𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 7

881 51 0
                                    

♡︎ZERLAC NICOLE POINT OF VIEW♡︎

Nasa studio ako ngayon para mag-practice dahil mag gegest kami sa isang show sa telebisyon. Kaya tudo bigay kami sa paghehensyo. Ang napili naming sayawin ay ang LOVE ME LIKE YOU DO. So, ayon nga maghapon kaming nag practice.

"Zer pahinga muna tayo, sakit na ng balakang ko." Biglang wika ng isa kong kagrupo which is si Ruzea.

"Oo nga naman, ang sakit na din ang paa ko, feeling ko namamaga na." Sabi naman ni Jessa na halatang pagod na pagod na silang lahat. Bali apat lang kaming mag kagrupo sa Girls Generation ng Pilipinas.

Napapangiti na lamang ako sa tuwing naaalala ko ang mga pagsubok na napagdaanan namin bago kami naging sikat. Iniidulo kasi kami ng mga kabataan at mga matatanda dahil sa magaling daw kami sa pagsasayaw.

Tinawag kaming Girls Generations ng manager namin na si Charice na pinsan ni Chad kasi daw sexy, maganda, magaling sumayaw etc. Hindi na lamang ako umimik o tumutol dahil sinang-ayonan naman siya ng mga kagrupo ko.

"Fine, mag-pahinga na muna kayo and let me remind you girls that be ready tomorrow, dahil sasabak na naman tayo." Nakangiting sabi ko sa kanila saka ako pumunta sa upuan ko. Lumapit naman ang P.A. namin para bigyan kami ng tag-isang water bottle.

☏︎SEXYBABY(GROUP CHAT)☏︎

CHARICE: Kamusta mandlang people.

REANNA: Heto buhay pa naman, hindi pa namam patay.

MAYA:  😂😂😂

CHARICE: Ang bad bad mo sa akin Yanah, nga pala Zerlac ready kana ba tomorrow.

AKO: Oo naman ako pa ba😊😊😊

Pero napapailing nalang ako ng bigla-bigla nalang silang nag-aaway, kaya nakikitawa nalang ako sa kanila sa tuwing nakikisawsaw si Alliana alam naman namin lahat na ang bastos ng bunganga ng babaeng ito, kaya naiinis silang lahat sa kalokohan niya.

Wala na talaga akong mahihiling pa dahil may mga kaibigan akong katulad nilang full package na. Naging magkakaibigan kami dahil sa mga lalaking nagkandarapa sa amin, hehehe. Tapos yong babaeng tumulong sa akin ay asawa pala ng leader nila. At naging close na rin kami ni Nylanyer dahil sa mabait, magalang, palangiti at maganda sa loob at labas ng pagkatao niya.

Inilagay ko na ang cellphone sa aking bag, dahil nasa labas na ang sundo ko, baka magalit na naman iyon kasi nga pinapatanggal na niya ako sa aking trabaho na gagawin ko naman sa tamang oras.

"Ate Zer, nandiyan na si sir Chad." Nanunuksong wika ng isa kong kagrupo na ikinatango ko lang saka ko kinuha ang bag ko.

"Una na ako sa inyo girls, basta bukas huh!" Nakangiting wika ko na ikinatango din nila kaya, lumabas na ako sa studio kong saan kami nag-eensayo sa gagawin namin bukas.

"Ang tagal mo naman." Nakasimangot na wika sa akin ni Chad na ikinarolled-eyes ko sa kanya.

"Ito naman, 'di na mabiro." Nakakunot noong wika na naman niya kaya inunahan ko nalang siya sa paglalakad.

"Love naman, nagbibiro lang ako." Wika na naman niya, kaya kinuha ko nalang yung kamay niya para maghawak kamay kami.

"I love you." Bulong niya sa akin na ikinapula na naman ng pisngi ko dahil sa husky niyang boses.

"Magtigil Chad Anderson, hindi kana nakakatuwa." Bulong ko din sa kanya dahil may mga kasabay kami dito sa elevator.

"Ako lang ito, ang nag-iisang Anderson ng buhay mo." Bulong na naman niya kaya kinurot ko ang tagiliran niya na ikinasigaw niya, kaya tumawa nalang ako ng patago dahil nagulat din ang mga kasama namin sa pagsigaw niya.

DO #2: The Singer And The Dancer(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon