Fly the coop: Leads to unpleasant events.
-BLARE VILLACORTA-
Days had been passed, and all of a sudden? I just realized that I'm already inside of the bus right now, heading to Palawan for the mandatory retreat.
"Blare, okay ka lang?" In the middle of my thoughts, Stacy asked me so I just nodded. Magkatabi ulit kaming dalawa kaya naman ibinaling ko na lang ang paningin ko sa bintana ng bus.
To be honest, I'm still scared. After the shitty incident that happened to me on the Foundation Day? I feel that there is something wrong again. And yes, I'm paranoid as hell.
Naguguluhan pa rin talaga ako. Ni hindi ko nga nagawang ipaalam sa pamilya at mga kaibigan ko yung nangyari sa'kin noong gabing 'yon eh. It's just that, ayoko na kasing madagdagan pa ang mga iniisip nila.
But despite of that, I still can't forget those damn things that happened in my life. No matter what I do, I feel that I can't bring back myself anymore. And for shit's sake? I really hate it.
"Ace dito!" Out of the blue, I suddenly heard Darrel's voice so I quickly turned my attention towards them.
Nasa bandang unahan ng bus si Darrel kaya naman kitang-kita ko ang ginagawa niyang pagkaway sa kadarating lamang na si Ace.
Damn it. I closed my eyes out of frustration. For me, Ace is a good person. But despite of that? It's still hard for me. Seeing his face is like stabbing me, multiple times. Whenever I saw him? Grief is always hitting my heart.
"You want?" All of a sudden, Stacy offers me a bunch of potato chips. And too bad, I refused to take some of it. I don't know, pero pakiramdam ko wala na talaga akong gana sa lahat.
"If you want to sleep, my beautiful shoulder is just beside you Blare" Stacy added, so without hesitations, I quickly lean on her shoulder. I want to sleep.
***
"Blare wake up" Tamad kong naimulat ang aking mga mata, matapos kong marinig ang mahinang boses ni Stacy.
"We're already here" She announced, which causes me to look around.
Hapon na kaya naman dali-dali kong isinuot ang aking baon na jacket, kasabay ng pagsasalita ni Professor Valliente. He instruct us to get out of the bus, so we immediately followed his order.
Matapos ang ilang minuto ay namalayan ko na lamang na nasa loob na kami ng isang mansion. Nandito na rin ang mga estudyante mula sa dalawa pang schools na kasali rin sa retreat.
"Alright we're already completed! Anyway, I'm Grenz Martinez, the facilitator of this mandatory retreat. Oh? And by the way my dear students, pwede bang pumila kayo according to your school?" A man welcomed us in a bubbly tone, so all of us formed a straight line. Since tatlong schools ang kasali dito sa retreat, tatlong linya rin ang nabuo naming lahat.
I quickly look around and I can't help but to raised my left eyebrow. Kami palang mga estudyante ng Lissome University ang pinakamarami. Yung dalawa kasing linya ay tig-lima lang ang mga estudyanteng nakapila.
"Woah? Ang dami pala ng mga taga-Lissome. Ah? Anyway, ang first activity natin ay magaganap mamaya. Siguro after dinner, mga eight pm ganon. Tapos kung gusto niyo munang magpahinga ngayon, you can go to your respective rooms naman. Tanungin niyo nalang ang mga Professors na kasama niyo pagpunta dito. Sila kasi ang nagmeeting tungkol sa mga kwarto niyo eh. So, ayon lang. I think, I made it clear" I harshly closed my eyes as Mr. Grenz finished his words. Bakit parang pakiramdam ko ay magkakasakit na naman ako? Damn it.