PAGTATAGPO

36 4 0
                                    


A/N: This is the beginning of my so-called romantic scenes in the story. I don't know if those scenes really have an effect to you but I'll try my best to give you that “kilig” sensation!

VII

CAIRO

+-+-+-+

“HUWAG MO silang papansinin.”

Rinig kong bulong sa akin ng kuya ko. Sa oras na iyon ay pakiramdam ko ay nahusgahan ang aking pagkatao. Hindi lang nila binibigkas ang bawat maling paratang nila sa akin dahil batid nila kung saan sila pupulutin kung sakaling magsalita sila ni isang pangungutya sa akin.

Kailangan mong maging matatag... sabi ko na lamamg sa aking sarili.

“Ipagpatuloy na natin ang selebrasyong ito!” nakangiting anunsiyo ng hari kaya ang iba ay humayo na at naglibot sa buong imperyo.

Bumaba na kaming apat sa entablado at nagpaalam sa amin ang hari lalo't marami pa itong kailangan asikasuhin.

“Patawarin ninyo ako sapagkat kung sakaling lilibot kayo ay hindi ako makakasama dahil—”

Kusang tumigil si Adelia sa pagsasalita at biglang napatitig na lang. Nilingon ko naman ang tinititigan niya at matanawan ko naman sina Einar, kasama ang tatlo. Papalapit sila sa direksiyon namin. Siniko ka siya.

“Masiyado kang halata.” bulong ko sa kaniya at namula siya sa kahihiyan!

“Magandang umaga sa inyong tatlo!” bati sa amin ni Einar, nagbigay-galang naman ang tatlo sa amin.

“Pasensiya na talaga ngunit kailangan ko ng umalis. Alam niyo na, maraming kailangang gawin..” nahihiya pang usal ni Adelia at saka siya mahinhin na umalis papalayo.

Tss.

Ako rin. Kulang ang pahinga ko ngayon. Pasensiya na talaga.” paalam sa amin ni kuya. Mukha namang nagsasabi siya ng totoo dahil pupungay-pungay din ang kaniyang mga mata.

“Sasamahan ka na namin.” suhestiyon ko ngunit umiling-iling lang siya.

“Hindi na, sige na umalis na kayo.” tanggi niya at saka na tinahak ang daan patungo sa palasyo.

“Sabi ko naman sa inyo eh tayo'y magkikita pang muli.” sabi ni Gael at saka niya kami inakbayan lahat.

Magkakasama kaming naglakad at nakisabay sa mga tao. Marami rin ang napapatingin sa direksiyon namin, salamat sa pagpapakilala sa aming tatlo ng hari.

Nang mapadpad ang tingin ko sa bahagi kung nasaan ang mga naglalakihang puno ay may nakita akong mga taong nakaitim, katulad nung mga nasa isla.

“Sandali lang ako ay may titignan lamang.”

Pagkaalis ko ay sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang babae akong nakabunggo. Dahil sa pagmamadali niya sa pagtakbo ay hindi na niya yata ako nakita kaya pareho kaming nahulog!

Kahit na masakit pa ang aking puwitan sa pagkakahulog ay mabilis akong bumangon upang tulungan ang babaeng ito.

“Binibini, ayos ka lang ba?” tanong ko sa kaniya at saka ko inilahad ang kamay ko sa kaniya. Medyo nakayuko siya kaya hindi ko siya gaano makita.

JUST ONE DAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon