Mad as a hatter.
-BLARE VILLACORTA-
"In my state, I'm willing to do everything just to get what I want"
Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Stacy, hanggang sa may bigla akong maalala na mga pangyayari.
Mga pangyayari na sana pala ay binigyang-pansin o pinaniwalaan ko noon.
It was a typical afternoon back then, when I was still a first year college student. Tapos na ang klase kaya masaya akong lumabas sa classroom namin.
Hahanapin ko na sana sila Stacy at Ayesha, dahil nautusan silang maglinis ng buong araw sa library. Ang kaso, hindi ko na rin naman 'yon nagawa.
While I was walking in the hallway, Ayesha suddenly called my name.
"Blare" Agad akong napalingon sa likuran ko, bago ako tuluyang tumigil sa paglalakad.
Balak ko pa sanang batiin pabalik si Ayesha, ngunit bigla niya na lang akong hinila sa isang gilid.
"Hey, is there any problem?" I quickly asked her as my eyebrows furrowed. Palingon-lingon kasi siya sa paligid, na para bang takot na takot siyang may makakita sa'ming dalawa.
"Ayesha what's wrong?" Tanong ko ulit, dahilan para mapatingin na siya sa'kin.
Nakita kong napalunok pa siya bago niya tuluyang kinuha ang isang bagay sa kaniyang bag. And after that, she handed it to me.
And ah? Okay. It was a developed pictures of Nathan. Dalawang piraso iyon, kaya nalilito akong napalingon kay Ayesha.
"A-Ano, Anong gagawin ko dito?" I asked her in a confused tone.
"Blare, listen to me. Nalaglag sa binder ni Stacy ang mga pictures na 'yan! Earlier, before she left the library" Lalong napakunot ang noo ko dahil sa mga sinabi ni Ayesha. So, what's with it?
"Ayesha, will you please get straight to the point? Hindi ko kasi alam kung ano ba talaga ang gusto mong sabihin" I awkwardly stated, which causes Ayesha to bit her lower lip.
"Huy" Tinapik ko pa siya kasi parang naghahanap siya ng tamang sasabihin. I don't know, but it bothers me.
"I-I think, Stacy is stalking Nathan" And then, she formulated some words so I immediately frowned.
"Okay, will you stop this nonsense Ayesha?" I can't help but to sound irritated. Bakit parang sinisiraan niya yung bestfriend ko?
"Blare, hindi sa gusto kong sirain ang friendship nating lahat. Especially, you and Stacy. But, I really find it weird. Bakit siya may stolen pictures ni Nathan? Tapos developed pa?"
"Look, ayokong magtalo tayo at masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa mga litratong 'to. It doesn't make sense Ayesha. Magkakabarkada naman tayong lahat, kaya pwedeng tigilan mo ang pag-iisip ng kung anu-ano?" Hindi ko na talaga mapigilang mapairap dahil sa mga sinasabi ni Ayesha.
Balak pa sana niyang magsalita kaso bigla na lang sumulpot sila Wendy, Kean, Sharen at Drake. Dahil tuloy sa pagkataranta ay dali-dali kong naitago sa bulsa ko yung mga pictures.
"Hoy, nandiyan pala kayong dalawa. Tara sabay-sabay na tayong umuwi" Sharen stated, but Ayesha refused to her offer.
"K-Kayo n-na l-lang. M-May dadaanan pa kasi ako eh" I bit my lower lip before Ayesha walked away. Bakit ba kasi ganon siya mag-isip?