♡︎ZERLAC NICOLE POINT OF VIEW♡︎
Nakakapagod naman ang araw 'to. Hayst buhay ay parang life. Napapasinghap na lamang ako habang umiinom ng tubig, dahil sa tudo linis ng bahay, ewan ko ba sa mga pinsan ko. Pero seriously I'm so tired. Nakakapagod palang maglinis ng buong bahay kahit na may mga tagalinis kami, tumulong kasi ako at ni Reanna sa pag-general cleaning.
"Insan, halika ka nga dito dali!" Biglang sabi ni Reanna, kasi nakaupo din siya sa may kama ko. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto nilang tambahayan ang kwarto ko. Pero pustahan tayo about kay Tristan ito, 'yong kaibigan ni Chad. I smell something fishy sa kanilang dalawa.
"Oh bakit? Is there any problem?" Naiiling na tanong ko naman sa kanya ng makaupo ako sa may kama na din, nakaupo kasi ako sa may study table ko, busy kaya ako sa pagbabasa ng My Professor Mafia Boss Is My Husband, tinitingnan ko lang ang flow ng story na 'to.
"Hmm wala naman pero bakit kaya ganun makatitig si Tristan sa akin? Parang ako lang 'yung pinakamaganda para sa kanya. Hmm, what should I do insan kapag tunaw na tunaw na ako sa malagkit niyang titig?" Nakikilig na wika niya. Oh diba si Tristan na naman, palagi naman niyang binabanggit 'yun sa akin.
"Ewan ko, gusto mo tanungin ko siya, kung bakit ganyan siya makatitig sayo, you want?" Mapanghamong sabi ko dahil may pagka-pilyo ako paminsan-minsan, tulad ngayon. Napangiti ako ng matamis na matamis ng makita ko ang pag-ngiwi niya, saka tuloy-tuloy na napapailing dahil sa inaasta ko ngayon.
"No, no way, wala akong sinabing tanungin mo siya. Gosh masisira ang beauty rest ko sayo." Sagot niya agad-agad, kasi kilala niya ako mula ulo hanggang paa, na kapag sinabi ko ay gagawin ko 'yun.
"Eh tinatanong mo kasi sa akin ang hindi ko alam ang sagot. Kaya nasabi ko yan sayo, masisisi mo ba ako?" Naiiling na sabi ko sa kanya at ayon nga makapag-pout wagas. Halata namang crush niya si Tristan. Indenial lang siya, kasi hindi daw siya pumapatol sa mga lalaking sigurado siyang maraming kaagaw. Hell, ako nga artista, siya pa ngang Agent lang.
"Ang sama mo sa akin insan, hindi na talaga kita bati, nakakatampo ka. Alam mo yun huh!" Nakasimangot na sabi niya na habang kapout ang mapula niyang labi. See halata na ngang gusto niya 'yung tao, hindi pa niya aminin. Nakakaloko nga, well, well, well wala naman akong ginagawang masama. Nakaupo lang ako dito habang nakikinig sa mga daing niya tungkol sa isang lalaki.
"Pero alam mo insan nakita namin siya na may kasamang babae, sexy, maganda mayam..." Hindi ko na naituloy ang nais kong sabihin, dahil nahulog at nabasag lang naman niya ang basong hawak niya, nahulog niya sa pagkabigla. Pagkabigla sa sinabi ko na dapat hindi ko nalang sinabi. Eh niloloko ko lang naman siya, if hindi ko sabihin ang totoo.
"Mapapatay ko 'yong lalaking 'yon, makita niya may patingin-tingin pa siya ng ganun sa akin, may pasabi-sabi pa siyang don't you dare look to another guy, tangina niya, babaero pala siya!" Naiinis na sabi niya saka halatang galit at selos ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Pffffffttt. Hahahaha, ang epic ng mukha mo pinsan hahaha!" Hindi ko na napigilan ang pagtawa dahil sa itsura niyang nakakatakot na medyo hindi bagay sa kanya dahil palangiti siya.
Anyway 'yong babaeng tinutukoy ko lang naman na kasama niya eh, 'yong pinsan niyang si Nylanyer. By the way kilala naman nilang lahat ang tungkol sa Darkiest. Saka nakilala namin si Nylanyer noong nag-vacation kami sa San Rafael dahil kaka-graduate lang pala ni Nylan at Alliana noon.
"Anong nakakatawa babae, kitang-kita muna ngang galit na galit na ako dito, pero tatawanan mo lang ako, now sagutin mo ang tanong ko, ano ang nakakatawa?" Naiinis na sabi niya sa akin na halatang na iirita na dahil sa pag-tawa ko.
"Wala, 'yong reaction mo kasi ang epic hahahaha, ewan ko sayo insan, makapagdeny kapang ayaw mo sa kanya pero kapag may kasamang iba ay galit na galit gustong manakit tch." Naiiling na sabi ko sa kanya saka ako tumawa ulit, dahil lalo siyang napangiwi.
BINABASA MO ANG
DO #2: The Singer And The Dancer(COMPLETED)
Romance[R-18+] DARKIEST ORG. II Hindi lang ordinaryong artista ang tinitingala ng mga kababaihan. Dahil sa likod ng kasikatan niya ay may tinatago pala siya dahil kabilang siya sa larangan ng Mafia. Meet CHAD CHRISTIAN ANDERSON one of the Boss of Darkiest...