PALASO

25 3 0
                                    

IX

CAIRO

+-+-+-+

"SINUSUNDAN MO ba ako?"

Umalingawngaw sa buong pasilyo ang aking boses dahil sa katahimikan mg paligid.

Umirap siya. "At bakit ko naman iyon gagawin?"

Bakit nga ba?

"H-Hindi ko alam sa iyo." napapahiyang sabi ko dahil hindi ko nga naman alam kung bakit. Bumuntong hininga siya.

"Aalis na lang ako. Pakisabi na lang kay-"

"Huwag!"

Nagulat siya. Ako mismo ay nagulat din sa naging reaksyon ko.

Dala ba ito ng ginawa kong kahihiyan sa kaniya?

"Ang ibig kong sabihin ay h-huwag muna dahil narito ka p-para sa aking kapatid. Paniguradong nangungulila na kayo sa isa't isa kaya siguro'y mas nakabubuti k-kung manalagi ka muna dito." maging ako ay nasusuka sa aking mga tinuran. Nangungulila-tss!

"Sabi ninyo eh, kamahalan." at talagang pinagkadiin-diinan niya ito, nang-aasar.

Pagkatapos no'n ay nilampasan niya ako. Talagang wala ring modo ang taong ito, akala niya yata'y isang ordinaryong tao lamang ang kaniyang iniirap-irapan at nilalampas-lampasan.

Sinundan ko siya siyempre, ayoko naman siyang iwan dahil ipinagkatiwala ng kapatid ko ang taong ito sa akin.

Tinahak niya ang mahabang pasilyo hanggang sa marating niya ang punong bulwagan, wala naman ang hari doon kaya malaya naman siyang magtungo doon. Tumigil siya sa paglalakad at saka tumitig doon. Mukha na siguro akong tanga sa kakasunod sa taong ito.

Tumikhim muna ako bago magsalita. "Iyan ang punong bulwagan, ang parte ng palasyo kung saan naupo ang hari at-"

???

Habang nagsasalita ako ay bigla na lang siyang umalis sa kaniyang pwesto at tumungo sa kaliwang palsilyo! Isinasawalang bahala lahat ng mga pinagsasabi ko!!!

Pinapahiya ako ng babaeng ito!

Nais kong magwala sapagkat hindi pa ako napahiya ng ganito kalala sa aking buong bahay! Kulang na lang ay umusok na ang aking ilong at tainga. Nagngingitngit na ang aking mga ngipin, nakakuyom na ang aking palad at sobrang sama ng tingin ko sa kaniya! Ngunit kailangan kong kumalma.

Siyempre sinundan ko pa rin siya dahil "nakakahiya" naman sa kaniya. Sa kakasunod ko sa kaniya ay hindi ko na namalayan na huminto siya sa aking harapan dahilan upang mabunggo ko siya.

Kumunot ang noo niya. "Bakit ba sunod ka ng sunod sa akin?" sabay gawad ng masamang tingin sa akin.

"Bakit ba ang sungit mo?" kalmado ngunit bakas ang pagkapikon sa aking boses.

"Ganito lang ako sa mga bastos na gaya mo." saka siya nagdire-diretso ng lakad.

Naiwan akong nakanganga, gulat sa kaniyang mga tinuran. Matagal din bago ako nakabawi kaya doon ko na lang ulit siya nasundan.

JUST ONE DAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon