TADHANA

33 3 0
                                    

VIII

CAIRO

+-+-+-+

AAMININ KONG ang dampi ng kaniyang labi sa akin ay naghahatid ng kung anong klaseng sarap sa pakiramdam. Unang beses ko ito kaya hindi ko pa alam kung ano bang pakiramdam ng humalik o mahalikan. Sa totoo lang ay natutukso talaga ako sa babaeng ito dahil bukod sa marikit nitong wangis ay nakadadagdag din ang katawan nitong dumidikit sa akin. Ginawa ko ang lahat upang makontrol ang aking damdamin... dahil ayaw ko siyang mabastos. Mataas ang tingin ko sa kababaihan, o sa kaniya kahit na hindi maganda ang una naming pagkikita.

Patuloy ko pa ring sinisiil ang labi niya. Ang kaliwang braso ko ay ipinatong ko sa balikat niya upang matakpan ang mukha niya dahil baka makilala siya, ang isa naman ay nakayakap sa likuran. Ang kanang kamay naman niya ay nakasabunot sa aking buhok at ang kaliwa naman ay hinahaplos ang likod ko.

Hindi naman siguro sila maghihinala kung sakaling may ginagawang milagro ang isang lalaki at babae sa lugar na ito lalo't madilim banda dito at wala pa naman ang mga tao. Pasimple kong tinitignan sa gilid ng aking mata kung nakita na ba nila kami. Sakto naman at nakita ko ang isang lalaki na isa sa humahabol sa amin, na balak pa yata kaming panoorin hanggang sa gawin namin ang bagay na iyon.

Ibinaba kong muli ang halik ko sa leeg niya at saka ko siya binuhat at isinandal sa pader. Ang makikita lamang ng lalaking iyon ay ang likuran ko.

Narinig ko pa siyang sumipol. “Tignan mo oh.” sabi niya sa isa pang kasamahan niya. “Ayos ito!” dagdag niya pa.

Sa loob-loob ko ay hinihiling kong umalis na sila dahil hindi ko na talaga kaya itong ginagawa namin!

“May kailangan pa tayong habulon kaya halika na!” suway sa kaniya ng kausap niya. “Paumanhin. Ipagpatuloy niyo lamang iyan.” paghingi ng dispensa ng lalaking iyon sa amin! Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil sa sinabi niyang “ipagpatuloy niyo lamang iyan”!

Nang marinig ko na ang mga yabag nila papalayo ay saka ko na itinigal ang gimagawa ko. Napapahiya akong tumigil at hindi na ako makatingin sa kaniya ng diretso!

“W-Wa-l-la n-na s-sil-a.” literal na nanginginig kong sabi sa kaniya!

Pag-angat ko ng tingin sa kaniya ay bakas ang gulat sa mukha niya at...

NAMUMULA SIYA!

Dahil do'n ay nararamdaman ko na ang pamumula ko dahil sa kahihiyan! Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming saplot pang-itaas. Tanging ang damit-panloob niya lamang ang humaharang sa dibdib niya!

“P-Pata-w-ad, w-wala n-na k-ka-sing i-ib-a pang p-p-ara-an k-kaya—”

Hindi ko na natapos ang saaabihin ko ng bigla-bigla ay...

SINUNTOK NIYA ANG MUKHA KO NG ILANG BESES! PINAGSISIPA AT...

TINUHOD NIYA ANG PINAKAIINGAT-INGATAN AT PINAKA-INAALAGANG PARTE NG KATAWAN KO!!!

“AAAAAHHHHHH!!!!”Napahiyaw ako sa sakit dahil sa sobrang lakas no'n! Nagpagulong-gulong ako sa lupa habang hawak-hawak ang parteng iyon!

“Alam mo ba ha kung gaano kasakit iyon?!” nanggagalaiting sigaw ko sa kaniya habang iniinda ko ang sakit!

“Nararapat lamang sa iyo iyan dahil...!” nag-iwas siya ng tingin! “Dahil sa pananamantala mo sa pagkababae ko!” sumbat niya sa akin kaya nalaglag ang panga ko!

JUST ONE DAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon