PAGSUBOK

33 4 0
                                    

III

MARCELLUS

+-+-+-+

"MALIGAYANG PAGDATING sa inyong unang karera... Sa inyong unang pagsubok" seryosong sabi niya na para bang iyon na ang pinakamagandang sagot sa mga nagtatanong naming mukha.

Sa totoo lang ay nawawalan na ako ng pasensiya at bagot na bagot na ako sa kakabitin ng taong ito sa nais niyang iparating, kaya hindi na ako nakatiis at kaagad na akong nagsalita.

“Baka maaari niyo nang ipaliwanag sa amin kung ano bang ibig mong sabihin sa iyong mga sinasabi? Nagsasayang lamang tayo ng oras kaya't kung iyong mamarapatin ay nais naming malaman kung ano ba ito?” dire-diretso kong sabi at napapahiya itong tumitig sa akin ngunit agad ding sumeryoso pagkatapos niyon.

“Bilang isang tagapagmana ng trono at mamamayan, hindi lamang sa imperyo kundi pati na rin sa buong bansa ng Timog ay kailangan niyo ring sumailalim sa pagsubok at paghahasa ng inyong kakayahan. Hindi porke't kayo ay mga dugong bughaw ay hindi na kayo kasali sa pagsubok na ito. Lahat ng kalalakihan edad labintatlo pataas at labing-walo pababa bago matapos ang linggong ito ay nakatakdang magsanay.” mahabang paliwanag niya at nanatili pa rin kaming tahimik, nakikinig sa kaniya.

“Kung gayon ay inaasahan ko ng katulad namin ay mayroon din kayong inihandang paunang pagtanggap sa iba pang kasali sa pagsubok na iyong tinutukoy, hindi ba?” gusto kong matawa dahil pinagdiinan pa talaga ni Cairo ang mga salitang iyon. Panigurado ay naiinis na ito dahil bukod sa kaarawan niya ngayon ay labis din na pangamba ang nadama niya.

“Ang totoo niyan prinsipe ay sa inyong dalawa lamang ipinag-utos ito.” pormal na tugon niya at kita ko naman ang pagkunot ng noo ng katabi ko, maging ako ay napataas ng kilay.

Kahit na nahuhulaan ko ng kaming dalawa lamang ang nakaranas nito ay kailangan ko pa rin kompirmahin iyon mula sa kaniya.

“Bukod kasi sa mas mabigat ang inyong tungkulin kaya dapat handa kayo sa anumang panganib ay nais ding malaman ng hari ang inyong kakayahan.” nakangiting wika niya.

“Kung hindi niyo napansin kanina ay nakikita namin ang bawat kilos ninyo dahil ang maliliit na siwang sa gilid ng gusaling kinasadlakan ninyo.”

“Napansin ko nga” komento ni Cairo sa kaniya.

“Ikaw Prinsipe Cairo, pinupuri ko ang iyong katalinuhan sa pagkalas ng pagkakagapos ng lubid sa inyong mga kamay at paa. Bagaman may iba pang mas mabilis na paraan ay hindi ko maitatangging magaling ang iyong ginawa.” nakatitig na papuri ng ikalawang sepjae kay Cairo.

Sinuklian niya lamang ito ng pagtango. Hindi na ako nagtaka doon dahil malamig ang pakikitungo niya sa lahat ng tao at hindi gaano nakikipag-usap.

Kahit na hindi maganda ang pakikitungo namin sa isa't isa ay nababahala pa rin ako sa ugali niyang iyan dahil baka iyan ang makapag-pahamak sa kaniya.

“Ikaw naman Prinsipe Marcellus, hinahangaan ko ang iyong kalakasan. Ngunit may mas matalino pang paraan kumpara doon. Kapag nasa bingit kayo ng ganoong sitwasyon ay makiramdam kayo at huwag kaagad gagawa ng kilos na inyong ikapapahamak. Ikaw ay may natatanging lakas ng loob ngunit may taglay na kapusukan, mag-iingat ka” paalala nito sa amin. Tipid naman akong ngumiti bilang tugon sa kaniya.

May parte sa akin na kinilabutan sa sinabi niya, nahihimigan ko ang magkahalong pangamba at banta sa seryosong pananalita niya. Hindi lingid sa kaalaman ko na napaka-ikli ng pasensiya ko at talagang marahas akong kumilos ngunit patutunayan kong kaya ko itong kontrolin.

JUST ONE DAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon