The rise of everyone's nightmare.
-THIRD PERSON'S POINT OF VIEW-
Mabilis na lumipas ang mga araw, kaya't agad ding napuno ng kasiyahan ang buong venue, kung saan kasalukuyang ginaganap ang foundation day ng Lissome University.
"Hi crush! I mean Cloud" Pagtawag ni Zyrine sa blockmate niyang nakasuot ng costume ni Captain Hook.
"What?" Tamad na pagtugon naman ng binata dito.
"Picture tayo!" Masiglang wika pa ni Zyrine, ngunit mabilis lamang na umiling si Cloud.
Dahil doon ay agad na napanguso ang dalaga, saka niya malungkot na pinagmasdan ang suot niyang costume ng karakter na si Raven Queen mula sa Ever After High. May gusto kasi siya sa binatang si Cloud, kahit na alam naman niyang wala itong interes sa kaniya.
"Hey Zyrine!" Sa kabila nito ay bigla namang sumulpot ang kaibigan niyang si Trixie, habang suot ang costume ni Draculaura ng Monster High.
"Ah? What's with the pout?" Usal pa ni Trixie.
"Cloud is annoying" Inis na pagtugon naman agad ni Zyrine.
"Here we go again. Bakit ba kasi crush na crush mo yung si Ramos? Errr. You know what? If ako ang papipiliin, ayokong maging blockmate ang lalaking 'yon" Pag-irap ni Trixie.
"Yah, grabe ka talaga!" Muling napanguso si Zyrine.
"Whatever. Anyway, doon ka na lang kasi sa blockmate nating si Dane! Diba crush ka niya? Mas boto ako dun keysa kay Ramos" Dire-diretsong litanya ni Trixie.
"Cut it out Trix" Mabilis na sambit naman ni Zyrine.
"And why? Ang cute nga niya ngayon kasi nakasuot siya ng costume ni Tuxedo Mask" Saad pa ni Trixie.
"Will you stop? Itutulak kita kila Kane at Nickson eh!" Pikon na wika ni Zyrine.
"Hindi na nga!" Agad namang nag-peace sign si Trixie sa kaniyang kaibigan.
"Duh?! Diba crush ka nilang dalawa? So, sinong mas bet mo? Yung pinsan ko, o si Nickson?" Walang prenong pagtatanong naman bigla ni Zyrine.
"Wala" Diretsong tugon dito ni Trixie.
"Bakit wala?! Ang cute din kaya nilang dalawa ngayon! Kane is wearing a vampire costume while Nickson is portraying Chucky!" Protesta pa ni Zyrine.
"Maybe, Kane is not my ideal type. And Nickson? His brother killed my brother..." Hindi maiwasang makaramdam ng lungkot ni Trixie, matapos niyang sambitin ang kaniyang huling kataga.
"H-Hey, I'm sorry Trixie. I didn't mean to bring up that" Mabilis na lamang niyakap ni Zyrine ang kaniyang kaibigan, kasabay ng pagpapatahan niya dito.
Sa kabilang banda ay tahimik namang nakatayo sa isang gilid ang binatang si Blake, habang kapansin-pansin ang pagbabalat-kayo niya bilang si Shoto Todoroki mula sa palabas na My Hero Academia.
Tamad siyang nagkukutingting sa kaniyang phone, ngunit bigla rin siyang napatigil matapos niyang marinig ang matinis na boses ni Stacy.
"Blare!" Masaya nitong pagtawag sa kaniyang kapatid, na nasa hindi kalayuan.
Nakakubli ang itsura ni Stacy mula sa isang maikling devil costume, kaya naman hindi maiwasang magsipulan ng ibang kalalakihan sa venue.
"Shit. Ang ganda talaga niya" Halos mapatalon naman sa gulat si Blake, sa kadahilanang may bigla na lang nagsalita sa lapit niya.