𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 3

1.1K 60 1
                                    

♡︎ZERLAC NICOLE POINT OF VIEW♡︎

Nakasimangot ako habang tumatayo sa kinahihigaan ko dahil sa mga pinagsasabi ng pinsan ko, may sundo daw ako? May bisita? At sa ganitong oras pa. Ang galing naman.

Baliw ba siya? Dahil gabing gabi na. As in gabi na alas diyes na kaya ng gabi. Tsked. Whatever?!

Habang pababa ako ay tumunog naman ang cellphone ko kahit hindi ko kilala kung sino ang tumatawag ay sinagot ko pa rin, aba malay natin kung emergency nga ito.

"Hello, sino po sila?" Bungad ko sa tumatawag sa akin, hindi naman ako maatittude. Gumamit pa kaya ako ng po duh.

"Is this Zerlac Nicole Garcia?" Balik tanong ng nasa kabilang linya kaya, imbes na bumaba na ako ng hagdan ay huminto ako, para kausapin ang magandang boses na ito.

"Yes I am, ano po kailangan nila?" Sagot ko sa kanya, wala akong pakialam kung question and answer na kami.

"This is the manager of Mr. Anderson, and we have some important matters to do because you were hired as a dancer in the RPB studio, right."  Wika ng nasa kabilang na parang familiar ang boses na diko alam. Hayst, nababaliw na yata ako. Pero ano daw? Sa ganitong oras, talaga naman.

"Ah opo sige, pero ngayon na po ba? Pero kung importante talaga pupunta na po ako," sabi ko sa kabilang, shit excited na ako na ewan, first appointment ko ito as dancer sa TV.

"Hmmm yes, and don't worry, Mr. Anderson will fetch you their wait for him." Sagot niya, pero what the hell, Gosh... omg, omg, omg totoo ba ito?! Kung oo, sana hindi na ako magising.

"A-ah... e-eh..." hindi ko na natuloy ang nais kung sabihin dahil may sasakyan na SUV, tapos kulay gray papunta sa amin.

Kitang-kita ng dalawang mga mata ko, dahil nasa taas pa rin ako. Hindi sa pagmamayabang pero may kaya naman sina tita, so ayon nga kitang-kita ko dahil makapal na salamin lang ang dingding ng isang parte ng bahay kumbaga parang yung mga salamin ng mga building ganun.

"I think he's already there. Okay, see you later, Ms. Garcia." Narinig ko sa kabilang linya tapos binaba na niya ang tawag.

"Insan! May tao sa labas sino siya?" Tanong ng makapal kong pinsan, kasing kapal ng kilay niya.

"Papasukin mo na insan dahil magbibihis lang ako siya si Chad Anderson, saka mamaya ka sa akin, sino ulit ang sinasabi mong iniidolo mo? Wala naman, gago ba you." Masungit na sabi ko sa pinsan ko na si Renz Julius Garcia.

"Shit! Totoo ba yan?" Hiyaw naman na sabi ni Reanna sa akin na nakaupo sa may sofa sa salas kaya nag nod nalang ako bilang sagot bago ako umakyat ulit para magpalit ng damit.

Nakakagulat naman ang nangyayari, tsked ibang klase kahit gabi na ay may susundo sa akin. Ang galing naman, makapagbihis na nga.

Nang makabihis na ako ng pantalon at crop top saka nag white shoes nalang ako ng kulay puti. Kinuha ko na ang sling bag ko tapos bumaba na ako.

"Alam kung kilala mo kami, kaya kung mararapatin hayaan mo na siya mismo ang makaalala ang lahat." Narinig kung wika ng pinsan kong si Renz habang si Mr. Anderson naman ay may nakakatakot na awra.

"Hindi ako natatakot sa iyo, kahit under ka ng LA, alam mong kayang-kaya kitang pataubin ngayon din." Sagot naman ni Mr. Anderson. At kahit naguguluhan ay tumikhim ako, para sa akin mapunta ang atensyon nila.

"K-kanina ka pa ba diyan?" Natatarantang tanong  ng pinsan kong si Renz sa akin, kaya umiiling ako na ikinahinga niya ng maluwag.

"Nah! Kababa ko lang, bakit?" Balik tanong ko sa kanya, tapos ng tumingin ako sa susundo sa akin ay nag eye-to-eye contact kami ng Mr. Anderson. Mahangin kaya ang isang ito, pero ako ang unang umiwas. Nakakaintimate kasi ang mga mata niya.

DO #2: The Singer And The Dancer(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon