure," anitong itinutok sa beywang nya ang tingin.
Nakadama sya ng pagka ilang.
"Tingin ko'y twenty-five lamang ang sukat ng bewang mo."
"Twenty-six"
Napatango si gab. " ako ay thirty. Hindi bale, hindi ko nalang isasara."
Tama, naisip nya. Ang importante lamang naman ay hindi sila maaasiwa na walang "tapalodo" si gab
"What's so funny?" Maang na tanong ni gab
"Wala ... wala," agad na sagot nya.
"Mauna ka na sa banyo," sabi ni ace ng abutin ang mga damit.
Nagtungo siya sa banyo dala ang mga bagong isusuot.
Tiniyak niyang na ilock niya iyon bago naghubad ng mga basang suot.
May warm water na lumabas sa gripo ng buksan nya kaya nagtuloy na syang naligo. Natatandaan nyang kasabihan ng matatanda sa kanila na magkakasakit ang isang tao kung hindi itutuloy sa paliligo ang pagkabasa sa ulan.
Dalawa ang tuwalyang nakita nyang nakasabit sa rock kaya ginamit nya yung isa.
Kahit nakapagpasiya na sya, parang gusto pa rin nya ngayong manliit na narito sya sa lodge at mat kasamang lalaking hindi nya ganon kakilala..
Pag labas nya ay nakahain na sa mesa ang mga inoorder ni gab. Hindi gaya ng mesa sa labas ang mesa sa loob. Para iyong kainan talaga. May dalawang upuan na matataas ang sandalan. Bukod sa pagkain dalawa ang napansin nya. Ang una nakasara ang pinto, pangalawa ay hinubad na ni gab ang polong suot nito kanina. Pantalon na lang ang suot nito ang mga damit na ibinigay nya sa lalaki ay nakasampay sa balikat nato.
Saglit na pinag aralan ni gab at ayos nya bago sinabing "kumain ka na kung gusto mo. Maliligo na muna ako"
Gusto nyang lihim na mapangiti ng makitang parang sumimangot ang lalake. Hindi marahil nagustuhan ang suot nya. Naka sweater sya na may mahabang manggas at turtle-necjed tinernuhan nya ng pantalon na mahigpit. Kung magkakagipitan, mahihirapan si gab na hubaran sya.
Muli gusto nyang mamula sa naisip. Bakit puro sexual harassment ang naiisip mo? Sabi nya sa sarili.
"Sabay na tayo," sabi nya na lumapit sa harapan ng tokador para magsuklay
"Sige. Saglit lang ako." Nagtungo na si gab sa banyo.
Hindi na nya binalik sa bag ang brush na ginamit para may magamit si gab pagkalabas ng banyo. Nakaupo sya sa gilid ng kama habang nag aantay sa lalaki.
Kung ang kama ang gagamitin ni gab, sa sahig na lamang sya matutulog. Tutal may dalawang kumot sa ibabaw ng unan at dalawa ang unan. Gagawin na lamang nyang sapin ang isang kumot para hindi sya masyado malamigan sa sahig. Pero alam naman nyang hindi sya makakatulog. Papakiramdaman nya lang si gab magdamag.
Napansin nyang may tv sa paanan ng kama. Naisip nya na pag nakatulog na si gab manonood nalang sya hanggang umaga tutal mag 24 hrs ang operation. Hihinaan na lamang nya ang sound para hindi magising ang lalaki.
Wala sa sariling napatingin sya sa dingding ng banyo. Parang frosty glass iyon. Hindi malinaw na nakikita ang nasa loob pero aninag ang porma nayon.
At naaaninag nya ang porma ni gab. Tiyak nyang nakahubad si gab habang nakaharap sa shower. May masarap na pakiramdam na nakikita nya ang private moment ni gab.
"Kain na tayo" biglang sabi ni gab na nagpabalik sa reyalidad nya. Hindi nya napansin na nakalabas na pala ito.
Hinila nya ang isang silya para makaupo sya at yung isa pa na para sa kanya. Natouche sya ng unahin lagyab ni gab ng mushroom soup yung bowl nya.
"Thanks" mahinang sabi nya
BINABASA MO ANG
Twisted Fate
RomanceAlyza Garcia is a strong independent woman na nagwowork bilang make up artist sa kilalang artista na si anastacia doren. Tahimik ang kanyang buhay ng bigla nya makilala ang isang lalaking na magpapabago sa buhay nya. Abangan...