Everything goes wonderfully wrong.
-BLARE VILLACORTA-
Nahihilo man, ngunit pinilit ko pa ding makabangon. Nalilito akong napatingin sa paligid, at nakitang nasa ospital na naman ako.
"Kumusta na po ang pakiramdam niyo Ma'am?" Tanong sa'kin nung babaeng nurse na biglang pumasok.
"M-Medyo n-nahihilo na lang po ako" I answered, while forcing myself to remember what happened earlier.
"Pwede na po kayong madischarge mamaya. Dala po kasi ng sobrang stress kaya't nag-collapsed kayo. Anyways, bayad na nga po pala ang hospital bill niyo kaya wala na kayong dapat alalahanin"
I sighed. "Si Mama talaga, hindi man lang ako hinintay magising" I said in a low tone, after I heard her.
"Po?" Tila naguguluhan namang saad nitong nurse. Bahagya pa siyang napatigil sa kaniyang paglilista ng kung ano, kung kaya't medyo napakunot ang aking noo.
"Ah? Naalala ko lang po si Mama. Siguro po busy siya kaya hindi na niya ako nagawang bantayan pa dito, pagkatapos niyang bayaran ang bill" I responded, which causes the nurse to stare at me like my words are unbelievable.
"Mama niyo po Ma'am?" Okay. Maganda 'tong nurse na kaharap ko, pero bakit parang naguguluhan na naman siya?
"O-Opo. S-Si Arabella Zamora po" And then, I felt a sudden chill. Why do I feel something weird?
"Teka, hindi po Ma'am. Lalaki po ang nagdala sa inyo dito. Saka, siya po yung nagbayad ng bill. Hindi nga lang po yun nakapag-sign sa logbook namin dahil umalis na rin siya pagkatapos niyang magbayad. Wala tuloy pagkakakilanlan yung lalaking 'yon. Masiyado kasi siyang nagmamadali kanina e. Naiwan niya din po yung hospital receipt kaya inilagay ko na lang 'yon dito sa ilalim ng bag niyo" Paliwanag nitong nurse, kaya't umandar na naman ang kaba sa aking sistema.
Memories from what happened earlier, started to rush on my mind. Mula sa pagtayo ko sa gitna ng kalsada, hanggang sa may humila na lamang sa'kin bigla.
That guy. It was him. He even scolded me, thinking that I will end my life on the road!
"Ma'am? Ayos lang po kayo?" I didn't mind the nurse's question, instead I ask her back.
"A-Anong i-itsura nung lalaking nagdala sa'kin dito?" Nanginginig at nanlalamig kong pagtatanong.
"Oh My God! Gwapo siya Ma'am! Crush ko nga po siya e. Boyfriend niyo po ba 'yon?" The nurse stated, which causes me to roll my eyes.
"C-Can y-you please clearly define his physical features?" I pleaded.
"Ay sorry po! Pero ano po, ano ba? Ano, matangos ang ilong niya e. Saka, medyo malalim po yung singkit niyang mga mata. Ewan ko ba Ma'am. Basta gwapo nga po!" Lalo akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi nitong nurse, kaya dali-dali kong inabot ang aking bag na nasa isang gilid lamang.
I grab my phone and started to explore it's gallery. I was scrolling like a shit, until I saw Nathan's photo.
Agad ko itong ipinakita dito sa nurse, dahilan upang mabilis siyang mapatili, na animo'y kinikilig pa sa kaniyang nakita.
"S-Siya b-ba ang nagdala sa'kin dito?" Nauutal kong tanong, habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng kung anu-anong mga bagay sa aking isip.
"Opo! Siya nga po!" Bigla akong nanlambot, matapos kong marinig ang naisagot nitong nurse. Damn it.
***
Fuck. Imposibleng multo 'yon! The nurse also saw that guy! He even brought me to the hospital! It wasn't a ghost or my hallucination! He's a real person!