꧁TWO MONTHS LATER꧂
♡︎ZERLAC NICOLE POINT OF VIEW♡︎
Nakatulala lang ako sa may veranda dahil dalawang buwan na akong nakakaramdam ng kakaiba sa aking sarili. Saka minsan nga ang moody ko, yung naiinis ako sa mga taong nakapaligid sa akin. O naghahanap ng kahit na anong pagkain.
Ang weird ko lang talaga, ewan ko ba pinaghalo-halo ko din ang mga gusto kung kainin. Tapos every early morning I was vomiting. Sabi nga nila puyat lang daw ako at kulang sa tulog, tsked maybe dahil puro ako sayaw-sayaw lang.
"Insan are you ready?" Masiglang wika ni Reanna sa akin, habang may ngiti sa kanyang mga labi. Well, sabi nila mag-reunion daw kaming mag-pipinsan sa isang sikat na Restaurant.
Nagpareserve kasi sila, I mean ang buong restaurant ang napareserve nila para lang sa amin. Hindi sa pag-mamayabang pero may kaya naman kami. Even my other relatives dahil sa kani-kanilang business.
"Yup, ready na ready na!" Sagot ko sa kanya, tapos bumangon ako pero nakaramdam ako ng hilo kaya nahiga ulit ako. What happening to me? Hell, may sakit na yata ako dahil sa nararamdamn ko ngayon.
"Are you alright insan? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang sabi ni Reanna and I just nodded and smile at her, okay naman ako.
"Magandang umaga madlang people!" Tsked 'yan naman ang isa pang letse ng buhay ko. Sino pa nga ba, si kuya Renz, na akala mo kong sinong gwapo. Kapangit naman niya, kamukhang-kamukha niya ang pwet ng manok namin.
"Oh prepare yourselves guys, mag-sibangon na kayo! I wonder kung ano ang hitsura ng mga ibang relative natin siguro ako lang ang pinakagwapo sa kanila ano?" Mayabang na sabi niya sa amin, saka siya humiga sa kama ko kong saan ako na kahiga. Kaya I just rolled my eyes dahil sa mga lumalabas sa bibig niya.
"Puta naman kuya, pa prepare prepare yourselve ka diyan kung hihiga ka lang naman, at ano daw ikaw lang ang gwapo sa clan natin, shit in your dreams!" Naiiritang sabi ni Reanna, saka niya tinadyakan ang paanan ni Renz.
"So what lit sis, as you can see, I'm already done, and both of you still messy as hell. Sa totoo naman na ako lang ang gwapo sa family natin, ang iba nga sinagasahan ng one hundred truck ang pagmumukha!" Nakangising sabi naman ni Renz, tapos nakapikit pa talaga at hindi ininda ang pagtadyak ni Reanna sa kanya.
"Whatever kuya, magpahospital ka nalang para sure ka na walang sira ang tuktok mo, o diperensa." Naiiling na sabi nalang ni Reanna saka niya ako hinila papasok sa banyo. Oo, sometimes nagsasabay kaming maligo.
"Nagpapalakihan ba kayo ng hinaharap? Eh pare-pareho lang naman kayong flat chested!" Sigaw ni Kuya Renz sa amin.
"Fuck you, kuya. We're not flat chested, we're sexy kaya, tsupi, and shut the fuck up!" Sigaw na sagot ni Reanna na halatang galit na sa kapatid niya.
Well, wala akong paki sa kanila basta naligo na ako, habang nakatingin sa salamin.
---
Pagkatapos naming maligo ay nagbihis na kami, ang sinuot kong t-shirt ay yung may nakatatak na GARCIA CLAN. Maganda naman siya na kulay skyblue. Saka nagpantalon nalang ako at nagsapatos ng kulay white na knike ang tatak, bagay naman siya, nilugay ko lang ang medyo may kahabaan kung buhok para maging perfect na.
"Okay we are ready kuya pangit!" Sigaw ko sa tainga ni kuya Renz dahil halatang pagod na pagod ang loko, nakahiga lang siya sa aking kama, habang nagpapaganda kami ni Reanna.
"Aray ko naman Zerlac masisira na yata ang eardrums ko. Tangina naman, gising na gising ako kita mo naman na nakaopen ang gwapo kung mga mata tsked." Halatang naiinis na wika ni kuya sa akin, saka siya tumayo na at hinubad ang kanyang pang itaas na damit. Well, not bad kasi may six pack abs naman siya na halatang lagi sa Gym. Sinuot din niya ang kulay Skyblue na damit na kagaya sa amin ni Reanna.
BINABASA MO ANG
DO #2: The Singer And The Dancer(COMPLETED)
Romance[R-18+] DARKIEST ORG. II Hindi lang ordinaryong artista ang tinitingala ng mga kababaihan. Dahil sa likod ng kasikatan niya ay may tinatago pala siya dahil kabilang siya sa larangan ng Mafia. Meet CHAD CHRISTIAN ANDERSON one of the Boss of Darkiest...