PAGBABALIK

26 4 0
                                    

VI

CAIRO

+-+-+-+

ANG ARAW na ito ang kinasasabikan ng lahat ng taong nasa isla. Ang araw kung saan matatapos ang pagod at sakit na inabot sa pagsasanay na ito. Ang araw ng aming pagtatapos.

Tunay na kaligayahan ang nadarama nila dahil sa wakas, makakabalik na sila sa dati nilang buhay at balang-araw ay magiging matatapang silang depensa ng imperyo. Bukod doon ay makakasama na rin nila ang kanilang kani-kaniyang mga pamilya.

"Woohoo! Sa wakas! Natapos rin itong... ano bang magandang salita ang maikukumpara dito? Masalimuot? Kahindik-hindik? Hindi na mahalaga dahil napagtagumpayan na rin natin ang paghihirap na ito." bulalas ni Harlan na akala mo ay nakatanggap ng samu't-saring ginto. Umaalog-alog pa ang kulot nitong buhok kakatalon.

Nasa loob na kami ng barkong palagi naming sinasakyan. Nakatunghay lamang kami sa maliwanag na kalangitan dahil sa sikat ng araw at ng pagtalsik ng tubig.

"Sang-ayon ako diyan! Isipin mo, nung nakalaban ko noon si Cairo eh talagang magdamag na sumakit ang aking katawan!" parinig ni Einar sa akin kaya natatawa ko siyang tinignan.

"Bakit? Hindi pa naman ganoon kalakas ang mga suntok ko noon ah?" biro ko.

"Tumataas na ngayon ang tingin mo sa sarili Cairo ah."

At sabay-sabay kaming nagtawanan.

Hindi ko maikakaila ang napakalaking pagbabago sa aking pag-uugali nang magkaroon ako ng mga kaibigang tulad nila. Pakiramdam ko ay nakaahon ako sa matagal na pagkakalunod. Kung dati ay para akong isang yelong walang-kasing lamig hanggang sa unti-unti iyong natutunaw.

"Nananabik na talaga akong makapiling muli ang aking pamilya. Tuwing umaalis ako para sa pagsasanay ay parang ilang milya ang layo ko sa kaniya." madamdaming sabi ni Rafael kaya inakbayan naman siya ni Gael.

"Oh! Kayanga uuwi na tayo 'di ba?" pang-aalo niya sa kaniya.

Napasulyap naman ako kay Einar, tulala lang siya at lubhang malalim ang iniisip kaya siniko ko siya at parang gulat pang nilingon ako.

"Ayos ka lang?" tanong ko at napabuntong-hininga lang siya. Sigurado akong nangungulila siya sa kaniyang pamilya.

"Bakit hindi mo pa sila puntahan kung nalulumbay ka na?"

"H-Hindi ko pa kaya."

Anumang oras ay maglalandas na ang luha sa kaniyang mata kaya tinapik ko ang balikat niya at saka siya ngumiti sa akin.

"Salamat."

"Psh! Ito na nga oh uuwi na tayo kaya dapat ay masaya tayo!" narinig kong singhal ni Harlan sa amin kaya iba na lamang ang napag-usapan namin.

Ilang minuto ang nakalipas ay narating na namin ang imperyo.

"Ipangako niyo sa akin na magkikita pa tayo ah?" sabi ko sa kanila bago kami lumabas ng barko.

"Kami pa talaga ang sinabihan mo ng ganiyan. Baka nga ikaw 'tong magkulong diyan sa kuwarto mo. Walang makakapag-hiwalay sa atin." wika ni Gael.

JUST ONE DAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon