Letters out of nowhere.
-THIRD PERSON'S POINT OF VIEW-
"Anak may sulat para sayo" Bungad ni Dana, ang ina ni Dave.
"A letter? For me? Kanino daw po galing?" Hindi naman maiwasang magtanong ng binata, sapagkat kauuwi lamang niya mula sa event ng eskuwelahan.
"Walang nakalagay eh. But you should read it. Baka nasa loob ang pangalan nung sender" Tugon pa ni Dana, bago siya tuluyang umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Dahil doon ay kibit-balikat na binuksan ni Dave ang puting envelope na iniabot ng kaniyang ina, kung kaya't ganon na lang ang pagkagulat niya matapos mabasa ang mensaheng kalakip niyon.
Every end is a new beginning.
Take care of yourselves because all of you needs to be strong.
Especially when I start to ruin again your shitty lives.Sincerely yours,
Death"What the fuck?!" Ang tanging nasambit ni Dave, kasabay ng muling pag-atake ng kaba sa kaniyang buong sistema.
***
Ang maingay na classroom ay bigla na lamang kinain ng katahimikan, matapos pumasok dito ng gurong si Renze Valliente. Sinipat niya muna ang kabuuan ng lugar, bago siya tuluyang nagsalita.
"Goodmorning. So, I have an announcement. Well, kanina kasi ay kinausap ako ni Mr. Vincent Sanchez. Ah? Kilala niyo naman siguro siya, dahil simula grade seven pa lang yata kayo ay siya na ang President nitong Lissome University. Anyway, he told me that there will be a mandatory retreat in Palawan. He also stated that it will be five days. Ah? Next week 'yon. Bale tatlong schools ang kailangang dumalo sa retreat na 'yon, at...Kasali tayo doon. Despite of that, hindi naman pwedeng sumama ang lahat kaya pumili na lang si Mr. Sanchez ng mga estudyanteng ipapadala sa Palawan. So ayon, bale may walong first year civil engineering students siyang napili. Tapos ang huli niyang nagustuhan na isali ay kayong third year architecture students. Well, he selected eleven students from my class, which is here. So, it was Clark Dela Cruz, Trevor Fuentes, Dave Garcia, Loren Gomez, Arkiel Crisdem Ethan Lopez, Stacy Rimando, Angel Santos, Darrel Torres, Blare Villacorta, Zerine Villacorta and Faye Villegas. Ah? Just so you know, that retreat was conducted for the sake and presence of peace, kaya maswerte kayong mga napili kasi siguradong mag-eenjoy kayo doon. Oh? And by the way, no gadgets allowed. Bago umalis sa mismong araw ng retreat ay ibibigay niyo sa amin ang mga gadgets niyo. Iche-check rin namin ang mga gamit niyong dala, kasi baka may spare phones kayong tinatago. Anyway, don't worry. Magpo-provide naman kami ng isang safety box para sa inyong nineteen. Doon kasi namin ise-secure ang mga gadgets niyo. Ah? Siguro naman wala na akong nakalimutan. Okay, that's all"
Nang matapos sa pag-aanunsiyo ang guro ay lumabas na rin ito kaagad ng silid, kasabay ng pagkulbit ni Dave kay Stacy.
"W-Why?!" Gulat na pagtugon ng dalaga, na animo'y balisa sa hindi malaman na dahilan.
"There's someone who sent me a fucking letter last night" Bulong naman ni Dave dito, kung kaya't mabilis na hinalughog ni Stacy ang kaniyang bag. May pilit siyang hinahanap sa loob niyon, hanggang sa tuluyan na niya itong makuha.
"You mean, like this one?!" Biglang naipakita ni Stacy ang isang puting envelope, kaya naman dali-daling nanlaki ang mga mata ni Dave.
"Fuck, nakatanggap din kayong dalawa?" Pagsulpot ni Trevor.
"What the heck?! May nagpadala din sakin ng ganyan kagabi!" Wika naman ni Zerine, matapos niya ding lumapit sa direksiyon nung tatlo.
"Is this some kind of annoying prank or what?" Nag-aalangang saad ni Dave.